My Husband is a Gangster by mademoiselleee

1.1K 4 1
                                    

COMPLETED

DESCRIPTION (c) author

Sya si Mark , masungit , tamad , babaero pero gwapong lalake . isarin syang gang leader na tinatawag na Black Night . Kinatatakutan ang grupo nila sa school , pano ba naman hindi sila kakatakutan eh sila lagi ang nananalo sa mga gang fight . At sya naman si Sarah , isang mabait , masunurin , matalino , masipag at magandang bababe . Isang araw sinabi lang ng mga magulang mo sayo na ikakasakal ka na birthday mo . Ano kaya feeling nun ? Sasaya ka ba o Maiinis ka ?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I think ang inspiration ni author nito ay ang My Gangster Husband. Magkaiba po sila kasi ito hindi focused sa action more on romance. Hindi rin maipagtataka kung bakit alot of people compare the two story. Maybe because people are expecting a similarity of the two stories since the title is almost the same; it was just a matter of word play plus magkapareho rin ang characters niyo (Park min young and lee min ho)

I was really expecting na talagang mag-aaway si Jason at Mark dahil kay Sarah. Yung away talaga na away. Yung gagawa at gagawa ng paraan si Jason na kahit sandali lang ay mapasakanya si Sarah. Pero no, walang nangyari. Ang tanging character na gusto kong sunugin ay si Tanya. Napa ka slow nya kasi sa pag realize kung sino talaga ang tunay niyang mahal. Noon nya lang na realize noong may nagawa na siyang di ka nais nais.. gggrrrr...

There was this chapter na i wish na si Jason at Sarah nalang sana ang magkatuluyan. I really hate guys na naglilihim lalo na kung ang paglilihim na ito ang maging dahilan nang pagkasira sa isang relationship. why not just tell the truth? mas masakit kaya na marinig ang katotohanan sa ibang tao at  lalo nang mas masakit na harapang nakikita mo ang pagtataksil sa isang tao at kung tinanong mo siya ... he just denied it. 

Ang dali magpatawad ni Sarah, kasi kung ako ang nasa posisyon niya matagal talaga. AS IN MATAGAL NA MATAGAL baka mas mauna pang maputi ang uwak (joke lang!) Ang ayaw ko kasi sa lahat ay ang pagtaksilan ako harap-harapan buti nga at hindi nakunan si girl eh.  Ganoon ba talaga kapag inlove?!

I was expecting na may role pa rin si cloudette pagkatapos nang nangyari. I thought she will have a comeback scene. 

Hindi ko talaga ma gets kung kailan sila na inlove sa isa't-isa; basta yun na yon. And the next day they were in love na. And i was like 0__o KAILAN PA? 

Love ko talaga si Bree hahahah. I think it was a good idea to add a child to the story kasi nga ang bata bridge yan. 

Medyo may pagtataka lang ako sa timeline ni author sa mga pangyayari sa story:

* 3 years doctor na agad-agad?! I think it was too early. usually more than 10 years ang schooling ng doctor kahit na gaano ka katalino, least na nga ang 7 years at wala pang specilization. 

*nasa epilogue na 5 years later ay 1 year old palang si sky. Di'ba dapat 4 or 5 na siya kasi honeymoon baby siya at ang honeymoon ay naganap 5 years ago 

sorry miss author ganoon kasi ako magbasa --- i looked at almost every detail kung tugma ba ito sa mga naunang mga pangyayari.

May tanong ako...

* anong sakit ni abbey? 

* yung annulment papers.. totoo bang naghiwalay talaga sila? or it was not validated?

 This story is worth a shot kahit na may gangster sa title, hindi talaga ito nakafocus doon. it is just a light story about love and friendship. Though marami talaga akong expectation but considering na 35 chapter lang (plus epilogue) ito and i think kung nangyari talaga ang expectation ko umabot na ito nang 50 + chapters.

 STORY ----> EXTERNAL LINK

Sana sa I will be right here waiting for You.. [Side Story of MHIG.] ang magkatuluyan ay si Medley at Hunter. I love girls with Bitchy personality. Ayaw ko sa mga babaeng pinipilit ang sarili. Though it kinda reminds me of "Way Back Home" yung natagpuan na si Anna nang tunay niyang pamilya at talagang ayaw ni Jessy sa kanya dahil kay Anna her mother never treated her like a daughter.

Recommended WATTPAD stories you surely don't want to miss ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon