Fantasy #13 : Playful Fate

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sigurado ka ba?"

"Oo naman," sagot ko.

Hinila ko siya papalapit sa 'kin at hinalikan sa pisngi. Nginitian niya ako at hinalikan sa noo.

Nangiti ako nang sobra, ang sarap talagang magmahal at mahalin.

"Sige, hihintayin kita. Kapag nagtagal ka, susunduin na kita."

Pinagmasdan ko siyang tumalikod at unti-unting umalis. Lumingon pa siya at nakangiting kumaway.

Naglakad-lakad ako palabas ng ampunan nang makasalubong ko si Tita Gracia.

"Ate Gracia kumusta?"

"O Lei, isinama ka pala ni Tacio rito. Okay naman ako. Nasabi sa 'kin ni Dolores na nasungitan ka pala ni Helena noon. Pagpasensyahan mo na a," wika niya.

Umupo kami sa mahabang upuang kahoy sa gilid ng daan.

"Ayos lang po, matagal na rin naman po 'yun."

"Gano'n talaga 'yung si Helena simula nang namatay ang anak niya."

"Namatay po ang anak niya?"

"Oo. Ayon sa nasabi ng ilan kong kakilala, nagahasa si Helena no'n at nabuntis. Ayaw niyang ituloy ang pagbubuntis noong una, pero itinuloy niya. Mga limang buwan na ang nakakalipas nang nanganak siya at namatay 'yon. 'Di ako masyadong malapit kay Helena pero pakiramdam ko naging masungit siya mula nang nawala ang anak niya."

Kaya pala siya gano'n. Siguradong sobra siyang nasasaktan.

"Kumusta po pala 'yung baby ng mag-asawang Estrella?" tanong ko.

"Wala na 'kong balita. Hindi ko na ulit nakita ang bata magmula noong pinaanak ko si Lorena. Ang sabi naman ni Eugenia noon, ayos naman ang bata. Hindi na rin kasi nagpapapasok ng bisita sa bahay nila, bumalik na kasi ang asawa niya, si Ginoong Trinidad."

Bumalik na si Dad? Dahil ba may inampon na si Mom? Ako na ba 'yon?

"Mauna na 'ko sa 'yo Lei a?" sabi ni Tita Gracia.

"Sige po..."

Pumasok siya sa ampunan habang naglakad naman na ako palayo.

Nakita kong may isang kalesang papalapit sa 'kin. Huminto 'yon at bumaba ang isang babae na may kasamang isang batang lalaking nasa 3 years old na siguro.

"Lei?"

"Aling Helena..." sambit ko.

"Ate Helena na lang, hindi pa ako gano'n katanda."

"Ahh pasensya na po," nahihiya kong sabi.

"Huwag kang mahiya sa 'kin, mabuti at nakita kita."

Hinawakan niya ang kamay ko habang nasa tabi niya ang bata.

"Pasensya ka na kung nagalit ako sa 'yo noon. Naikwento na sa 'kin ni Luis na nagkakilala kayo kailan lang at mabait kang tao. Sana huwag kang magtampo sa 'kin."

"Naku hindi po Ate Helena. Wala po 'yon."

"Ngayong nakita kita nang mas maayos, naalala kong nakita na kita noon pa."

"Kailan po?"

"Namalengke kami kasama ko 'yung isa kong pinsan na babae noon. Habang namimili ako, nandoon lang siya at nakaupo sa kalesa na 'yan, etong sinasakyan namin ngayon nitong alaga ko," wika niya sabay turo sa bata sa tabi niya.

"Nang nakapamili na 'ko noon at babalik na sa kalesa, nakita kong may muntik nang masagasaan ang pinsan ko, ikaw. Mabuti at may nagtulak sa 'yo. Nang lumapit ako, binuhat ka nung lalaki at saktong paalis na kayo."

Bigla akong kinabahan.

"Talaga po? Nandoon kayo nang oras na 'yon? Kilala niyo po ba 'yung nagligtas sa 'kin para hindi ako masagasaan?"

"'Yung tumulak sa 'yo at bumuhat sa 'yo, si Tacio. Hindi mo ba alam?"

"Po? Ang sabi niya po, siya lang ang nagbuhat sa 'kin pero hindi siya 'yung nagligtas sa 'kin."

"Siya 'yon, nasugatan pa nga siya sa tuhod dahil sa kabayo, nagdugo 'yon no'n. 'Yon ang naaalala ko."

Bakit naman iba ang sinabi sa 'kin ni Tacio?

Bigla akong hinawakan ni Aling Helena sa dalawang pisngi.

"Ayos ka lang ba Lei? Namumutla ka," sabi niya.

"Ahh ayos lang po. Marami lang po akong iniisip."

"Umuwi ka na at magpahinga, mauuna na rin kami ng alaga ko. Baka hinahanap na 'to ng nanay niya. Pinabantayan lang sa 'kin ng kaibigan ko."

"Sige po. Salamat po sa pagkwento. Ingat po kayo."

Bigla siyang ngumiti at napangiti rin ako.

"Ano po pala'ng pangalan ng alaga niyo?"

"Jheremy Lawrence..."

What a playful fate...

~~~~~

Time Escape (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon