31

113K 2.9K 455
                                    

Chylee POV

Hindi ako mapakali. Nakasuot ako ngayon ng black swimsuit. Hindi sa wala akong confidence, iba lang talaga 'yung feeling kasi alam kong ngayon lang nila ako makikitang nakasuot ng ganito. Well except kay Skyler dahil sa US, sanay naman akong magsuot ng ganito tuwing magyayaya siyang mag-swimming. Kasama ko man doon si Phoenix, never pa niya akong nakitang nakasuot ng ganito.

Di bale, confidence, confidence!

Huminga ako ng malalim saka muling tumingin sa salamin. Alright. Itinapi ko sa bewang ko ang bandana. Kami kami lang naman ang narito sa resort kaya ayos lang na naka-bra lang ako sa pantaas. Swimsuit nga eh.

Lumabas na ako ng kwarto ko saka bumaba kung saan sila naroon. Natanaw ko sila malapit sa dagat. May naghahabulan, teka, triplets ba 'yun? Napailing nalang ako. May mga nakahiga sa buhangin. May naglalangoy na sa dagat. Lumapit ako sa kanila.

"Oh my! Ang sexy mo, Chy!" Sigaw ni Shan nang makita ako. Bumubuo sila ni Zia ng sand castle.

"Witwiwwww! Ate namin 'yan!" Sigaw ni Enzo na, okay, may hawak na slice ng pakwan na hinahabol kanina si Renzo dahil may hawak din pala itong slice ng pakwan. Ang motto nga ni Enzo, 'No on dares to touch my pakwan', whatever!

Ngumiti ako kay Zia na nakatingin sa akin. Saka ako napatingin sa may coconut tree sa gilid. Naroon si Skyler at Riana. Sila na naman ang magkasama? Nag-uusap pa rin ba sila? Psh. Ano bang inaarte ni Riana. Kaya nga narito kami, para magsaya. Hindi para mag-senti.

"What the fuck?"

"Shit. Shit!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng dalawang boses na iyon. Kaaahon lang sa tubig--sina Phoenix at Miko. Wet look pa. Pawang naka-boxer pero mabuti na lamang at hindi na si Jollibee ang naka-print do'n. Mukha silang ewan.

Tinaasan ko sila ng kilay.

"Wait for me. Kukuha akong jacket." Seryosong sabi ni Miko saka ako nilampasan.

"Kukuha akong shirt." Sabi naman ni Phoenix saka nilampasan din ako.

Kumunot ang noo ko. Nakasunod ang tingin ko sa dalawa. Seriously? Ano bang sinasabi nila?

"Possessive ang peg ng dalawang itlog." Komento ni Shan. Napatingin ako sa kaniya.

"Ha?"

"Ang slow mo talaga minsan, Chy."

"Ano nga?"

"Possessive 'yung dalawa. Siyempre kukuha sila ng pwedeng itakip sa katawan mo. Ayaw nilang nae-expose ang body mo. Naks!"

Kumunot lalo ang noo ko. "B-Bakit naman?"

"Duh! Malamang, mahal ka nila. Natural lang na ingatan ka nila. Chy, ang slow talaga. Loading ka?"

Sinimangutan ko siya. "Natural lang naman na magsuot ako ng ganito. Nasa beach tayo eh."

"Pero over-protective nga ang suitors mo." Sabi pa niya.

"Ah, ewan!" Sabi ko saka tinanggal ang bandana na nakatapi sa bewang ko. Tumakbo ako palapit sa dagat saka naglangoy.

Over-acting naman kasi 'yung dalawang 'yun. Bakit napaka-over-protective nila. Kami kami lang naman ang narito sa resort. Akala mo naman may ibang taong makakakita sa akin na nakasuot ng ganito saka natural lang 'to. Beach 'to eh. Alangan naman mag-pantalon at long sleeve ako. E'di mukha akong tanga no'n.

"Hera!"

"Chylee! Baby k--awww! Tangna mo bata!"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ng dalawa. Napatingin ako sa gawi nila. Nakatayo sila sa tabing dagat habang nakatanaw sa 'kin.

Childish LoveWhere stories live. Discover now