Chapter 17: I Don't Like "It"

Start from the beginning
                                    

Nai-pasok niya ako nang tagumpay sa loob ng apartment niya. Ini-upo niya ako sa lumang sofa, saka niya nilapitan ang speaker at agad na inalis ang tugtog nito. Bumaha ang katahimikan. At mula sa isang pinto ay lumabas doon bigla ang isang maliit na batang babae--- around 3 years old.

"'Ma, why did ya turned it off?" tanong nito with British accent. Malamang galing iyon sa Peppa Pig.

"Maingay, Irish. May bisita ako," ani babae, saka nilinga ako at tipid na nginitian. Tumingin din sa akin ang bata at masayang kumaway. Ngumiti ako sa bata kahit pilit lamang. "Pasok ka muna sa room mo. Watch Peppa Pig if you want."

I'm right. Sa cartoons nakuha ng bata ang accent.

And the kid-- it's her daughter. I think. Teenage pregnancy, again, I think. Ah, she experienced hell kung totoo ngang nabuntis siya ng maaga noon.

"Anak ko iyon," aniya saka lumapit sa puwesto ko, at umupo sa tabi ko---halos sa tabi ko. "You know, teenage pregnancy."

Hmm. I know.

Hindi ako sumagot. Nanatili ako sa puwesto ko. Ini-libot ko ang paningin ko sa paligid. Maayos ang mga gamit. Organized. Malinis.

"Doktor ka, hindi ba?" tanong bigla ni March. Nilinga ko siya, at masuyo siyang ngumiti sa akin. "Nakikita kita palagi, kasama ang boyfriend mo na foreigner. Naririnig ko rin ang mga hikbi mo sa gabi."

Tinitigan ko siya ng mariin. "Ako rin. Sa 'yo. Simula nang lumipat ako."

Napa-maang siya, pero saglit lang ay ngumiti muli siya ng tipid. "Alam ko."

Muli ay iniwas ko ang paningin ko sa kaniya.

Wala akong panahon para manatili rito. Mas gugustuhin ko nalang na lumaklak ng alak kesa sa nandito ako. Hindi ko siya kilala, at kahit halata naman ang dahilan kung bakit niya ako pinapasok, hindi pa rin ako mananatili rito.

"Babalik na ako sa kabila, salamat sa pag-alis ng tugtog," paalam ko saka tumayo. And thankfully, I managed to stand straight, at agad na naglakad ako palabas ng unit niya. Bumalik ako sa unit ko at agad na isinara ang pinto.

Natigilan ako at napatingin sa paligid ng apartment ko.

Kabaliktaran ng kay March. Madilim dito. Magulo. Malungkot. Unang tingin palang, walang tao ang magiging kumportable rito. Pero dito lang ako kuma-kalma. Dito ko lang nalalabas ang lahat ng galit ko sa mundo.

Lumakad ako palapit sa silid ko. Ngunit bago pa ako maka-pasok ay napahawak na ako sa haligi ng pinto.

Mas lalo akong nahi-hilo. Umiikot ang paningin ko. At hindi ko alam kung sa kalasingan pa ba ito.

"Shit," usal ko saka napa-pikit.

Naramdaman ko nalang na tuluyan nang dumilim ang paningin ko, at bumagsak na ako sa konkretong sahig.

NANG MAGISING AKO, alam ko nang nasa ospital ako. Sumusuot sa ilong ko ang amoy ng alcohol at iba pang mga disinfectant. Unti-unti akong dumilat. At tama nga ako. Nasa hospital ako.

"Gising ka na pala, Saki." May magandang tinig ang nagsalita sa gilid ko, at agad na nilingon ko iyon. Si Soren. Seryoso lamang ang maganda niyang mukha pero bakas pa rin ang pag-a-alala.

"Hi," bati ko sa kaniya. "Ilang oras akong tulog?"

"Mahaba," aniya. Sumandal siya sa kinauupuan niya saka sinuklay ang naka-undercut niyang buhok. "Damn," mahinang mura niya. "What are you doing, Saki?" halos bulong nalang na tanong niya habang malungkot na naka-titig sa akin.

"Same question," sambit ko. "What am I doing?"

Namasa ang gilid ng mga mata niya. "Buntis ka," sambit niya. "Buntis ka, 1 month."

What---?

Pagak akong natawa. Hanggang sa halos humalakhak na ako, pero hindi ko magawa dahil namamaos ang lalamunan ko.

"Wow," anas ko. Gusto kong pumalakpak ngunit may naka-saksak sa akin na swero. "Ang galing," sarkasmong sambit ko. "Ang galing naman, paki-ulit nga kasi parang mali ako ng dinig?"

Sana lang at mali ako ng dinig.

Sana lang.

Nakagat niya ang ibaba niyang labi. Then she releases it. "B-Buntis ka," sambit niya. "Buntis ka, Saki. I'm sorry."

Muli akong natawa at iiling-iling na napa-himas ako sa tiyan ko.

"I'm pregnant?" mapait na tanong ko. "Then fuck this child, I don't want it," madiing sambit ko saka pilit na bumangon.

Agad akong pinigil ni Soren. "Saki! Huwag kang bumangon!"

"Sa tingin mo gusto ko 'to?!" bulyaw ko sa kaniya. "Ayoko ng kahit ano mula kay Grie! Ayoko ng anak na galing sa kaniya! Naiintindihan mo ba, ha?!" Halos ma-sampal ko siya, pero patuloy siya sa pag-pigil sa kaliwang kamay ko para hindi maalis ang karayom sa akin.

"Ayoko nito!" tili ko saka halos suntukin ko na ang sarili kong tiyan, pero agad niya akong napigilan. She's strong, pero sa tingin ko, nanghihina lang talaga ako.

Napahagulhol ako, at muli, umiiyak na naman ako. At sa harapan pa niya.

"Ayoko nito, eh..." halos bulong na hikbi ko. "Alisin mo 'to, Soren. Please..."

At saktong bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor na kasama ang ilang nars.

Napa-hingal ako ng sunud-sunod. Alam ko na ang gagawin nila. Papatulugin nila ako.

No. ayoko. Ayoko--

Nilapitan ako ng lalaki at kinuha ang pul---

"Ayoko!" sigaw ko saka muling pumalag sa hawak nila. Hanggang sa bigla akong tinamaan ng matinding antok.

Hindi ko alam kung saan nila itinurok iyon sa akin, pero ang bilis ng epekto niyon---

Hinihingal akong napa-higa sa kama. At ang mga talukap ng mga mata ko ay bumibigat na ng unti-unti.

Nanghihinang inabot ko ang kamay ni Soren at magaang pinisil iyon.

Mahinay akong umiling.

I don't want this---I don't want it. Please.

__________________________________

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now