Nandito kami ng mga ibang friends and parents ko sa Music Room namin. May mini-stage kasi dun, pinagawa ‘to ni dad para kapag nagpa-practice sila.

“Kathhh! Nag-text na mommy niya, nasa may gate na daw sila.” Sigaw nung isa naming friend ni Daniel.

Yung gate na sinasabi niya ay yung entrance gate of our subdivision. Siguro mga ilang minutes lang nandito na sila kaya naghanda na ako. Inayos na nila ang kurtina kaya natakpan na ako.

Kahit naman na puro kakilala ko itong mga kasama kong nag-ayos nito, nakakakaba pa rin. Siguro dahil alam kong maraming pweding mangyari. Pwedeng hindi ko makanta ng maayos yung kanta o kaya hindi magustuhan ni Daniel yung kanta ko para sakanya. Pwede ring masira yung piano habang tumutugtog ako, paranoid na kung paranoid. Kinakabahan lang talaga ako.

Hindi na ako nagulat nang biglang may tumapat sa akin na spotlight per natatakpan pa rin ako nung kurtina. Ang ibig sabihin lang ‘non ay pinatay na ang mga ilaw sa music room at itong spotlight na lang ang naiwang nakabukas. Kaya kapag binuksan na ang makapal na kurtina na ito ay agad akong mapapansin ng mga nasa loob ng room dahil nakatapat sa akin ang tanging liwanag na babalot sa kwartong iyon.

“Nasaan si Kath?” Boses ni tita iyon. Halatang kinakabahan sila. Pinalabas kasi namin na may mataas akong lagnat kaya pinapupunta sila ng parents ko dito.

“Nandyan lang siya, dyan siya madalas matulog eh.” Natawa ako sa sinagot ni mama. Ni minsan kasi hindi pa ako natulog dito.

Huminga ako ng malalim nang unti-unting bumubukas ang kurtina.

Umupo na ako ng maayos sa harapan ng piano at sinimulang tugtugin ang pinaka-unang  song na tinuro sa akin ni Daniel sa  piano.  Tumingin ako sa audience, nakangiti silang lahat sa akin except for Daniel. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

“Everybody needs inspiration,
Everybody needs a song
A beautiful melody
When the night's so long”

Ganito pala ang feeling kapag kinakantahan mo ang taong mahal mo sa harap ng maraming tao. Ang hirap i-explain, hindi mo alam kung anung uunahin mong ipaliwanag. Basta ang alam ko lang ay masaya ako habang kumakanta ako sa harapan nila…sa harapan niya.

 

“'cause there is no guarantee
That this life is easy
Yeah when my world is falling apart
When there's no light
To break up the dark
That's when I, I
I look at you”

Nakatingin lang ako sakanya habang kumakanta. Hindi ko maintindihan kung anong expression niya, na-aamaze na napaka-seryoso. It’s not important kung anong expression niya this time, basta ba hindi mawawala ang admiration sa kanyang mata habang nakatingin sa akin. Hindi naman sa nagyayabang, pero mukhang mas lalalim ang pagmamahal nito sa akin.

“When the waves are flooding the shore
And I can't find my way home any more
That's when I, I
I look at you”

Pero kahit ilang beses kong sabihin na hindi importante kung anong reaksyon niya ngayon, hindi ko pa rin maiwasang magtaka kung bakit ganun ang pinapakita niyang ekspresyon ngayon. Sa tuwing kinakantahan ko naman siya, hindi naman siya ganyan. Pero iba siya ngayon…parang masyado niyang dinidibdib itong kanta. Yes, nakakatuwa kasi sineseryoso niya itong kanta pero sana hindi naman sa ganung ekspresyon na parang hindi niya kakilala ang taong kumakanta.

THE UNSEEN SUPERSTAR (KathNiel) [Finished]Where stories live. Discover now