Napahilot ako sa sentido ko. Nilingon ko saglit si Maximus na nakatayo sa pintuan ng bahay namin, bitbit ang mataba at mukhang masungit na pusa. That's Tatsu now. Grumpy-ass bitch na tinanggalan ng ulo ang rabbit ng kapitbahay namin.

Napabuga ako ng hangin. Hinarap ko ang lalaki at tiningala. "Puwede bang palitan nalang namin ang rabbit ni Scarlet?"

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Sa tingin mo ba ganon lang kadali sa bata na magpalit ng alaga?"

Asar na napahilamos ako sa mukha ko. "Then anong gagawin ko? Tahiin 'yung ulo ng kuneho pabalik sa katawan niya? Jesus Christ."

Bahagya siyang yumuko at nilapit ang mukha niya sa akin. "Then do it," anas niya saka naglakad palayo at inalo ang anak niyang humihikbi sa hagdan ng veranda nila.

Napangiwi ako.

So, tatahiin ko nga 'yung ulo?

That's an easy job. It runs in my late family's blood. And my sister was a serial killer. Kung alam lang sana ng mga kapitbahay ko na ang kapatid ko ay nanlaslas ng mga leeg noon just for fun.

Naiiling na pumasok ako sa loob ng bahay. Yes, malayo na kami sa mga Amberson. Lumayo na kami ngayon at nakatira sa isang subdivision. So far, maayos naman dito. Pumapasok sa school si Maximus at ngayon ay Grade 1 na siya. At ngayon lang din kami nagkaroon ng issue dito, kinain kasi ni Tatsu ang ulo ng rabbit ng kapitbahay namin.

Iyong lalaking masungit kanina, si Leo. Hindi ko siya ganoon ka-kilala. Ang alam ko lang, masungit talaga siya at hindi matino kausap.

"Ma?" Dinig kong tawag ni Maximus sa akin. Nasa hapag-kainan siya at abala sa pagbabalat ng saging. "You're gonna tahi the baby rabbit's head na ba?"

"Sino ba nagtuturo sa 'yo maging conyo?" tanong ko saka isinara ang pinto at ni-lock ito.

He giggled. "Sa TV." Kumagat siya ng saging at mabilis na naubos niya iyon. Napangiwi ako nang umisa na naman siya.

"Hey, hinay-hinay sa saging."

Hindi siya nakinig. "I'm Monkey Man!"

Na-adik na talaga siya sa cartoons na iyon. Monkey Man ang title, ang baril nito ay saging ang bala. I don't know, pero parang superhero ata iyon.

Hinayaan ko nalang siya sa sala. Pinaalalahanan ko rin na baka masobrahan siya sa saging, at alam ko namang makikinig siya. Hinanda ko ang baon niya sa school at ang uniporme niya.

He's a smart kid. Palaging nag-e-excell sa mga ginagawa niya-- but he can't do Math though. Palagi siyang umiiyak kapag tinuturuan ko siya at lately, bagsak ang mga grades niya sa Math.

I'm not angry or anything. Kung hindi niya kaya sa ngayon, then bakit ko ipipilit? Grades don't matter to me. As long as he's healthy and happy, then I'm good. He's polite and kind, so, ano pang hihilingin ko?

Dumating ang oras ng alas-diyes, ready to go na kami dahil 11:30 ang pasok nila Maximus. Ako nalang ang bahala na kausapin ang papa ni Scarlet dahil sa namatay na rabbit nito.

Nakarating kami sa school na pinapasukan ni Maximus—and I think hindi papasok si Scarlet dahil iisa lang ang pinapasukan nila ni Maximus.

Yeah... the poor kid's heartbroken. I hope hindi niya ma-develop ang hatred para sa mga pusa. Hindi ko nga rin sigurado kung si Tatsu ba ang may gawa no'n—but what can I do, si Leo mismo ang nakakita at binitbit niya ang pusa ko pabalik sa amin. Akala yata ni Tatsu, laruan ang baby rabbit na iyon.

Umuwi ako, pinarada ang sasakyan ko at dumiretso ako sa pinto ng kapibahay namin. This is such a nice house. Malaki ito at alagang-alaga rin ang bakuran. Maraming halaman at magaganda ang tubo ng mga bulaklak.

Muling pinindot ko ang doorbell. Kapag wala pa ring lumabas ay siguro ay mamaya ko nalang siya kakausapin.

Matagal na tumayo ako sa tapat ng pinto.

Okay... Mukhang wala yatang tao—pero ang sasakyan nila ay nasa garahe—baka tulog, I guess?

Akmang bababa na sana ako sa hagdan ng veranda nila nang bumukas ang pinto. There he is, same irritated look. At yeah, naliligo siya. Tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya at basang-basa pa ang buhok niya.

"What do you want?" he irritatingly asked.

"Pasensiya na sa abala, pero ano bang pwede naming gawin para sa rabbit ni Stella? I'm sorry, I just feel really bad, napabayaan ko kasi talagang makalabas ang pusa namin."

Hindi siya nagsalita. Sumandal siya sa gilid ng pinto, naka-krus ang mga braso niya, looking so irritated. Geez, this guy need my sessions, you know, sa clinic ko. This guy has some issues, come on.

Or maybe he just doesn't like me.

He just stared at me.

"I mean... I know Scarlet is still upset, maybe babalik nalang ako kapag may gusto na siya." Maliit na nginitian ko siya. "Maybe I can talk to your wife, too. Para —"

"I don't have a wife," aniya agad.

Tumango ako. "Okay, cool. So, babalik nalang ako kapag may gusto na siya. May trabaho pa kasi ako kaya kailangan ko nang umalis."

I looked at my wristwatch.

I still have time.

Akala ko ay hindi na siya magsasalita. Aalis na sana ako ngunit tiningala ko muli siya.

"Why are you being so polite?" tanong niya, he got this bored look on his face na tila ba sinasabi niya na peke akong tao.

What?

Nagsalubong ang mga kilay ko, ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya. He's... judging me. Wow. What an ass.

Bago ko pa sabihin na may mommy issues siya, hindi ko nalang pinansin ang panghuhusga niya... or something. I instead smiled at him once again as a sign of --at least, respect. "I'll be back, please ask Stella if gusto niya ba ng new pet or anything." Pinasadahan ko siya ng tingin. "And continue taking a bath. Pasensya na sa abala."

Hindi na siya sumagot pa. Bumaba na lamang ako at agad na dumiretso sa sasakyan kong nakaparada sa labas ng bahay namin.

Agad na nagmaneho ako palayo nang masiguro kong nasa akin na lahat ng kailangan ko.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko.

Geez. What an asshole.

****

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now