Kabanata 5: Usapan
Panay ang kwentuhan nila Patricia, Michelle, Azrielle, Joaquin at Gio tungkol sa mga mangyayaring events ngayong taon dahil ito na ang huling taon namin sa high school habang kami ay kumakain. Excited din sila sa susunod na taon kahit pa kakasimula palang ng klase.
"Ikaw na ba ang captain ball ngayon, Azi?" Tanong ni Michelle.
Tumango si Azi sa kanya bilang tugon. "Oo, haha. Cheer n'yo kami ah!"
"Ang galing naman! Kailan ba ang intrams natin?" Tanong ulit ni Michelle.
Sa aming tatlo kasi nina Patricia at Michelle ay siya ang pinaka mahilig sa sports. Ako naman ay hindi masyadong mahilig sa sports dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa acads. Pagkanta lang ang masasabi kong medyo hilig ko sa lahat. Si Patricia naman ay mahilig sa mga Koreanong kanta kahit pa sinabi niyang hindi din naman niya iyon naiintindihan.
"'Di rin namin sure eh. Wala pa namang sinasabi si coach, diba Azi?" Sabat ni Gio.
"Sige! Sabihin n'yo sa akin kung kailan para makapag-ready ako ah! Excited na tuloy ako!" Sambit ni Michelle.
"Nga pala, bro, baka gusto mong sumali sa team namin? Pwede pa naman magdagdag." Sambit ni Azrielle kay Juno na kanina pa nakikinig lang sa usapan katulad ko.
Nag-angat siya ng tingin, "I'll think about it."
"Ang balita ko ay magaling kang mag-basketball sa Maynila, ah? Sumali ka na!" Anyaya sa kanya ni Joaquin.
"Not much but I can play. Hindi ko masyadong hilig, eh." Sagot ni Juno.
"Talaga, Juno? 'E anong hilig mo?" May kislap sa mga mata ni Patricia habang tinatanong niya iyon kay Juno.
"I'm into cars and I go to clubs, sometimes." Casual na sagot niya.
Uminom ako ng juice na ni-libre sa akin ni Azrielle habang nakikinig sa usapan nila. Natapos lang ang mahigit isang oras na pagtambay namin sa canteen ng mag-ring na ang bell. Hudyat na may klase na.
Sabay-sabay kaming umakyat sa aming classroom. Medyo nauna nga lang ang mga boys dahil hinahabol nila ang mabilis maglakad na si Juno.
"Ang gwapo talaga ni Juno!" Kinikilig na bulong sa akin ni Patricia.
"Lagot ka kay Gio!" Biro ko.
Sa pagkakaalam ko kasi ay nililigawan ni Gio si Patricia. Hindi ko alam ang eksaktong detalye sa kung anong meron sila dahil hindi naman ako gaanong nagtatanong.
"Shh!" Sambit niya. Natawa na lang ako.
Pagdating namin sa classroom ay nandito na pala ang aming guro. Kaagad akong umupo sa upuan ko dahil ayokong mapagalitan.
"Okay, class. So now I will assign your permanent seats for the whole semester." Sambit ni ma'am Del Rosario.
Marami ang bumagsak ang balikat sa sinabi ng aming guro (kasama na ako) pero ang mga babae ko namang kaklase ay nae-excite dahil gusto nilang makatabi si Juno.
YOU ARE READING
Learn From The Broken
RomanceSunburned Heart Series #1: Marilag Fidelis Benitez is the most exquisite person you will ever meet. She is naturally kind, lovely, smart and extremely beautiful. Siya na lumaki sa simple at payak na kumyunidad. Siya na kahit na gawan mo ng masama a...
