21

240K 5.3K 396
                                    

Chylee POV

Another day and I decided to take this day off. Ewan ko ba, siguro kailangan ko talaga ng pahinga. Araw-araw na open ang Jollibee branch ko at araw-araw din akong pumapasok don. Nag-e-enjoy kasi ako at isa pa, wala din naman akong gagawin dito sa mansion. Si Dad at Sky, nasa company. Si Mom at ang triplets, nasa SWU naman. Wala ding naiiwan dito sa mansion kundi mga katulong at si Butler.

“Ma’am Hera, do you need anything?” Tanong ni Butler. Naalala ko, bata palang ako, nandito na si butler sa mansion. Masyado siyang nagging loyal sa’men at talagang buong buhay na yata siyang magiging butler dito sa Shin-woo mansion. Well, makapagkakatiwalaan naman kasi taaga siya. Naipagkakatiwala sa kanya ang mansion kapag wala lahat kami. Isa pa, malaki ang tiwala talaga sa kanya nina Dad and Mom.

“Ah, wala naman Butler. Gusto ko lang sanang magpahinga dito sa living room.” Sabi ko.

Ngumiti siya. He’s old now but still, he can do his job. “Tawagin nyo lang po  ako kapag may kailangan kayo.” Sabi niya.

Ngumiti ako saka tinanguan siya. Napatingin ako sa buong kabahayan. Nabuhay ako na parang prinsesa, well prinsesa na talaga. Lahat ng gusto namin, nakukuha namin, Naging spoiled ako before kay Dad but now, I’ve changed. Ang mansyon namin, napaka-rangya. Hindi mo aakalain sa buong mansion may higit sa twenty na hidden cameras. Bawat sulok din ng bahay, may intercom. Napatingin ako sa malaking portrait na nakasabit sa taas ng TV set. Isang malaking portrait. Si Mom and Dad, nakatayo na magkayakap tapos nakaupo kaming lima sa puting carpet.  Si Skyler naka-akbay saken habang ako sweet ang pagkakangiti, then yung triplets sa tabi ko mga naka-wacky pose. Napangiti ako. Ang saya ng pamilya ko. Sa aming magkakapatid, walang awayan, walang inggitan at walang insecurities. Ako na nag-iisang kapatid nilang babae, alagang alaga nila ako. Kahit bunso ang triplets, they still protecting me. Tinuturing talaga nila akong prinsesa.

“Ate?”

Nag-angat ako ng tingin at nakita kosi Enzo na kakapasok lang sa mansion. Naka jersey lang siya at rubbershoes. Mukhang galing sa practice. May naka-sakbit pa sa balikat niya na sports bag at hawak niya ang bolang pang-basketball.

“Oh, Enzo? Wala kang class?”

Lumapit siya sa’ken at humalik sa pisngi ko. Sweet little brother. Tumabi siya sa’ken pagkatapos ibaba ang gamit niya sa carpet. “Nag-practice lang kami, Ate. Pero si Kenzo at Renzo may class pa.”

Kumunot ang noo ko. “Eh ‘di ba magkaka-classmate lang kayong tatlo? Paanong may klase sila at ikaw wala?”

Ngumiti siya ng nakaloloko. “Nag-cut na ako ng class, Ate. May name-miss kasi ako at andito siya sa bahay..” nakangiting sabi pa niya habang nakatingin sa’ken.

Napangiti ako. Ako ba ang sinasabi niya? Alam niya yatang ‘di ako pumasok sa work. “Ang sweet talaga ng kapatid ko..”

“Syempre, mahal ko ‘yun eh.”

Lalo akong napangiti. Naglalambing ba ang kapatid ko? “Mahal din kita, little brother.”

Childish LoveWhere stories live. Discover now