Kabanata 4: Pigil Na Titig
Maaga akong nagising kinabukasan dahil unang araw namin sa eskwela. Ayoko kasing nala-late ng pasok at gusto kong kung maari ay isang oras bago ang oras ng klase ay nasa eskwelahan na ako. Hindi ko din maintindihan kung bakit pero nasanay lang din siguro ako dahil ito na ang nakagawian ko.
Nakaupo ako sa isa sa mga upuang kahoy malapit sa soccer field dito sa school habang nagbabasa ng isang Ingles na libro na pinadala ni papa noong nakaraang buwan. Pangalawang beses ko na itong nabasa pero hindi parin ako nagsasawa.
Halos magi-isang oras na akong naka-upo dito at malapit ng magsimula ang klase pero ngayon ko palang nakita ang kapatid kong si Yumi na kakapasok pa lang. Hindi parin siya nagbabago, mabagal paring kumilos.
Sa likuran naman ni Yumi ay nakita ko ang mga kaibigan kong sina Patrica at Michelle na kakadating lang din. Nagpunta ako sa kanila para salubungin sila.
"Patricia! Michelle!" Tawag ko habang papalapit ako sa kanila.
"Marilag!" Galak na tawag din nila sa akin. Natawa ako dahil sabay pa niyang binigkas ang pangalan ko.
"Bakit ang tagal n'yo?" Tanong ko.
"Anu ka ba! Dumaan kaya kami sa inyo pero sabi ng mama mo ay kanina ka pa daw pumasok. Hindi mo man lang kami hinintay!" Medyo malakas na pagkakasabi ni Patricia.
"Kaya nga! Tinext kaya kita kagabi na dadaan kami sa inyo para sabay-sabay tayong papasok ngayon." Sambit naman ni Michelle.
Tinext? Napa-isip ako. Wala naman akong nabasang text kagabi dahil hindi ko naman ginagalaw ang cellphone ko sa bahay. Sa pagkaka-alam ko ay wala nga yatang baterya yun. Hindi ko kasi ako mahilig sa gadgets.
"Hala, naku! Sorry. Hindi kasi ako nag-cellphone kagabi. Magi-isang linggo na yata yung walang charge."
"Next time kasi, Marilag, uso mag-check ng phone ha?" Pabirong sambit ni Michelle. "Ang ganda-ganda ng phone mo 'no! Daig mo pa kami pero hindi mo naman ginagamit. Sayang naman!" Dugtong pa niya.
"Sorry talaga! Sige, sa susunod ay lagi ko ng icha-charge at magpapa-load pa ako." Sambit ko.
"Tsaka Marilag, kailan ka ba gagawa ng Facebook? Halos lahat sa klase natin ay may Facebook na. Ikaw na lang yata ang wala pa. Meron naman kayong wifi sa bahay n'yo!" Sambit ni Patricia.
Ito nanaman ang usapang gadgets at Facebook. Hindi naman sa hindi ako marunong gumamit. Paminsan minsan ay nakikita ko si Yumi na nagfa-Facebook sa bahay kaya kahit papaano ay alam ko naman kung paano yun gamitin pero sadyang hindi lang talaga ako interesado. Ang isa pa ay hindi naman yun importante at baka makagulo lang yun sa pag-aaral ko.
"Ay ewan! Sa susunod na siguro kapag hindi ako busy." Tugon ko.
Tumango silang dalawa. Ewan ko kung para saan yun o natanggap na nilang bigo nanaman sila para sa araw na ito na kumbinsihin akong gumawa ng sarili kong Facebook.
Pumasok kami ng classroom. Mukha yatang konti pa lang kaming nandito, wala pa sa kalahati ng klase.
Umupo ako sa gitna nina Patricia at Michelle. Ganito din ang pwesto namin noong nakaraang taon dahil wala kaming seating arrangement. Sana ay ganun din ngayon. Dipende kasi yun sa adviser namin.
YOU ARE READING
Learn From The Broken
RomanceSunburned Heart Series #1: Marilag Fidelis Benitez is the most exquisite person you will ever meet. She is naturally kind, lovely, smart and extremely beautiful. Siya na lumaki sa simple at payak na kumyunidad. Siya na kahit na gawan mo ng masama a...
