Chapter 01: I Like Potatoes

2.8K 201 64
                                    

I Like Potatoes

"Tatlo ang trabaho mo sa gabi?" mahinang tanong niya sa akin gamit ang malalim ngunit malumanay niyang tinig. Napalunok ako bago tumango at umiwas ng tingin sa seryoso niyang mukha.

Nakakailang. Kahit na boyfriend ko na siya ngayon ay naiilang pa rin talaga ako.

Nagitla ako nang dumampi sa 'king leeg ang mainit niyang hininga. Susko po. Hindi ko namalayang ganito na pala siya kalapit! Baka kapag may makakita sa 'min dito sa madilim na parte ng park ay baka isipin nila na may ginagawa kaming milagro. Parehas pa naman kaming naka-school uniform!

"Akin ka naman, 'di ba?" masuyong tanong n'ya muli. "Boyfriend mo na ako. Kaya sa 'kin ka lang... ibibigay ko lahat ng kailangan mo."

Pero putcha, sa una lang pala magaling ang gago!

Napanganga ako nang sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon. Makikipaghiwalay siya sa akin matapos ang apat na taon naming relasyon?! Dahil lang sa ngayon niya lang na-realize na... mukha akong patatas?

Anong klaseng rason 'yan?!

"Grie naman..." Akmang papasok na s'ya sa silid niya nang habulin ko siya.

"Ang kulit mo, Saki! Sinabi nang ayoko na sa 'yo!" galit na sigaw niya sa akin pero hindi niya naman ako nilingon manlang.

Nanatili lamang akong nakatitig sa matipuno niyang likuran. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Graduating na kaming dal'wa pero ngayon niya pa talaga naisipan ng bagay na 'to—ang hiwalayan ako.

"G-Grie... sex ba?" Napahikbi ako. "I-Ibibigay ko naman sa 'yo iyon, eh... sabihin mo lang..."

Doon na siya humarap sa 'kin. Lulamlam ang mapungay niyang mga mata ngunit agad din iyong napalitan ng malamig na titig.

"Leave," mahinang sambit niya saka itinuro ang nakabukas na pinto ng condo niya. "Umuwi ka na sa ate Saica mo. 'Wag ka nang magpapakita sa 'kin ulit."

Napapadyak ako sa sahig habang umiiyak. "I'm all yours, Amberson! Sex lang naman ang hinihimutok mo, 'di ba? Kaya ka naghahanap lagi ng iba kasi ayaw kong ibigay ang sarili ko sa 'yo, 'di ba?!"

"You're too ugly to fuck." Aniya. Tumalikod siya sa akin at tuluyan nang pumasok siya sa kaniyang silid. Masama ang loob na kinuha ko ang maleta ko sa sahig.

Kaya pala. Kaya pala 'my potato' ang endearment niya sa 'kin. Kasi mukha akong literal na patatas.

"Tangina mo ka, Amberson!" malakas na hiyaw ko. "Ma-aksidente ka sana!"

....

KASALUKUYAN

"PERO NAPAKATAGAL NA PANAHON NA NO'N!" inis na sigaw ko kay ate sa kabilang linya. Dinig ko ang malakas na halakhak niya matapos ko siyang sigawan dahil sa pagka-asar.

Letse. Ipaalala ba naman sa 'kin ang break up namin ng tubool na iyon!

Mahinang natawa si ate Saica. "Ilang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin talaga ma-gets kung bakit sa patatas ka niya inihalintulad. Maganda ang lahi na 'tin, Saki. Imposible namang boobs at booty mo ay ka-size ng patatas? Eh, alam naman na 'ting masagana 'yan. Imposible rin namang mukha mo, eh, kamukha kita. Baka mapatay ko talaga siya."

I Like PotatoesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora