Fantasy #3: Childish

25.5K 620 32
                                    

Fantasy #3: Childish

///

Nang mag-sink in sa 'kin na nasa ibang panahon talaga 'ko, halos magulo lahat ng pinaniniwalaan ko. 'Yung feeling na hindi ko alam kung makakaalis pa ba 'ko rito? Makakabalik pa ba 'ko sa 2015? Ano nang nangyayari sa mga magulang ko? Siguradong nag-aalala na sila sa 'kin.

     Dahil ibang-iba pa 'yung Bulacan sa panahon na 'to, hindi ko alam kung ano'ng gagawin, kung paano hahanapin 'yung village namin. Siguradong pati ang Manila, maraming kaibahan. Wala akong pera, kailangan ko bang umutang? Hindi ko magawang umalis at nagpasalamat ako kay Tacio na hinayaan niya 'kong matulog pa rin do'n sa kwartong tinulugan ko no'n. Hindi ako halos dalawin ng antok kinagabihan, pero buti na lang din kahit saglit lang, nakatulog pa rin ako.

     Ngayong araw, nanood ako sa tatay ni Tacio habang nagsasaka. Mabait siya at tinuruan pa 'ko ng iba't ibang paraan ng pagtatanim.

     "Mang Isko na lang ang itawag mo sa 'kin," sabi niya nang tanungin ko 'yung pangalan niya.

     Sa pag-obserba ko sa ginagawa niya, nakita kong mukhang mahirap pero makabuluhan. Mga pagkain kasi na kailangan sa araw-araw 'yon, kaya talagang mahalaga 'yung trabaho niya.

     Pagkakain ng umagahan, naubos lang 'yung oras ko sa pagtanaw sa malawak na lupain at sa langit. Iniisip ko kung bakit ako napadpad dito. Ano'ng gagawin ko rito?

     Siguro susubukan ko pa rin munang hanapin 'yung village namin dito sa Bulacan, kahit sa totoo lang hindi ako gaanong maalam sa mga lugar at direksyon. Madalas naman kasi 'kong may sundo sa mga pinupuntahan.

     Ang bilis ng oras, ilang sandali lang naghahanda na si Tacio ng tanghalian at sinubukan kong tumulong. Sa hapag, ikinuwento ko kay Mang Isko na hindi kalesa 'yung muntik makabangga sa 'kin dahil 'yun naman talaga ang totoo para sa point of view ko. Sinabi ko rin 'yung tungkol sa paghahanap ko sa mga magulang ko na wala akong ideya kung paano pupuntahan.

     "Baka naman nang nabagok ang ulo mo ay nakalimot ka hija?" tanong ng tatay ni Anastacio.

     Ayaw ni Tacio na sabihin ko kay Mang Isko na galing ako sa 2015. Mas mabuting sa 'min na lang daw muna. Napagkamalan na rin tuloy akong nagka-amnesia.

     "Baka nga po," sabi ko na lang, nag-aalangang tumawa. Hindi ko rin naman kasi alam kung nasaan ang pamilya ko ngayon. Alam ko, dito ako pinanganak sa Bulacan, pero malaking probinsya 'to. Pero iba pang bayan 'yung sa village namin.

     Isa pa, kaya lang naman ako napupunta dito kasi ito rin 'yung hometown ni Lawrence. Mas madalas akong bumisita sa kanila.

     "Dumito ka muna kung gano'n, habang hinahanap mo ang pamilya mo at inaalala ang mga nangyari," sabi niya.

     "Salamat Mang Isko, hindi ko po 'to makakalimutan," sabi ko at tumango naman siya. Alam kong siya 'yung tipo na hindi umaasa ng kapalit sa mga tulong.

     Napansin ko naman na seryoso lang si Tacio. Nang matapos kaming kumain, nagsabi si Mang Isko na siya na ang maghuhugas ng mga plato para makapag-usap kami sa plano naming paghahanap. Maya-maya, bigla naman akong hinatak ni Tacio palabas ng bahay nila. Sa paghawak niya sa braso ko, napansin kong hindi gano'n kalambot 'yon, siguro dahil sa mga gawaing bahay at sa trabaho sa bukid. Hindi ko naman siya gano'n ka kilala pero nakaka-proud sa feeling na masipag siya. Napailing na lang ako. Swerte sana 'yung babaeng magiging asawa nito.

     Hindi naman nakaligtas sa 'kin ang ngiti ng tatay niya. Mukhang trip ni Mang Isko na magkatuluyan kami ni Tacio.

     Pagkalabas sa bahay, naunang naglakad si Tacio. Tumayo siya sa may puno ng mangga na malapit.

Time Escape (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon