Jealousy

1.9K 93 3
                                    


"Chong!!!" Bungad ni Batchi kay Althea ng umibis siya sa kotse. "Saan ka ba galing?"

Lumapit si Althea kay Batchi na nasa tapat ng gate ng bahay niya.

"Chong sandali---" pigil ni Batchi kay Althea ng akmang papasok na siya sa gate. Napalingon din ito sa kotse kung saan bumaba si Althea.May isang magandang babae ang umibis mula sa driving seat. Napakunot noo si Batchi. "Chong sino siya?" Baling nito sa kanya.

Nilingon ni Althea si Kathleen. Na naglalakad palapit sa kanila. Nakangiti pa ito. "Si Kathleen. Siya iyong tumulong sa akin kagabi dahil iniwan niyo ako ni Wila sa bar,"

"Hindi ka namin iniwan ni Wila. Nagulat nalang kami bigla ka nalang nawala. Tinawagan ka namin pero di ka namin ma contact," paliwanag ni Batchi.

"Hi," nakangiting bati ni Kathleen kay Batchi ng tuluyan na itong makalapit sa kanila. "I'm Kathleen," inilahad nito ang kamay kay Batchi.

Pilit ang ngiting ginawa ni Bachi. Saka nakipagkamay dito. "Uhm I'm Batchi," nilingon nito si Althea. Di mapakali si Batchi. "Chong.... kasi ano.. uhmm.. si J.."

Sabay silang napalingong tatlo sa pinto ng bahay ng bumukas iyon at iluwa si......




"Jade?" Di makapaniwalang sabi ni Althea.

Naglakad palapit sa kanila si Jade. Di maimpinta ang anyo nito.

"Saan ka galing?" Bungad na tanong ni Jade kay Althea.

"Uhmmmm... kailan kapa dumating?" Tanong din ni Althea.

Nilingon ni Jade si Kathleen na nasa likuran ni Althea. Akmang lalapitan ito ni Jade.

"Uhm lablab...." humarang si Althea kay Jade.

"Don't lablab me," mahina bagamat may diin na sabi nito kay Althea. Saka binalingan ulit si Kathleen. Na di na yata mawawala ang ngiti sa mga labi.

"Oh ow..." si Batchi na napayuko nalang.

"Hi, you must be Jade right?" Inilahad ni Kathleen ang kamay nito kay Jade. "I'm Kathleen,"

Tinitigan lang ni Jade ang nakalahad na kamay nito. Saka tinitigan ng matalim si Kathleen.

"If I'm not mistaken ikaw ang tumawag kagabi right?" Sabi ni Kathleen. Di man lang mababakasan ng pangamba ang mukha nito.

"Yes," maikling sabi ni Jade.

"Okay... uhm I better get going. Inihatid ko lang naman si Althea dito." Bumaling ito kay Althea. Saka ngumiti. "Althea masaya ako nagkasama tayo kahit isang gabi lang,"

Sumabog ang tenga ni Jade sa narinig. Relax Jade, hindi ka eskandalosang babae.

Tumango at pilit na ngumiti si Althea kay Kathleen. "Thank you Kath... sa paghatid,"

"It's nothing," lumingon si Kathleen kay Batchi. "Batchi nice meeting you again and same to Jade,"

"Why in hurry Kathleen? Why don't you join us on dinner. Tutal malapit na rin namang gumabi e. Sayang naman kung aalis ka agad," nakangiting sabi ni Jade.

Napalapit bigla si Althea kay Jade. "Jade..." hinawakan nito ang braso ni Jade. "Baka may iba pang pupuntahan si Kathleen, makakaabala pa tayo nakakahiya naman," palusot ni Althea. Ayaw niya sa sitwasyon niya ngayon.

"Hmmm?" Nakataas ang isang kilay na nilingon ni Jade si Althea. "Diba mas nakakahiya naman kung di natin siya patutuloyin muna? To the fact na ikaw naman talaga nakaabala sa kanya,"

Natameme si Althea.

"Sige na Kathleen, in a way narin na magkapag pasalamat kami dahil inalagaan mo si Althea," baling ni Jade kay Kathleen.

Althea and JadeWhere stories live. Discover now