Chapter #2 - Meet Them

42.9K 675 21
                                    

 //Chapter #2 - Meet Them//

Cloud's POV

 *LIBRARY*

Nakaupo lang ako sa sahig habang nakasandal sa dingding. Ano ba yan =___= Nakakaantok naman.

"Matt, hindi pa ba tayo uuwi?", pagtatanong ko. Nakakaantok lang kasi dito sa library. Pinapatulong kami ni Matt magresearch. Hindi lang naman daw sya ang makikinabang, pati rin daw kami. Pshh =___=

"Hindi pa.", diretsong sagot nya habang nagbubuklat ng mga libro.

"Matt, magresearch na lang tayo.", pagyaya ni Francis. Nabobored na din siguro to. Mga takot pa naman sa libro.

"Eto na nga. Nagreresearch.", seryosong sagot naman ni Matt nang hindi tumitingin kay Francis. Mukhang ayaw yata magpaistorbo ni Matt.

"Matt, pwede magpahinga?", pagtatanong ulit ni Francis.

"Magpapahinga ka pa. Wala ka namang ginawa.", minsan talaga may bahid din ng pambabara tong si Matt. Nice one! Haha.

"Sabi ko nga eh =____=", mukhang nabara naman si Francis. Kinuha nya na lang yung cellphone nya. Mukhang may katext ata ang loko, Ayyy, oo nga pala. Maraming chix yan eh -___-

Teka nga? Bakit pala tatlo lang kami dito?

"Nakita nyo ba si Azer?", napatingin naman sakin yung dalawa.

"Hindi eh."

"Baka lumabas?"

"Psh. Tamad talaga nun=_=", napakamot na lang ako ng ulo. Bahala nga sya. Babalik din yun..

Mga kalahating oras na siguro ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Azer. Tiningnan ko yung cellphone ko, 8:00 PM na pala.

"Guys, 8:00 na. Siguro, kailangan na natin umuwi.", sabi ko sa kanila. Um-oo naman sila kaya nag ayos na sila ng gamit. Naglakad na kami papuntang parking lot.

"Pano na si Azer?", Francis.

"Marunong naman umuwi yun.", nakapamulsang tugon ko.

"I mean, baka hanapin nya tayo.", Francis

"I-text nyo na lang.", singit ni Matt.

"Ako na magtetext.", kukunin ko na sana yung cellphone ko, "Ahm,. Guys. Una na kayo. May naiwan lang ako."

Tumakbo na ako pabalik ng library. Nakalimutan ko pa tuloy yung cellphone ko, Malapit na ako sa library nang may marinig akong bumagsak.

*Boooggsssshhh!!*

San kaya galing yun? Hindi muna ako dumiretso ng library at pinuntahan ko yung lugar kung saan may narinig akong bumagsak.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong parang may nasipa ako. Yumuko ako at hinawakan ko yung nasipa ko. Wait? Parang kamay to ah?

Buti nalang lagi akong may dalang flashlight. Ayy tanga. Dapat pala kanina ko pa ginamit to.

Nakita ko ang isang babae na nakahiga sa daanan. Medyo malapit lang naman sa library. Kaya naman binuhat ko muna sya sa loob ng library at binuksan yung ilaw.

Nagulat ako sa nakita ko, pamilyar kasi yung mukha niya. Alam nyo yun? Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala. Hiniga ko muna sya sa mahabang upuan at kinuha yung first aid kit na nakasabit malapit sa bintana ng library.

Teen Academy (School of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon