Parting Time

1.5K 79 1
                                    


Napabuntong hininga si Althea saka sumandal sa swivelchair niya. Hinilot hilot niya ang magkabila niyang sentido ng maalala ang nangyari dalawang linggo na ang nakakalipas.

FLASHBACK

"Althea!!! Alam kong nandyan ka!... Please kausapin mo ako!" Sigaw ni Jade sa labas ng gate sa bahay ni Batchi. "Althea!"

Lumabas mula sa bahay si Wila. "Hoy!" Sigaw nito sabay lapit sa may gate. Pero di nito binuksan ang gate. "Pwede bang huwag kang mag eskandalo dito!"

"Wila..." umiiyak na sambit ni Jade. "Alam kong nandyan si Althea... please kailangan ko siyang makausap,"

"E ano kung nandito nga si Althea. Ayaw ka niyang makausap. Ni makita nga yang pag mumukha mo ayaw niya rin makita," nakapamaywang na tugon ni Wila.

"Wila... tumahimik ka nga.." si Batchi na lumabas na din ng bahay. At lumapit sa kanila.

"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah?" Inis na sabi ni Wila.

"Batchi... please papasukin niyo ako.. kailangan naming mag kausap ni Althea," sumamo ni Jade.

Binuksan ni Batchi ang gate. At nilabas si Jade. "Jade ano kasi e... siguro huwag muna ngayon. Hindi pa kaya ni Althea na harapin ka.. masyadong masakit para sa kanya ang nalaman niya. Kaya ako na mismo ang nakikiusap sayo.. huwag muna ngayon.. hayaan mo na muna si Althea,"

Napapikit si Jade. Habang patuloy paring umiiyak.

"Hoy Jade.. di ka naman siguro binge ano? Kaya pwede ba umalis kana.." galit na sabi ni Wila.

"Wila.. pwede ba? Huwag ka nalang mag salita kung wala namang kabuluhan iyang lumabas sa bibig mo," saway ni Batchi kay Wila.

"E gaga iyang babaeng iyan e... papasok pasok sa ganitong relasyon di naman pala mapapanindigan... hahanap din pala ng lalakeng makakatabi sa kama..." deretsyang sagot ni Wila.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan Wila... hindi mo alam ang nangyari." Madiin na sagot ni Jade.

"Sapat ng malaman namin na pumatol ka kay David.. at sinaktan mo si Althea.. bruha ka!!" Sigaw ni Wila. Akmang susugurin nito si Jade.

Pero pinigilan ito ni Batchi. At hinila papasok ng bahay. "Wila tama na.. hindi ka nakakatulong e.." sabay baling kay Jade. "Sige na Jade.. umalis kana.. huwag mo na pahirapan sarili mo,"

Umiiyak na napahawak nalang si Jade sa railings ng gate. At tumingin sa bintana ng bahay ni Batchi.

Kitang kita ni Althea ang pangyayari mula sa labas. Pasimple siyang sumilip sa bintana. Kitang kita niya kung paano nag sumamo si Jade kina Batchi at Wila para papasukin. Seeing Jade crying ay parang dinudurog ang puso ni Althea. Pero sobrang nasaktan siya sa nalaman niya. Ng ikwento niya kina Batchi at Wila ang nangyari maging ang mga ito ay di makapaniwala. Kung di lang napigilan ni Batchi si Wila ay malamang sinugod na nito si Jade sa bahay mismo nila.

END OF FLASHBACK

"Gusto mo akong humilot sa ulo mo?"

Napadilat si Althea ng marinig ang malambing na tinig ng isang babae. Bumungad sa paningin niya ang isang napakatamis na ngiti nito. "K-Kathleen? Anong ginagawa mo dito?" Umayos siya ng upo. "I mean paano mo nalaman nandito ako?"

"Well I have my ways," tugon nito. "Hindi ka naman mahirap hanapin Althea e."

Suminghot si Althea saka tumayo. Di niya inaasahan na bibisita ito. Mas lalong di niya inaasahan na magkikita pa sila. "Amm... what can I offer to you? How bout drinks? Water? Juice? Anything?"

Tumawa ito. "Relax Althea... here," itinaas nito ang dalang brown paper bag. "I bought some foods,"

Dun lang napansin ni Althea na may dala pala itong paper bag.

Althea and JadeWhere stories live. Discover now