EPILOGUE

119K 2.3K 149
                                    

EPILOGUE

KUNG kaninang umaga ay abot hanggang Oort cloud ang kaba niya ngayon naman ay umabot sa kabilang galaxy ang kanyang saya. Sa wakas asawa na rin niya si Georgette, hindi siya makapaniwalang sinunod talaga niya ang utos ng kanyang daddy ng humingi siya ng payo sa kung ano ang dapat gawin sa babaeng mahal niya. Mabilis pa sa kidlat na nagsuhestiyon ang kanyang ama sa tamang gagawin daw niya.

Kagaya daw ng ginawa nito sa mommy niya, hindi siya aware sa love story ng kanyang mga magulang. Wala naman talaga siyang pakialam dahil masaya naman ang mga ito, may mga oras na nag-aaway dumating pa nga sa puntong gusto ng makipaghiwalay ang mommy niya sa daddy niya, alam kasi nilang walang pagsasamang perpekto sobrang seloso ng daddy niya. natatakot nga siya dahil pakiramdam niya ay lahat ng katangian ay namana niya sa ama ay ang pagiging possessive nito. Iyon ang madalas na pinag-aawayan ng kanyang mga magulang, noong una ay naiinis siya sa mga babaeng selosa pero ng lumaon mas naiinis siya sa mga lalaking seloso katulad ng daddy niya.

His mom is an exact opposite, hindi ito selosa sa katunayan ay mahilig pa nitong biruin ang daddy niya ng kung anu-ano but he knew that her mom loves her dad so much. Nagseselos din ito pero hindi lang siguro ito showy, nakita niya kung paano nito iniiyakan ang daddy niya kapag may sakit ito. Nakita niya kung paano nito alagaan ang kanyang ama at simula noon ay nangarap na siyang magkaroon ng isang babaeng mag-aalaga sa kanya katulad ng pag-aalaga ng mommy niya sa kanila.

Akala nga niya ay hindi na siya makakakita ng ganoong klaseng babae, akala niya ay hindi na nag-eexist ang katulad ng nanay niya. Sa panahon ngayon na halos lahat ng tao ay gusto na sa mabilisan at naiinis sa paghihintay impossibleng makahanap na siya ng babaeng ganoon. Kaya nga itinago nalang niya ang bagay na iyon at nagset nalang ng ibang standards, he is fond of women na madaling makuha gustong-gusto niya ang mga ganoong babae. Hindi na kailangan pa siyang mag-effort ay nakukuha na niya agad ang mga iyon, with his money and his looks he became conceited, a douch and a playboy.

Ang mga babaeng nakilala niya ay agad na nahuhulog sa kanya, ganoon naman talaga yata kapag gwapo ka madaling maattrack sa iyo ang mga babae minsan nga ang nasa isip niya mukha lang talaga nila ang habol ng mga ito kaya natuto siyang makipaglaro. Natuto niyang i-identify ang babaeng ganoon, ang mga babaeng madaling makuha, kaunting bola lang sa kanya na, iyong mga babae kasing iyon madaling iwanan. Mantra na siguro iyon ng mga lalaki, hindi naman lahat pero may mga katulad niya dating walang magawa sa buhay, he was a jerk.

A jerk who learned the true meaning of love.

A jerk who never thought would give up everything for the sake of the woman he loves, iyon siya. Hindi siya binago ni Georgette, siya mismo ang nagbago para dito. Kahit kailan ay hindi siya humingi ng tulong sa iba dahil bakit nga naman niya gagawin iyon kung kaya naman niyang kumilos sa sarili niya pero kay Georgette lahat kinain niya, kahit na ang pride niya ay binaba niya para dito.

He begs, he asked for help just for her kahit na hindi naman nito hinihingi. Ito nga yata ang tinatawag nilang true love, nakakabaklang isipin pero kung mahal mop ala talaga ang isang tao gagawa at gagawa ka ng paraan para maibigay ang lahat na pwedeng ikasaya nito kahit na hindi nito hiningi.

Pero ngayon, isa lang ang masasabi niya si Georgette ang babaing worth it sa lahat ng bagay. She's worth the wait, she's worth the effort, she's worth it and she's already his, sa kanya lang talaga. Pero ngayon kahit na gusto na niyang solohin ang asawa niya ay hindi niya magawa dahil gustong makilala ng mga magulang niya si Georgette.

"Saan ito?" inosenting tanong nito na nakatiingin sa kanya. Nahigit niya ang kanyang hininga, he really wants to rip his wife's clothes now and make love to her in that instant ngayong legal na sila mas lalong tumataas ang lebel ng pagkagusto niyang makuha ito pero mas nanaig pa rin sa kanya na bigyan ng desenting honeymoon si Georgette. Pinagkait na niya dito ang engrandeng kasal pati ba naman honeymoon nila ay ipagkakait pa rin niya?

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now