Chapter 21: Never

Start from the beginning
                                    

But I love my son more than anything. Kahit pa na kamukha niya ang lintek niyang ama. Minsan nga ay tinatawanan ko nalang kapag naiinis ako dahil nga kahit pag-ngiti niya ay hawig kay Grie.

Bumuga ng usok si Soren. Siya na rin lagi ang kasama ko, at wala na rin ang nurse na nagbabantay sa akin noon dahil kaya ko naman alagaan ang bata na mag-isa dahil full-time na nasa bahay lang ako. Dito ko na nagagamit ang mga sahod kong hindi ko nagagastos.

"Sabi nang 'wag kang maninigarilyo sa harapan ng bata," asik ko.

She grinned. "Sorry, stressed lang."

Yeah, right. Hindi niya kasi alam kung anong klaseng regalo ang ibibigay niya sa girlfriend niya. Hindi ko talaga sure kung girlfriend niya na iyong sinasabi niya sa akin, pero palagi niyang nababanggit sa akin kung gaano ka-ganda iyong babae kaya siguro nga, girlfriend niya na.

"Katawan ko nalang kaya i-regalo ko?" tanong niya. "Masarap naman ako, eh."

Mahina akong natawa. Ibinalin ko ang atensyon ko kay Maximus na nakatayo sa damuhan habang naka-alalay ako. 10 months na siya ngayon at kasalukuyang nag-iipin. And oh, he's a handsome boy.

Natawa ako nang marinig ko ang mga tawa niya nang makita niya ang pusang dumaan na may tali sa likod. Kasa-kasama ng pusa ang amo niya, at oo, nandito kami sa park kung saan palagi kong pinapa-arawan si Maximus. We're always here, you know.

"Geez, just bought a cat already," ani Soren. "Snowshoe cat, you know, 'yung Siamese pero hindi itim ang ilong. Malalambing 'yun, suitable for kids."

"Uh huh, I will," sagot ko saka binuhat si Maximus. At ang bigat niya. "Pansin kong nanggigigil siya palagi sa mga pusa."

"He might eat it," ani Soren saka tinapon sa basurahan ang upos ng sigarilyo n'ya. Mula sa bulsa niya ay naglabas siya ng kendi at isinubo iyon.

"So... bibili ba ako ng pusa?"

"Tanungin mo anak mo," ani Soren saka nang-aasar na ngumiti. "He'll definitely eat the cat."

And so I did. Bumili ako ng pusa. Kuting palang iyon at malambing. Kulay puti siya, pero ang sabi ng vet sa akin, habang lumalaki raw ay magbabago ang kulay nito. It's a Snowshoe cat, Tatsu ang pangalan.

And I'm using Google, you know, nakita ko na kung ano ang ibig sabihin nila na nagbabago nga ang coat nila. And they're so effing cute.

Pinagmasdan ko si Maximus na naka-upo sa crib niya. Pinapanood niya mula roon ang pusa sa sahig na nagpapa-gulong-gulong.

"What?" tanong ko bigla nang marinig ko ang boses ni ate sa kabilang linya. "Sorry, sorry. Ang cute kasi ng pusa ko kaya 'di ko narinig ang sinabi mo." Yeah. Nakakausap ko na ulit si ate. Medyo nakaka-recover na ako ng tuluyan at baka sa mga susunod na buwan o taon, kaya ko nang umalis dito para humanap ng bahay malayo rito.

Gusto kong tuluyan nang lumayo. Alam kong maraming naitulong sa akin si Soren, pero maiintindihan nila kung bakit iyon ang magiging desisyon ko. I need to raise my son alone-- at gagawin ko iyon nang walang koneksyon sa pamilya ng taong sumira sa akin.

Zero connections to Ambersons-- iyon ang gusto ko. Kailangan ko pa ng tulong nila sa ngayon lalo na't nasusutentuhan nila ang pangangailangan ni Maximus. Pero pagtapos kong maayos ang mga kailangan kong tapusin-- tulad nalang ng pagsecure ko sa clinic ko-- uumpisahan ko na isa-isa ang mga kailangan kong gawin para tuluyan nang maging independent.

