"Anong pagkain?" I asked on the maids.
I talked to them in Filipino dahil baka pare-parehas na bobo ang mga maid dito.
"Turon with langka po ang meryenda, sir. Request po yan ni gov. Ito po ang platito at tinidor, tikman nyo."
Napa-isip ako sa kanyang sinabi. What the hell is turon with langka? Is that some kind of exotic food or something?
"Wala bang iba?" Tanong ko. "I don't know that turon thing. I bet it's disgusting."
"Ano po bang gusto nyo? Magpapaluto nalang po ako. Nanjan pa naman po si chef,"
"I want some pasta. Fettuccini to be exact."
"Fettu... ano po ulit?" Akala ko ay maayos ayos na ang maid na nakausap ko ngagon pero nagkakamali ako. She's just like the first one.
"Damn. Nevermind what I said. Hindi na lang ako kakain." Sambit ko at saka naglakad palabas ng mansyon.
Naabutan ko ang pinsan kong si Dustin na kinakausap ang mga trabahador.
"Hey, fucker! Come over here!" Tawag ko kay Dustin.
Nag-half jog siya papunta sa akin. "What the fuck do you want?" Sambit niya. Ginagaya ang accent ko. Binalewala ko iyon.
"May mcdo ba dito? Or any decent restaurant or fast food?" Tanong ko.
Tumawa siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa?
"Walang fast food o restaurant dito. Ni-wala ngang mall dito. Good luck talaga sa'yo, bro." Pang-aasar niya. E kung sapakin ko kaya siya?
"Fuck you." Tinalikuran ko siya.
Wala talagang kwenta. Nakaka-asar. Kung sana ay mas naging goodboy ako sa Maynila ay hindi ako ipapatapon ng nanay at tatay ko sa lugar na 'to.
Binuksan ko ang wifi sa cellphone ko at nakita kong may wifi dito sa mansyon. Medyo gumaan ang pakiramdan ko dahil doon.
"What's the wifi password?" Tanong ko sa maid.
"Ah, sir,--" I didn't let her finish what she was saying.
"Ano, hindi mo din alam kung ano ang wifi?"
"Ay, hindi po sir. Si Marilag po! Si Marilag po ang nakakaalam." Natataranta niyang sagot.
"Who's Marilag?" Kumunot ang noo ko.
Hindi nagtagal ay lumapit ang isang mala-anghel na babae sa akin. She has that black long straight hair, bright eyes, pointed nose, naturally red lips and small face. She's petite and she looks so classic.
Nakasuot siya ng isang simpleng floral dress at ang masasabi ko lang ay isa siyang napaka gandang halimbawa ng "dalagang pilipina".
Habang papalapit siya ay bigla kong nabitawan ang cellphone ko. Tsaka pa lang ako natauan nang na-realize kong natulala ako dahil sa kanya. Oh, fuck! Why am I so star strucked?
Really? Ang isang Rephaelio Bienvenido Jr., na star struck sa isang probinsyana?
Kaagad kong pinulot ang cellphone ko at bored ko siyang binalinggan ng tingin.
"What's the wifi password?"
"Bienvenido dot twenty fifteen." Sagot niya.
Kaagad kong tinype ang sinabi niya.
"Bakit mali?" Kumunot ang noo ko at saka ko pinakita ang screen ng cellphone ko.
"Ako na ang magta-type," Sambit niya.
I gave my phone to her without any hesitations. I peaked at her while she was typing the password on my phone. She looks so gorgeous. Kulang ang mga letra at salita para i-describe kung gaano siya kaganda.
Inabot niya ang cellphone ko sa akin pagkatapos. I looked away.
"Ah, thanks." Nag makita kong connected na ang wifi sa phone ko.
She just gave me a smile and then she walked away. Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niyang pagdidilig ng mga halaman sa labas.
She's damn hot! Ilang taon na kaya siya? She looks young. Maybe she's nineteen too? Or a year younger than me? What is her name again? Marilag? Is she one of our maids?
"Hoy! Sinong tinitignan mo jan?" Tanong sa akin ni Dustin.
"It's none of your business, fucker."
I kept the phone on my pocket. Mukha yatang nawala ang gutom ko. Isang taon lang, Juno. You're just going to stay her for a year and you're ready to fly in Los Angeles to study college. Isang taon lang...
BẠN ĐANG ĐỌC
Learn From The Broken
Lãng mạnSunburned Heart Series #1: Marilag Fidelis Benitez is the most exquisite person you will ever meet. She is naturally kind, lovely, smart and extremely beautiful. Siya na lumaki sa simple at payak na kumyunidad. Siya na kahit na gawan mo ng masama a...
Simula
Bắt đầu từ đầu
