And I miraculously did.

Nang magising ako saglit ay nakita ko si Soren sa sofa na nasa gilid ng silid ko. Nakahiga siya roon habang nag-c-cellphone. I heard her say to herself: "Itong lintek na stalker na 'to, hindi talaga tumitigil." Napa-iling siya.

"Hey, what stalker?" I asked habang inaantok pa.

Her lazy baby blue eyes gazed at me. Napa-irap siya. "There's this weird-ass person na gawa nang gawa ng account at panay follow sa akin sa mga social media accounts ko. Ilang beses ko nang binlock 'to. eh."

I smiled a little. "That's probably a dude."

"HA?!" singhal niya. Ngunit napapikit ako at muling nakatulog.

Umaga na nang magising ako. Soren is still there, pero ngayon ay naka-upo lamang siya habang tulog, at si Maximus ay nakadapa sa dibdib niya. She's sleeping, at may strap si Maximus kaya hindi siya nalalaglag. Agad akong bumangon at naghilamos. Matapos ko ring mag-toothbrush ay agad na lumabas ako ng banyo at maingat na kinuha ko ang anak ko para makapag-pahinga ng maayos si Soren.

At nang makababa ako ng sala, my nurse is cooking something. Sinabi niya ring ayaw ibigay muna ni Soren sa kaniya si Maximus kaya hinayaan niya nalang.

Normal lang din ang naging takbo ng umaga namin. Katulad pa rin ng dati. We ate breakfast, nagkwentuhan at nang magsimula na namang magutom si Maximus, pina-dede muna namin siya sa bottle. My nipples are still sore. Nag-cold compress na rin ako pero masakit pa rin at gusto ko na medyo ipahinga ang katawan ko ngayon.

Nakangiting nilaro ko ang kamay ni Maximus habang abala siya sa pagsipsip. His eyes are open at inililibot niya iyon sa paligid. What a beautiful child he is. He look like Grie, but there's this innocence in him that makes me wanna pinch him in the cheeks. But I still can't, delicate pa ang balat niya. Meron din siyang dimples na lumilitaw kapag tumatakam siya at humihikab.

How cute.

Ewan ko ba. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nagagalit sa katotohanang ang kamukha niya ay ang taong nanakit sa akin. Well, he's cute though. Who gives a shit kung kamukha niya si Grie. My child is mine, at walang may ibang karapatan sa kaniya kundi ako lang... at... well... Soren, too, I guess. Magagalit iyon kapag inangkin ko ang bata.

Sakto namang lumabas si Soren mula sa silid ko. Bumaba siyang magulo ang buhok, naka-unbotton ang unang tatlong butones ng polo niya at tila wala siyang pakialam na nakikita ng nurse ko ang itim niyang bra at ang cleavage niya. May kausap siya sa cellphone at mukhang bumangon agad siya dahil doon.

"Anong gagawin na 'tin?" dinig kong tanong niya saka napa-suklay sa buhok niyang magulo. "Fuck, wala ba talagang pakialam si papa?"

Natigilan ako at napatitig sa kaniya.

"That's--That's fucking bullshit!" hiyaw niya bigla. "I'm telling you, Fox, if you're fucking with me right now, I am going to beat your ass up!"

Woah. What was that?

Napatayo ako at nakinig sa mga sinasabi ni Soren sa tawag. Mukha siyang aligaga, pero hindi ko pa siya matanong dahil may kausap pa siya.

"He did that? He seriously fucking did that?" mariing taong niya. "He's our father! Dapat alam niyang mali 'yung--" She screamed in frustration. "I fucking hate this family!"

Nagtagpo ang paningin namin. Namumula ang mga mata niya at hindi ko alam kung umiyak ba siya kanina o nagbabadya palang ang mga luha niya. Her pretty face looks serious and it's scaring me.

Hindi ko na kailangang itanong pa pero alam kong alam niyang tinatanong ko na mismo ngayon kung ano ang nangyayari.

Mula sa akin ay nagawi ang paningin niya kay Maximus. Her face softens. Napabuga siya ng hangin at napasapo sa noo niya. "This is fucked up, Fox. This shouldn't be happening. Don't expect me to fucking come home." At pinatay niya ang tawag.

Tila nanghihina na umupo siya sa sahig at ikinulong ang mukha niya sa pagitan ng mga hita niya. Pero hindi ako nagsalita, I didn't ask her. Masama ang kutob ko pero ayokong pangunahan agad si Soren. Kaya naman tahimik na nilaro ko si Maximus na niluwa na ang dini-dede niya. Nakadilat pa rin ang mga mata niya-- those same baby blue eyes...

Nilingon ko si Soren na isinandal ang likuran ng ulo niya sa pader.

"I'm so fucking sorry, Saki," biglang sambit niya.

"What happened?"

Nakagat niya ang ibabang labi niya.

"Anong nangyari?" tanong ko muli.

Hindi agad siya nagsalita. Nakatitig lamang siya sa kawalan at nang dumapo ang paningin niya sa akin, malungkot siyang ngumiti.

"I'm sorry. I really do."

"Stop saying sorry kung wala ka namang kasalanan," sambit ko saka napatitig sa sahig. "What happened?"

Mapait akong ngumiti.

I know this is bad news.

"My father... bailed him out of jail."

See?

"Fucking shit, I can't believe that my shit of a father did that," galit na sambit niya. "You know my father, right? He's a demon. Wala na kaming magagawa kapag... kapag siya ang nagdesisyon. He doesn't give a shit kung anong mararamdaman ng sarili niyang mga anak."

Nag-angat ako ng tingin kay Soren. She chukled. "Siguro kung magbubuntis ako, baka bigla niyang ipa-alis. You know, bata pa ako," she jokingly said. Napahilamos siya ng marahas sa mukha niya, tila hindi niya na kayang mag-joke pa.

"Laya na ulit si kuya," anas niya. "Nasa mansion na siya... ulit."

Nanatili akong nakatitig sa anak ko.

I don't want to cry anymore, and no, I am not crying... but --

"Alam niya nang nanganak ako?" mahinang tanong ko.

"Iyon ang sinabi ni Fox. He knows everything now."

Nanginig ang ibabang labi ko. Now, I feel like crying. "I-I know your brother..." Napasapo ako sa mukha ko at hinayaang tumulo ang mga luha ko sa palad ko. "He's not going to take my son away from me, right?"

I know him. I fucking know him. That's how evil he is.

Hindi sumagot si Soren noong una. Ngunit kalaunan ay mahina siyang sumagot. "He... won't. I promise you... he won't. Gagawan namin ng paraan 'to." Tumayo siya at inayos ang butones ng polo niya. "Aalis muna ako."

Pinunasan ko ang mga luha ko. Tahimik na pinanood ko si Maximus. Our eyes met.

I gave him a gentle smile. And I felt his little hand on my ring finger. Hawak niya ang daliri ko.

God, I am so tired.

*******

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now