Fantasy #5: Look at Me

19.6K 560 30
                                    

Fantasy #5: Look at Me

///

I wonder if there's a deeper reason why I'm here. Kahit gaano ko pa kasi naa-appreciate 'yung lugar na 'to at 'yung mga tao rito, may takot pa rin sa 'kin kung ano nang mangyayari sa susunod. Pagkatapos kong makita si Mommy noong araw na 'yon, kinakabahan na 'ko sa mga posible ko pang malaman tungkol sa sarili ko. Pero kung hindi naman ako kikilos at maghahanap, tingin ko walang mangyayari sa buhay ko.

     Ilang araw na 'kong sumusubok hanapin si Mommy sa malapit at sa kalapit na mga lugar. Noong mga unang araw, sinasamahan pa 'ko ni Tacio pero kalaunan nang medyo natutunan ko na, maaga na lang akong umaalis ng bahay para hindi siya mapilitang sumama. Alam ko namang may mga trabaho silang pinagkakaabalahan kaya nakakahiya na.

     Karaniwan naman, magkakakilala 'yung mga tao rito kaso lang mukhang hindi nila kilala ang Mom at Dad ko. Baka dahil hindi talaga ito 'yung hometown nila.

     Si Mang Isko, karaniwan pa ring nagsasaka. Si Tacio naman, maraming sideline... minsan sa construction, sa factory o kaya sa market tapos gumagawa pa ng mga furniture. Tinutulungan niya rin 'yung tatay niya sa pagsasaka. Napakasipag niya. Kaya kahit hindi nila 'ko nasasamahan lagi, nagtatanong-tanong naman sila sa mga kakilala nila para sa 'kin. Pero wala pa rin kaming nakukuhang sagot.

     Sa araw na 'to, nakarating ako sa harap ng isang daan na medyo makipot pero pakiramdam ko may mga bahay pa 'pag tumuloy ako. Malapit lang naman 'to sa market pero hindi pa namin 'to napupuntahan ni Tacio, masyado kasing tago.

     Dumiretso ako at namangha na pagkatapos ng masikip na daan na 'yon, may malawak pang lupain na may isang simpleng tahanan sa gitna. Unti-unti akong lumapit. Maliit lang 'yung bahay, gawa sa pawid at kahoy. May bakuran din, mga nakapalibot na kahoy at mga halaman.

     Ilang sandali akong na-amaze sa preskong lugar na 'yon na napaliligiran ng iba't ibang halamang namumulaklak.

     "Ineng, ano'ng kailangan mo?"

     Napalingon ako sa nagsalita at nakita 'yung isang pamilyar na babae.

     Nag-isip muna 'ko saglit bago ko maalala kung saan ko siya nakita. Siya 'yung kumadrona, 'yung dumating no'n at pumasok sa malaking bahay.

     "Magandang tanghali po, may hinahanap lang po akong tao, magtatanong lang sana," sabi ko.

     "Hindi ko masisigurong masasagot kita pero subukan natin. Marami akong kakilala rito. Sa simbahan man o sa labas. Tara at pumasok ka muna. Titignan ko lang 'yung anak ko at baka nagugutom na," masayang sabi niya.

     "Naku nakakahiya po kung papasok pa 'ko sa loob."

     "Ineng. 'Wag kang mahiya. Marami akong nakakasalamuhang tao kaya hindi na bago sa 'kin ang nagpapapasok sa bahay. At hindi ka naman siguro masamang tao? Pero marunong naman akong lumaban kung sakali man, lalo na at dalawa ang role ko sa anak ko, nanay at tatay."

     Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot pero natawa na lang ako nang alanganin. Mukhang nagmamadali na rin kasi siyang puntahan 'yung anak niya.

     "Gano'n po ba. Sige po," sagot ko.

     Pumasok kami sa loob. Maayos at malinis 'yung bahay. Nakakita ako ng isang sanggol sa may duyan. Ito pala 'yung anak niya. Ang cute!

     "Maupo ka muna dyan," sabi niya pa at sumunod naman ako.

     "Ano ba ang pangalan ng hinahanap mo ineng?" tanong nito habang inuugoy 'yung baby.

     "Eugenia Trinidad po." My Mom...

     "Ay naku si Señora Trinidad? Oo kilala ko 'yon. Kalilipat lang nila rito sa Bulacan. Nagpunta pa ako sa kanila noong nakaraang linggo. May pinaanak ako sa bahay nila. Kaso medyo pribado silang tao kaya mahirap makausap."

Time Escape (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon