EXTRA #2: She'll gonna make it

Start from the beginning
                                    

Mabilis siyang bumaba at nagmamadaling pumunta sa kusina, may katulong naman sila kaya hindi na niya kailangan pang magluto pa. Pagbaba niya ay muntik ng bumaligtad ang sikmura niya ng makita ang mga nakahandang pagkain na nasa mesa. Eggs, ham, bacon, fried rice pakiramdam niya ay masusuka na siya kaya nagpasya siyang kumuha nalang ng freshmilk para alisin ang umay na nararamdaman niya sa mga nakahandang pagkain.

Pag-inom niya sa gatas ay pakiramdam niya ang tabang niyon kaya itinapon nalang din niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dahil wala siyang mapagtanungan. Hindi niya pwedeng sabihin sa mga kaibigan niya dahil sasabihin ng mga ito sa mga asawa nito at sasabihin nila kay Ashton baka ipagtabuyan siya ni Ash kapag nalaman nito.

"Hindi ka kakain?" takang tanong ni Ashton sa kanya ng makitang may hawak lang siya na baso na may lamang gatas.

"Hindi pa ako gutom." Iniwas niya ang mga mata mula dito. "Ikaw nalang muna ang kumain."

"Kapag hindi ka kakain ay hindi rin ako kakain." Nagtatampo pa rin yata ito sa kanya.

"Ashton please huwag mo namang gawin iyan, marami ka pang gagawin sa office." Mas lalo tuloy itong napasimangot. "Hindi pa talaga ako gutom."

Hindi ito umimik bagkos ay tumalikod lang ito kaya sinundan niya ito. "Ash."

"Sa labas na ako kakain." Mabilis itong bumalik at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi bago umalis na ng tuluyan. Hindi na niya ito sinundan dahil kapag ganoon ay baka may masabi na naman siyang pwede nitong ikagalit. Unstable pa naman ang takbo ng utak niya. Nagpasya siyang hindi muna pumasok ngayon, gusto lang muna niyang mapag-isa. Masyado kasing mabilis ang lahat ng bagay sa buhay niya, pakiramdam niya ay panaginip lang ito.

Pagkatapos niyang magbihis ay una niyang pinuntahan si Monique, ewan ba niya kanina ng magising siya ay ito agad ang nasa isip niya. The last time they talked ay nakangiti lang ito pero alam niyang may ibang meaning sa mga labi nito and that smile scares her... big time.

Dahan-dahan lang ang pagmamaneho niya dahil alam niyang buntis siya at saka kung anuman ang magiging desisyon ni Ashton kapag nalaman nito na buntis siya handa na naman siya. Masasaktan siya pero expected na kasi niya ang bagay na iyon, pinasok niya ang bagay na ito, nagmahal siya kaya alam niyang masasaktan siya there's no one to blame then. At saka kung hindi kayang matanggap ni Ashton na buntis siya handa naman siyang makipaghiwalay dito at papalakihin niya ang anak niya. At least ngayon may masasabi na siyang tunay niyang pamilya, isang kadugo na pwede niyang mahalin. Ipinatong niya ang palad sa ibabaw ng tiyan niya... hindi pa man ay mahal na mahal na niya ang anak niya.

Pagdating niya sa apartment ni Monique ay tahimik doon pero alam niyang may tao. Agad siyang pumasok ng hindi na kumakatok at natagpuan ang kaibigan niya na nakaupo sa sahig, habang nakayukyok ang ulo nito sa sofa nito, sabog na sabog ang ulo nito at may blanket na nakatakip sa katawan nito. Ang lamig ng silid nito.

"Niq?" agad itong kumilos at tumingin sa kanya, ngumiti si Monique pero sunod-sunod naman na nagsituluan ang mga luha sa mga mata nito. Those sweet sad smile she had. "Anong nangyari sa iyo?" masuyo niyang tanong.

"I'm tired." Mahinang sabi lang nito sa kanya, agad siyang kumilos at tinanggal ang nakabalabal na kumot dito. Nakapantulog pa si Monique...

"Natulog ka na ba? Matulog ka muna." Tinulungan niya itong tumayo at dinala sa silid nito. "Here higa ka ng maayos."

Tinulungan niya itong humiga, nagsisikip ang dibdib niya habang nakatingin sa kaibigan niya. Napasulyap siya sa mga pictures na nasa tabi ng higaan nito. May picture ito noong bata pa ito na katabi ang daddy nito, it's a ripped picture... halatang pinunit ng sobrang daming beses na pinagdikit-dikit lang ng scotch tape. Batang-bata pa si Niq sa picture wala pa nga yata itong five. Sa kabila naman ay picture ng mommy at ate nito na magkatabi, naalala niya ang picture na iyon. Picture iyon noong magdebut ang ate nito, palihim na kinuha nito yata sa album ng ate nito ang picture dahil wala namang picture na magkasama ito at mommy at ate nito. Niq never had a birthday picture with her mom and sister, because she doesn't celebrate her own birthday. Palaging sinasabi ng mommy nito na ang birthday daw nito ay pinakamalas na araw sa mundo at si Niq daw ang pinakamalas na tao sa mundo. She saw how Niq's mom treated her as if she wasn't her own child. Kaya nga nasabi niya noon na mabuti na rin iyong hindi niya naalala ang mga magulang niya keysa naman tratuhin ka ng tunay mong pamilya na para bang isa kang salot.

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now