Wala rin akong balak na mag-asawa o ano. Siguro sa ngayon... I mean... fuck, I have trauma now when it comes to men. Kakayanin ko nga ba talagang magmahal pa ng lalaki gayung mga lalaki rin ang sumira sa pagkatao ko? I don't know. I can't. Not anymore. Maybe? Argh, hindi ko alam.

Basta sa ngayon, ang kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ay ang paglaki ng anak ko.

"Max, we're going out," nakangiting sambit ko matapos kong ibaba muna ang tawag. Dala-dala ko ang stroller ni Maximus at doon ko siya ini-higa.

I'm very thankful, too. Behaved ang anak ko. Halos minsan nga lang umiyak ito at walang ginawa kundi ngumiti at tumawa sa akin.

Maaga pa. Siguro, 6:30. Maaga rin kasing nagbubukas ang local supermarket dito sa amin. Mga... 5:30, I think? Ganoon sila ka-aga palagi, at sakto ring maaga nagising si Maximus ngayon kaya isasama ko nalang siya.

Kinuha ko ang mga kailangan ko. Ubos na rin kasi ang gatas ni Maximus kaya need ko nang bumili. Mga de-lata, at mga necessities na kakailanganin ko. Dumiretso rin ako sa section kung saan may mga catfoods. Kumuha ako ng pack na may laman na isang kilo-- it's Aozi. Iyon kasi ang inirekomenda ng vet sa akin. Bumili rin ako ng mga snacks ng pusa at mga snacks na rin para kay Maximus.

Marami-rami na rin ang laman ng cart ko. Ipapa-deliver ko nalang ito sa address ko, tutal available naman sa kanila ang ganoong service.

At ang anak ko, prenteng naka-upo sa harapan ng cart-- kung saan puwedeng umupo ang mga bata. He's old enough to sit there at mukhang nag-e-enjoy naman siya dahil pinapanood niya ang mga nadadaanan naming mga tao.

I think, gusto ko rin ng...

...alak.

No, hindi na unhealthy ang pag-inom ko. Umiinom lang ako tuwing nandito si Soren at inaako niya ang pag-aalaga kay Maximus.

Kaya pumunta ako sa section kung nasaan ang mga alak. Naririnig ko rin ang music sa speakers. Need You Now ng Lady Antebellum.

"Picture perfect memories scattered all around the floor. Reaching for the phone cause I can't fight it anymore..." mahinang sabay ko sa kanta habang ini-scan ng paningin ko ang mga wines na naka-hilera sa istante.

Ngunit natigilan ako nang kukuha na sana ako ng isang red wine nang maunahan ako nang taong nasa likuran ko. Agad na sinulyapan ko iyon, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na mukha na iyon--

Agad na napa-atras ako at tinitigan ang mukha niya para masigurado kong--

It's... Grie.

Wala ang atensyon niya sa akin kundi sa alak. At nang matigilan siya dahil siguro ay napansin niya ako-- tumingin siya sa akin at-- pati siya ay nagulat. Tahimik na umiwas s'ya ng tingin sa akin. Ibinalik niya ang paningin niya sa alak.

Bakit siya nandito?

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o kung ano nga bang sasabihin ko.

What... why--

I am now once again... furious. Tanggap ko nang nakalaya siya sa kulungan pero-- pero hindi ko gustong makita pa siya ulit.

But I kept my mouth shut. Lalo na nang tumingin siya sa gawi ni Maximus na hinihila ang dulo ng damit ko. Nakita ko ang pagtitig niya sa anak ko-- at kung gaano sila ka-parehas ng mga mata. His expression softens, pero agad ding naglaho iyon at tahimik na lumakad siya palayo habang dala ang alak.

Mariing nakagat ko ang ibabang labi ko.

I still--

I can't forgive him.

I won't.

Never.

****

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now