"May kasama ako," sagot ko.

"Si Mari?"

Umiling ako. "Si Tobi."

Sandaling umawang 'yung bibig niya. Hindi niya siguro inaasahan na iyon ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang sagot ko. Mas madali sana kung sinabi ko na si Mari ang kasama ko... pero kailangan ko na malaman ni Shiloah na may iba akong lalaki na kasama. Na hindi lang siya. Na wala siyang maaasahan sa akin.

Ayoko na mahal niya ako.

Ayoko na masaktan siya dahil hindi ko siya mahal.

Ayokong ako 'yung dahilan kahit na alam ko na masasaktan siya dahil sa paggamit ko sa kanya.

"Ah," sabi na naman niya. Pinilit niyang ngumiti pero pilit. "Ingat kayo."

I nodded and proceeded on what I was doing. Naramdaman ko na lang na sumara iyong pinto kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong hininga.

Mabilis akong nagbihis. Pagharap ko sa salamin, napakunot ang noo ko nung may makita akong pulang marka sa malapit sa bandang dibdib ko. Bigla na namang pumasok sa ala-ala ko si Parker. Palagi niya kasi akong—

Paano ako makakaandar kung bawat maliit na pangyayari sa buhay ko, siya ang naaalala ko?

Naghanap ako ng t-shirt at iyon ang sinuot ko. Kinuha ko 'yung wallet ko at lumabas. Alam ko na nasa kwarto pa si Shiloah kaya naman hindi na ako nagmadali na maglakad. Ayokong makasalubong siya at makita na naman 'yung ekspresyon na 'yun sa mukha niya.

Pababa ako ng hagdan nung makita ko si Manong Roger sa may pinto. Aalis din si Shiloah?

"Good morning po," bati ko. Mabait lahat ng tao sa bahay na 'to. Kaunti lang sila dahil si Shiloah lang naman ang tao rito. Kaya pala ang tahimik niya dahil wala rin siyang makausap sa bahay niya. Unti-unting naiintindihan ko kung bakit siya ganito.

"Good morning din po, Ma'am. Saan po tayo?"

"Po?"

"Ihahatid ko po kayo."

Mabilis kong itinaas ang kamay ko at isinenyas na huwag na. "Okay na po ako."

Napakamot siya sa batok niya. "Nako, Ma'am, sabi po ni Shiloah e ihatid ko po kayo. Ako po ang mapapagalitan kapag hindi ko kayo naihatid."

"Manong, alam naman po natin pareho na hindi nagagalit si Shiloah," sabi ko sa kanya kaya napangiti siya. Lumuwag kahit papaano ang loob ko. Ito ang unang normal na pag-uusap na meron ako sa loob ng ilang linggo. Puro kasi malungkot lahat. Puro masakit sa dibdib.

This felt normal.

Siguro nga makakaandar din ako. Mabagal pero dadating din ako roon.

"Sige na, Ma'am."

Nagbuntong hininga ako at pumayag na. Sumakay ako sa loob. Tinanong ako ni Manong Roger kung saan ako pupunta at hindi ako nakasagot agad. Saan nga ba ako pupunta? Wala naman akong pupuntahan. Gusto ko lang makalayo kay Shiloah dahil hindi ko alam kung paano ko siya papakitunguhan. I was his first. Ayaw ko mang gawing big deal, alam ko na big deal.

"May alam po ba kayo na apartment?"

Ilang minuto kaming paikut-ikot. Maraming apartment pero wala akong magustuhan. Iyong iba, hindi kasya sa pera na mayroon ako. Hindi ko pa nasasabi kay Papa iyong nangyari. Nawala sa isip ko dahil sa dami ng nangyari. I was too preoccupied... at 'dun na naman ako bumagsak.

Lahat na lang ba ng bagay sa kanya babagsak?

"Kung hindi mo mamasamain, bakit gusto mong lumipat? Malaki naman ang bahay ni Shiloah," sabi ni Manong.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon