EXTRA #2: She'll gonna make it

130K 2.7K 203
                                    

EXTRA #2: She'll gonna make it


NAPALUNOK siya ng makita ang dalawang linya sa kit na hawak niya, nahihirapan siyang huminga at biglang nag-init ang kanyang mga mata. Natatakot siya... takot na takot na para bang isang bomba iyon na sumabog sa mismong harapan niya. She's damn so happy about it pero may bahagi sa kanya na takot na takot sa pwedeng mangyari kapag nalaman ni Ashton ang tungkol sa balitang iyon. Dapat kasi nag-ingat siya, dapat ay mas naging matalino siya... Ashton will hate her for sure.

Ayaw pa nitong magkaanak, sinabi nito sa kanya na gusto daw muna nitong eenjoy ang buhay nila na silang dalawa lang muna. Tinanggap niya ang desisyon nito dahil nga sa bata pa siya pero parang hindi na matutupad iyon, she's already pregnant two months after they were married. Masyado pa yatang maaga.

"Gette? Are you okay kanina ka pa diyan." Napapitlag siya ng katukin ni Ashton ang pintuan ng banyo. Mabilis niyang itinapon sa walang laman na basurahan ang pregnancy kit at kumuha ng mga tissue na sinadya niyang lamutakin upang maitago ang kit. Kinalma niya ang sarili at saka nagmamadaling lumabas ng banyo. Nasa labas niyon si Ashton na nagtataka kung bakit natagalan siya sa loob. "Are you okay?"

"Sorry natagalan ako sa pagligo."

Hinagod nito ng tingin ang buong mukha niya. "Are you sure you are okay? Bakit maputla ka?"

"Ba-baka malapit na iyong monthly period ko," nag-isang linya ang mga labi nito at nakatitig sa kanya. Hindi niya sasabihin kay Ashton na buntis siya, hindi pa siya handa, kung siya nga ay takot na takot dahil alam niyang ayaw pa nitong magkaanak paano pa kaya nito tatanggapin ang balitang buntis siya.

"Ganoon ba? Magbihis ka na at baka malamigan ka pa." he kissed her forehead and pulled her away from the bathroom. Sa dalawang buwan na pagsasama nila ay masasabi niyang naging maayos naman ang relasyon nilang dalawa. May mga araw na nag-aaway sila hindi naman yata iyon maiiwasan pero siya na lang mismo ang nagbababa ng pride... kapag nagagalit ito ay talagang nagtatampo ito kaya susuyuin nalang niya ito. Siya rin naman yata ang may kasalanan kung bakit palagi itong nababagot sa mundo. She doesn't want him to hate and leave her.

"Anong oras ang out mo ngayon?"

"Around five siguro pupuntahan ko pa sila Ainsley sa Little Devils."

"Susunduin na kita."

"Huwag na, malapit lang naman."

"Are you sure?" tinulungan niya itong ayusin ang suot nitong necktie. "Ihahatid na lang kita baka ano pa ang mangyari sa iyo."

"I'm okay really gagamitin ko nalang ang sasakyan ko."

"Ipapasundo kita kay Ainsley, pagod ka na mamayang hapon dahil sa dami ng trabaho mo."

"Aabalahin mo pa ang pinsan mo." Aniya. Tinapik na niya ito sa dibdib at saka ngumiti dito. "Kaya ko na."

"I don't feel comfortable when you are walking alone."

"Hindi na maganda iyan Ashton hindi mo naman ako kailangang isipin oras-oras." Sumimangot ito.

"Masama na oras-oras kitang isipin?" lumayo ito sa kanya at napabuntong-hininga nalang siya dahil nagtatampo na naman ito, kailangan na naman niya itong suyuin kaya linapitan niya ito at yumakap siya dito. Hindi naman siya nito tinulak pero hindi din siya nito niyakap.

"Sorry na," biglang napahigpit ang kapit niya dito dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Hindi naman siya nasusuka pero nahihilo na siya at ayaw niya sa pabango ng asawa niya masakit sa ulo kaya kumalas muna siya dito. "Ihahanda ko lang ang pagkain mo." Agad niyang iwas dito, kailangan muna niyang umiwas dito dahil sab aka malaman nito na buntis siya.

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now