"Pasensya na po talaga. Hindi ko namalayan ang oras." Paumanhin ko.

"Osiya, bilisan mong ihanda ang ensalada at dadalhin ko na ito sa hapag. Nanjan na ang mga rekados. Alam mo namang paborito ni gov ang ensalada mo,"

Mukha yatang medyo mainit ang ulo ni mama ngayon. Hay, kasalanan mo ito, Marilag! Kung hindi ka sana nangabayo hanggang sa dulo ng Daguen. Pangako, hindi na ito mauulit.

"Opo," Sagot ko.

Tinignan ko ang orasan, 6:15pm na. Labing limang minuto nalang at dadating na si gov!

Dali-dali kong inihanda ang ensalada. Muntik pa akong masugatan sa paghihiwa ng manga dahil sa pagmamadali.

"Marilag, okay na ba? Nanjan na si gov!" Nagmamadaling sambit ni mama.

"Opo, tapos na po!" Tugon ko.

Nilagyan ko pa iyon ng kaunting manga at sibuyas sa ibabaw dahil iyon ang laging request sa akin ni gov.

Nagpunas ako ng aking kamay at hinubad ko ang aking hair net. Dinala ako ang ensalada sa lamesa at sakto namang kakaupo pa lang ni gov.

"Magandang gabi po, governor." Bati ko.

Tumango si gov sa aming lahat. Nagsimula na siyang kumain. Gaya ng dati ay isa lamang itong normal na araw para sa aming lahat.

Pagkatapos kumain ni gov ay nagligpit na kaagad ang mga kasambahay. Kaming dalawa naman ni mama ay kailangan na naming umuwi dahil naghihintay ang bunso kong kapatid sa amin. Paniguradong hindi pa kumakain iyon.

Hindi katulad ng mga kasambahay dito sa mansyon na dito nakatira, kaming dalawa ni mama ay umuuwi tuwing gabi. Isang tricycle lang naman ang layo ng bahay namin dito sa mansyon.

"Mama, ano pong pagkain ni Yumi sa bahay?" Tanong ko.

"Nag-uwi ako ng afritada. Bakit, gutom ka na ba?"

Kaagad akong umiling. "Hindi pa naman po,"

"Teka lang, Marilag. May naiwan lang ako sa kusina, mauna ka na." Sambit ni mama.

Tumango ako at sinunod ang sinabi ni mama.

Gaya ng dati ay sa backdoor kami dumadaan tuwing pauwi. Mas malapit kasi dito ang sakayan kumpara kung sa gate kami dadaan. Bukod kasi sa mansyon mismo ay mayroon ding mga tanim na prutas at alagang mga hayop sina gov.

"Marilag, nanjan ka pala." Bati sa akin ni manong Jose. Isa sa mga driver nina governor Bienvenido.

"Magandang gabi po mang Jose!" Bati ko.

"Ah! Magandang gabi din sa'yo, Marilag. Mabuti nakita kita. Pinapatawag ka pala sa akin ni gov, muntik ko ng makalimutan." Sambit niya.

"Sige po. Nasa opisina po ba si gov o nasa aklatan niya?"

"Hindi ko sigurado, Marilag. Hindi ko kasi natanong. Ang sabi lang niya ay tawagin kita. Ay, hindi ko sigurado kung sinabi ba ni gov. Nakalimutan ko yata. Pasensya ka na iha."

Tumawa ako. "'Nu po ba kayo, mang Jose! Ayos lang po iyon. Ipagtatanong ko nalang kina ate Fe kung nasaan si gov. Baka alam po alam nila."

"Osiya, sige. Pagpalain ka."

"Salamat po. Saan po ba ang lakad ninyo ngayon?" Tanong ko dahil mukhang hindi pa iga-garahe ang sasakyang ito. Mukhang may lakad yata sila ngayong gabi dahil kanina pa pinupunasan at nililinis ni mang Jose ang isa sa walong Toyota Land Cruiser ng mga Bienvenido.

"Papa-Maynila ako ngayong gabi, iha. Susunduin ang anak ni gov." Sagot niya.

"Osige po. Mag-ingat po kayo sa byahe." Sambit ko.

Nagmadali kong hinanap ko si gov. Hindi na ako nag-abalang tanungin pa sina ate Fe o tiya Susan dahil panigaradong nagpapahinga na ang mga iyon. Ayoko namang maka-istorbo.

Una kong pinuntahan ang kanyang opisina dahil mas malapit iyon. Hindi naman ako nagkamali. Kumatok muna ako sa pintuan bago ako pumasok.

"Magandang gabi po, gov. Pinatatawag n'yo daw po ako?" Tanong ko.

"Magandang gabi din sa'yo, Marilag. Have a seat."

Umupo ako sa katapad na upuan ni gov. Naabutan ko siyang may sinusulat at binabasa.

"Sa darating na Lunes na ang pasukan and I think you already heard na dito na mag-aaral ang bunso kong anak." Paninimula ni gov.

"Can you do me a little favor? Can you please enroll my son tomorrow? He's in grade 12, just like you."

Kaagad akong tumango. "Ah, wala pong problema gov. Iyon lang po ba? Dadaan din naman po ako sa sentro bukas dahil may inuutos sa akin si mama. Isasabay ko na lang po."

"Thank you so much, Marilag. You're a really nice girl."

"Walang anuman po." Nahihiya kong tugon.

"And one more thing, sana ay tulungan mo siyang maging pamilyar dito sa Daguen. My son is from the city at hindi siya sanay sa ganitong lugar." Dugtong ni gov.

"Opo, wala pong problema." Ngumiti ako.

May inabot siya sa akin na isang piraso ng papel at isang envelope na sa tingin ko ay naglalaman ng mga requirements para sa enrollment ng bunso niyang anak. Sa pagkaka-alam ko ay Juno ang pangalan ng kanyang bunsong anak.

"Sige po, gov. Mauuna na po ako at baka hinahanap na po ako ni mama."

Nagpaalam ako at saka ako nagmamadaling tumakbo para hanapin si mama.

Binasa ko ang nakasulat sa maliit na papel. Rephaelio Bienvenido Jr. pangalan pa lang tunog Maynila na. Mukhang mapapasabak ako sa isang taga-Maynilang 'to, ah. 

Learn From The BrokenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang