NOTE: Please do not forget to vote and comment. Thank you for reading guys! Enjoy!!
Kabanata 3: Kasambahay
Halos mangiyak ngiyak na lumapit sa amin si ate Lally pagkatapos niyang makausap ang masungit na anak ni governor.
"Nako! Marelag! Fe! Kenakabahan ako nung kenaosap ako ne ser Junu!" Humahangos na sambit sa amin ni ate Lally.
Naagaw niya ang buong atensyon namin. Medyo may kalakasan kasi ang boses ni ate Lally at medyo may kakaiba siyang tono sa pagsasalita, pero nasanay na kami.
"Lally! Ang swerte mo nga ikaw ang unang kinausap ni sir Juno!" Galak na sambit ni ate Fe.
"Maswerte ba kamo ako? Hende nga ako masyado nakapag saleta dahel kenakabahan ako. Ang poge!" Halos mangisay na tugon naman ni ate Lally.
Teka.. parang hindi ko yata naintindihan. Akala ko ba ay kinakabahan siya? Tapos ngayon ay kinikilig? Bakit, anong dahilan?
"Kaso mukhang masungit, Lally! Pero bagay sa kanya ang masungit. Ang pogi lalo!" Kinikilig na sagot din ni ate Fe.
Ngayon ay mukhang nagkakaunawaan pa pala silang dalawa. Napailing na lamang ako habang tumutulong sa pagbabalot ng mga saging para sa turon na kahilingan ni gov ngayong meryenda.
"Pero alam nenyo, natakot ako kay ser kanena.. mukha kase syang galet!" Sambit ni ate Lally.
"Oo nga, napansin ko din yun Lally! Pero ang gwapo talaga! May mga litrato ang pamilya ni governor dito sa mansyon pero pag sa personal pala talaga, mas lalong gwapo!" Ani ni ate Fe.
"Ano ba kayo.." Sambit ko. "Taga-Maynila yung anak ni gov, naninibago lang yun."
Sabay silang tumango sa sinabi ko.
"Ikaw, Marilag, anong masasabi mo kay sir Juno?" Nang-uusisang tanong sa akin ni ate Fe. "Magkasing edad yata kayo." Dugtong pa niya at saka ako binigyan ng makabuluhang tingin.
Sandali akong nag-isip. "Wala, ayos lang."
"Ayos lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni ate Fe. "Hindi ka ba nagwa-gwapuhan?"
Natawa ako. "Ayos lang, hindi naman ako mahilig sa ganun." Nag-iwas kaagad ako ng tingin.
Sabay na bumagsak ang mga balikat nila dahil sa isinagot ko. Ano ba dapat? Nagsabi lamang ako ng totoo.
Pagkatapos maluto ng mga turon ay lumabas muna ako ng kusina. Hahanapin ko sana si gov para iabot ang mga papeles na iniutos niya sa akin kaninang umaga pero hindi ko siya nakita. Mamayang hapunan na lang siguro.
"'Nay Josie, bakit pk kayo ang gumagawa nyan?" Nag-aalala kong tanong kay nanay Josie na dating kasambahay dito sa mansyon.
Medyo mahina na kasi siya ngayon kaya hindi na masyadong pinagta-trabaho ni gov. Ang anak nalang niyang si mang Jose ang pumalit sa kanya bilang driver naman ng mga Bienvenido.
"Pagsabihan mo nga 'yan, Marilag. Sinabi namin wag ng magdilig eh." Sabat ni kuya Roger, isa sa mahigit sampung body guard ni gov dito sa mansyon.
YOU ARE READING
Learn From The Broken
RomanceSunburned Heart Series #1: Marilag Fidelis Benitez is the most exquisite person you will ever meet. She is naturally kind, lovely, smart and extremely beautiful. Siya na lumaki sa simple at payak na kumyunidad. Siya na kahit na gawan mo ng masama a...
