Kabanata 1

2.2K 74 6
                                        

NOTE: Please share your thoughts about this chapter! What do you think of Marilag? Votes and comments are really appreciated. Just message me po if you want some dedications. Thank you! (^O^) 

Kabanata 1: Taga-Maynila



"Marilag!" Rinig kong tawag sa akin ni tiya Susan sa 'di kalayuan.

"Hiya!" Kinabig ko ang kabayo pabalik para makalapit sa kung nasaan si tiya Susan.

Umihip ang malakas na hangin at nilipad ang buhok ko. Pinatigil ko kaagad ang kabayong sinasakyan ko. Hinawi ko ang mahaba kong buhok para harapin si tiya. Dahan dahan akong bumaba ng kabayo.

"Bakit po?" Tanong ko habang tinatali ang kabayong si Maxima sa isang punong kahoy.

"Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa hinahanap ng mama mo. Tulungan mo daw siya sa paghahanda ng hapunan. Darating na si gov,"

Tumango ako at kaagad iginaya si Maxima sa kanyang kwadra.

"Sige po, tiya Susan. Ipapasok ko lang po itong si Maxima." Sambit ko.

Tumango tango si tiya. Si tiya Susan ang punong kasambahay sa mansyon ng mga Bienvenido. Halos magkasing tagal ng nagta-trabaho ang mama ko at si tiya Susan sa mga Bienvenido kaya naman malapit kami sa isa't isa.

"Osige, bilisan mo dyan dahil nag-aalala ang mama mo. Hindi ka pa daw masyadong marunong mangabayo."

"Pasensya na po, tiya. Masyado lang ako nalibang." Paliwanag ko.

Masyado yata akong nalibang sa pangangabayo ngayong araw. Hindi pa naman ako masyadong kagalinggan ngunit tingin ko ay ang galing galing ko na. Hindi ko namalayan ang oras. Kailangan kong tumulong sa kusina dahil papalubog na ang araw at paniguradong padating na si governor Bienvenido galing kapitolyo.

Mabilis kong ipasok si Maxima sa kanyang kwadra. Dumiretsyo muna ako sa isang sapa malapit sa mansyon nina gov. Naghugas ako ng aking mga paa at naghilamos na din. Naging ugali ko na ang paghihilamos dito sa tuwing pagkatapos kong mangabayo.

Naglakad ako papunta sa pangunahing pintuan dito sa mansyon. Mas malapit kasi ito sa sapa kaysa iikot pa ako sa likod. Darating na si gov kaya kailangan kong bilisan.

"Nasaan si mama?" Tanong ko kay ate Fe na naghahain na ng mga pinggan sa lamesa. Si ate Fe ay isa sa mga bagong kasambahay dito sa mansyon.

"Kanina ka pa hinahanap ng mama mo, Marilag!" Nagpa-panic niyang sambit.

"Oo nga daw ate Fe. Pasensya na, nalibang ako masyado sa pangangabayo." Sagot ko.

"Chef Lina! Nandito na po si Marilag," Sigaw ni ate Fe, sapat lang para maagaw ang atensyon ng mama ko.

Bumaling sa akin si ate Fe, "Nako, Marilag. Bilisan mo, medyo kanina ka pa hinihintay ng mama mo."

Tumango ako at nagmamadaling nagtungo sa kusina.

Ang mama ko ay ang nag-iisang tagapagluto dito sa mansyon ng mga Bienvenido. Ayon sa kwento sa akin ni mama ay pagkatapos na pagkatapos niyang mag-aral ng kolehiyo sa Maynila ay kinuha na kaagad siya ng mga Bienvenido bilang tagapagluto nila.

Ang hindi nga lang malinaw sa akin ay kung bakit si mag-isa lamang na nakatira dito sa mansyon si gov. Ang pamilya ni governor ay nasa Maynila sa pagkaka-alam ko.

"Ma, pasensya na po," Humahangos kong sambit habang nagtatali ako ng buhok at naglalagay ng hair net. Naghugas na din ako ng aking mga kamay.

"Kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba nanggaling? Mabuti na lang at wala pa si gov," Tugon ni mama habang isinasalin ang afritada sa isang lalagyan.

Learn From The BrokenWhere stories live. Discover now