Isang malakas na apak sa paa nito at boom! Takbo Sandy!

" Ouch!"

Ayun at biglang takbo ng dalaga.

Ilan ang nabangga niya pero wala siyang pakialam. Basta kailangan niyang iligaw ang poging stranger.

Samantala malalaki ang hakbang ni Dylan. Di naman niya pwedeng gayahin ang babaeng hinahabol na akala mo lang eh sa field lang at may fun run.

Ang tagal niyang hinanap ang dalaga. He even assigned his best detective for her pero wala talaga. Now na may inaasikaso siya sa Manila makikita niya ito. Mabuti na lang pala at may pinapabili ang inaanak niya.

Yung hawak kaya ng dalaga para kanino kaya? Di kaya sa anak nito?

Kailangang iligaw ni Sandy ang binata...Pumasok siya sa isang boutique. May angel! Si Jason na working student sa university nila.

"Ma'am? Ok ka lang?"

"Jason, may humahabol sa akin, itago mo ako please."

"Ano etech ma'am? Isa kang kriminal?"

Naku! Makukutusan niya tong bading na to.

"Nope, yung ex bf ko na gustong makipagbalikan sa akin. Please, ayoko na sa kanya."

"Ay, weyt my beautiful ma'am. Dito ka na sa counter." 

Pinagsiksikan niya ang seksi niyang katawan sa maliit na space na yun.

Samantala, Dylan is so sure that she went inside that boutique.

Pero nung pumasok siya wala siyang nakitang hawig ng hinahabol niya.  Lumapit siya sa counter.

"Ah mister...

"Duh! Are you talking to meh? I'm a Miss."

Pinagdiinan pa ng baklang kaharap niya.

"Ah ok, may nakita ka bang pumasok na babaeng may dalang hello kitty stuff toy?"

"Wala eh, pero maraming babaeng kapapasok lang. Sila?"

"Nope, ah, paano ba to, tama lang yung height, mahaba ang buhok, may nunal sa tungki ng ilong,"

Dinig na dinig ni Sandy ang description ng binata. 

"Maganda ba?" Jason interrupted.

LAgot ka sa akin Jason kapag nahuli ako rito.

"Yah, of course! She's pretty."

Napangiti si Sandy.

"Kaso sobrang skinny."

Tumawa si Jason.

"Naman! Sexy tawag dun. Ako yata yun eh."

Mukahang wala siyang mapapala sa kaharap. Malamang wala na siyang aabutan kahit lumabas siya dun at hanapin ito sa ibang boutique.

"Sige, thank you na lang, Miss."

"Sir, baka like mo iwan yung number mo para in case makita ko siya eh maka pag call ako sayo?" landi pa nito.

Iling na lang ang naisagot niya..

Mukhang nakawala na naman ang hinahanap niya.

"Thanks Jason, I owe you one." Kabado pa rin si Sandy sa nangyari.

"Ma'am, wala yun. Alam mo namang favorite teacher kita. Talaga bang ex-boyfriend mo yun ma'am? Dapat hindi pinapakawalan ang ganung lalaki."

Napangiti siya. Oo nga naman, yung ganoong mukha at katawan di pinapakawalan. Ano ba to, nahahawa na yata siya sa kaharap.

"Hmm, kasi masyadong playboy yun. Ang daming girlfriends, hindi lang ako."

"Ma'am, kung ako, kahit sampu kami ok lang. Ang yummy nya!" Tila nagdedeliryong sabi nito.

Natawa na lamang siya na umalis matapos magpasalamat ulit.

 ;…….Xian Randal ………..

Thanks for Reading!

Your vote and comment mean a lot 

Loving A StrangerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt