Chapter Five

79.2K 2K 174
                                    

Chapter Five

...Naguguluhan din ang isip ko ng dahil sa iyo...

Kung ilang beses na iyong pabalik-balik sa isip niya ay hindi na niya mabilang pa, kahit na may mahalaga siyang ginagawa ngayon hindi siya makapagconcentrate. Dalawang araw na rin noong huli silang magkita ni Ashton at mukhang tinupad nito ang sinabi nitong kapag nasatisfy na ito sa hitsura niya ay hindi na siya nito muling guguluhin pa.

Kahit na iyon ang gusto niya pakiramdam niya ay tila may malaking bahagi ng buhay niya na biglang nawalan ng buhay. Para bang binigyan siya ng masarap na candy pero agad ding binawi sa kanya hindi pa nga niya nailalagay sa bibig niya. Ganoon nga yata ang buhay, walang forever at may panandaliang happiness lang.

"Itigil mo na ang kaiisip ng tungkol sa lalaking iyon Georgette may girlfriend na iyon na model at saka hindi ikaw ang type niya. Mayaman din siya, nasa kanya na ang lahat samantalang ikaw wala ka ni isa ng kung anong meron siya. Kapag nakipaglapit siya sa iyo ay madadamay siya sa maruming mundong ginagalawan mo he will hate you, pandidirihan ka niya, huwag ka nalang magsayang ng panahon sa taong alam mong hindi makakaintindi sa mundong ginagalawan mo. He is innocent don't drag him to your world hindi siya bagay sa mundo mo at baka mapahamak lang siya gaya ng mga nagtangkang pumasok sa mundo mo."

Tila binuhusan siya ng malamig na hangin sa sinabi niya, lalo na sa mga huling salitang namutawi sa kanyang mga labi. At saka narealized kung ano talaga ang tunay na nangyari, sa mga kamay niya... literal na nasa kanyang mga kamay ang sisira sa buhay ng kung sinumang gagamit ng gamot na gawa niya.

"Higher dosage." Nasambit niya habang tinutunaw ang mga puting pulbos sa isang chemical. Hinintay niyang humalo ang pulbos hanggang sa hindi mo na alam kung ano pa ang ipinagkaiba nito sa tubig o sa likidong kapag nasobrahan ng gamit ay nakakasira ng pag-iisip. Nang matunaw na ang lahat ay kumuha siya ng syringe at naglagay doon at inililis ang kanyang manggas. For years now her body is her own guinea pig, she injected herself with the medicine at agad na nanlabo ang kanyang mga mata.

Nararamdaman niya ang paghalo ng gamot sa kanyang sistema at alam agad niya na epektibo iyon, nanginginig ang kanyang mga kamay at kumuha ng dalawang tabletang neutralizer na palagi niyang hinahanda kapag pinapasok niya sa katawan ang druga. Ang lahat ng mga numbered child ay may neutralizers dahil hindi sila pwedeng magumon sa sariling droga na gawa nila. Kapag nakainom na sila ng gamot ay unti-unting inaabsorb niyon ang droga at sinusuka nila iyon. Agad na may humalukay sa kanyang sikmura at mabilis siyang nagpunta sa sink upang isuka ang lahat ng gamot na nainject sa katawan niya.

Nanghihinang inayos niya ang druga at isinilid iyon sa mga lalagyan ng mineral water, bukas ay may kukuha ng mga iyon sa likod ng kanyang bahay. Kahit na naisuka na niya ang gamot ay nakaramdam pa rin siya ng pananama ng katawan niya. ngayon lang yata siya naging ganito, kumuha siya ng neutralizer at muling uminom at sumuka kaya lang wala na siyang maisuka pa dahil nailabas na nniya ang mga iyon kanina.

Dinama niya ang kanyang noo at napapalatak ng maramdaman ang init sa kanyang noo, natuluyan talaga siya dahil siguro sa pagtaas ng dosage ng droga. She can feel the chills that's running through her body. Kahit nanghihina ay kinaya pa rin niyang ayusin ang mga gamit na ginamit niya doon at itinago sa safety place niya.

Paglabas niya ay mas lalo siyang nakaramdam ng lamig kahit na alam niya ay nasa thirty three degree celcius ang temperature ng bansa. The hotter it is the colder she felt and it feels like the coldness is breaking her bones.

"Ate okay ka lang po?" nag-aalalang salubong sa kanya ni Maya, pinilit niya ang sariling ngumiti dito dahil ayaw niyang mag-alala pa ang mga taong nakapaligid sa kanya.

"Okay lang ako Maya hindi ba day off mo ngayon?" she pulled her purse from her back pocket and give some cash to Maya.

"Hindi nalang ako magdeday off ate aalagaan ko po kayo."

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now