Chapter 11

5.9K 179 14
                                    


Chapter 11


DJ's POV


Gumagawa kami ng research paper namin dito sa garden. Kaniyang kaniyang tutok sa kaniyang kaniyang laptop. Busy kaming lahat niwala ngang nagsasalita eh. Tanging pagtunog lang ng keyboard ang maririnig. HAHA OA ko naman mag describe ng atmosphere.

Biglang nawala 'yung pagmumuni muni ko sa isip ko ng biglang tumayo si Kath. May tumawag ata sakaniya.

Tinatapos ko na rin yung research paper ko para wala na akong inaalala. Nagvibrate naman 'yung phone ko.



'Mom'


Tumayo ako at lumayo sakanila para sagutin ang tawag ni Mommy.



"Bakit Mom, napatawag ka?"


["Hello rin sayo anak ha"] sarcastic na bati saakin ni mommy. I chuckled.


"Whatever Mom, What now?" bored kong sagot kay mommy.


["Haha. Why so serious dear?"] binibiro pa ko ni Mommy. Haist


"Mom?!"


["Chill dear, Eto na seryoso na. May event mamaya sa hotel branch natin sa Alabang. You need to go ok. 8:00pm dapat andun kana see you dear..."]



Sasagot na sana ako kay mommy



["And one more thing anak... nasa room mo na yung susuotin mo. See yah. Bye"] Then she ended the call


Event? Ano nanamang event yan?! Haist


-----


Kath's POV


Pagkarating ko sa bahay pinagbukasan naman ako ng gate ni Manong guard. Haha I forgot manong's name eh. Kaya pinasok ko na yung kotse ko. Pakababa ko sa kotse ko sinalubong naman ako ng valet namin para ipark yung sasakyan ko. Pagkapasok ko walang sumalubong saaking mga maid. Weird? Pero mas ok na rin yun. Haha nakakailang kase yung ginagawa nila eh. Dumiretso ako sa kitchen dahil nagugutom na ko. Pero nakasalubong ko si Yaya Sally. Babatiin ko pa sana siya ng bigla niya akong unahan sa pagsasalita.



"Halah hija! Bakit hindi ka pa nagaayos? Anong oras na oh." Sabi ni Yaya Sally saakin tapos tumingin sa orasan niya.


"Dali na hija dumiretso kana sa kwarto mo para makapagayos. Nasa kwarto mo na rin yung susuotin mo." Dagdag ni Yaya habang tinutulak ako paalis sa kitchen. Weird -.-


"Eh Ya! Nagugutom po ak-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita uli si Yaya.

Unexpected Fiancee - KathNiel (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon