Chapter 17//

1.3K 46 1
                                    


Chapter 17//

Nanalo kami sa game namin nung Friday, medyo mahina kasi yung kalaban eh. Pero muntik na silang maka-3 sets sa amin dahil wala talaga ako sa focus. I can't see Quen anywhere. Hindi niya ako tinext yesterday and yet today. Pinuntahan ko siya sa kanila nung Thursday pero wala atang tao sa bahay nila. Maybe he's busy helping his mom? I don't really know. Naka-ilang text ako pero hindi siya nagreply to any of it.

Hindi ko na rin pinapunta sila Pia dahil hindi naman exciting yung game, sayang lang oras nila and walang game yung boyfriends nila so wala ng ibang reason to come here.

After nung game, naupo na muna ako para magpahinga nang bumaba sila Alex, John and George from the bleachers, nakita ko sila kaninang nanonood and cheering for us.

"Congratulations Liza. Ang galing galing mo kanina." Puri sa akin ni George. Napansin kong nandun lang sa may bleachers si Ivan at Tyler. "Oo nga, grabe yung winning spike mo." Dagdag ni Alex. John is silent pero kakaiba siya tumingin.

"Thank you! Maiba ako, naka-usap niyo na ba si Quen?"

"Hindi pa eh. Ganun talaga yun, madalas mawala, madalas nga siya absent eh, lalo na ngayong year, pero okay naman, matalino kasi yun eh kaya nakakahabol agad siya mga lessons." Sagot sa sa akin ni George.

"Syempre tinutulungan ko siya." Sabat ni Alex.

"Alam niyo ba kung bakit?"

"Hindi eh. Pag tinatanong namin siya, sabi niya wala lang okaya tumutulong daw siya sa mommy niya."

"Ay ganun ba? Sige thank you ha."

"Ah, Liza, kakain kami sa canteen, do you want to come with us?" yaya sa akin ni John, sabay kindat. Ang chickboy talaga ng dating niya. "No thank you, I have to leave anyway. But thank you talaga ha?"

"Sure." Sagot ni Alex tapos umakyat sila ulit sa bleachers para kausapin sila Ivan, well, except John.

"Uh, Liza, can I have your phone number?" tanong ni John, chickboy nga. I just shrugged and gave him my number, no harm naman. Plus, I have no intentions on flirting with him, gusto ko lang may mapagtanungan ako tungkol kay Quen. "Thanks! I guess I'll go now. See you soon!" he said tapos sumama na siya sa friends niya, naglakad na ako papuntang parking lot para makauwi na.

***

Pagdating ko ng bahay, naligo ako at natulog muna. Nagising ako ng mga 5PM. Wala pading text galing kay Quen. Nagsend ako ng isa pang text. Naka-anim na akong text sa kanya simula nung huli siyang nagreply, ang desperada tignan so I just kept my phone where I wouldn't be tempted to text him again at kinuha yung laptop ko. Nasa sofa sila Pia and they're playing cards. I checked my Facebook account, ang tagal na din noong last time kong nagcheck, siguro two days ago? May 9 akong friend request, all from people I don't know, except for the 4. It was from Ivan, Alex, John and George. Hindi naman ako nag-atubiling iaccept, tutal I know them naman. I was busy checking my notifications noong nagsalita si Jamie.

"Liza, pupunta kami sa club sa Sabado, gusto mo sumama?" at first ayaw ko, since I met Quen, wala na ako sa mood uminom or magparty, I just want to be with him all the time. Pero, it's a good way to keep my mind out of Quen for a while, plus, bonding na din namin 'to. It's been a long time since nagclub kami, nung birthday pa ni Seph. "Sure." I said. It's nice to have an all-girls night out for once. Lagi kasi kaming may kasamang guys eh.

Saturday came. Wala paring text from Quen. Grabe, mababaliw na ako kakahintay, pero there was a text from John.

At first I didn't know it was from him pero he revealed himself eventually. He's such a flirt pero wala ako sa mood so I just shut him out.

Three Month Rule (LizQuen) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon