Sumakay na kami sa sarili naming sasakyan pero tinawag ako ni Dale kaya lumapit ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko habang pinaglalaruan yung susi ng kotse ko.

"Pwede ka daan muna tayo sa Bar." Nagtaka naman ako madalas lang nag ba-bar si Dale lalo na pag may problema.

"Ano gusto mo ng may makakausap?" Tanong ko. Ngumiti lang siya ng tipid sa akin kaya niyakap ko siya syempre yung panlalaki.

"Paano sila Ella?"

"She's with her friends." Maikli niyang sagot. Tumango nalang ako at pumasok na ako sa loob ng kotse ko.

(BAR)

Loud noises.. Drunkards and girls who are almost making out with someone.

Hindi ko alam pero gusto ko ng umalis dito pero dahil kailangan talaga ako ni Dale titiisin ko muna. "Hard please.." Sambit ni Dale sa Bartender. Ano iinom siya Hard pa? So ridiculous.

"Dale, tol baka malasing ka niyan, Ano ba kaseng problema?"

"Pre, masyado ko ba siyang sinakal dati?" Tanong niya. habang sunod-sunod na uminom halos nakaka 3 na siyang bote and I can tell that he's already drunk.
"...k-kase akala ko siya na yung babaeng makakasama ko at papakasalan ko eh" Dagdag niya.

Pinipigilan ko siyang uminom pero ayaw niyang magpa-awat. "Let me have some f-fun" Napa-iling na lang ako. Drinking alcohol is not the solution, asshole.

"

"Wala tayong magagawa diyan, you have to deal with it. Sabi nga nila time flies but your love for someone will never fade laging nandiyan 'yan sa puso mo, Ella was your great love right?" Tanong ko sa kanya. I don't know if this is a great idea. 

Tumawa siya ng mapakla.
"Hanggang ngayon parang hindi naman ata nagbago pre, akala ko ayos na ako kay Princess. I was so sure that I belong to Princess, pero nung nakita ko yung ngiti niya kanina. Nanlumo ako" Tumigil siya at nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

"Akala ko kaya ko ng hindi mahalin si Ella, mas matagal ko namang nakasama si Princess eh bakit hanggang ngayon siya pa rin? Wala namang ginawa si Ella sa akin kundi saktan ako" Dagdag niya. "I fell hard for her. I couldn't imagine my life without her but I was too tight right? To a person who is new to love and commitment" Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Parehas lang kayong bago sa pag-ibig sabi mo una mong babaeng sineryoso si Ella, minahal mo lang talaga. To the point, na maraming beses na kayong nag-away. 2 years ago, akala mo ayos ang lahat na kapag nagsosorry ka kay Ella mababalik ang lahat sa dati. Parehas kayong walang alam sa nangyayari, lack of communication is the reason why"

"Kung 'yang pag-iinom mo ang lunas para makalimutan mo kahit onti yang problema mo sige lang.. pero" tumingin siya sa akin na parang hinihintay ang karugtong ng sasabihin ko "...sana mas maging malakas ka ayokong nakikita kitang nahihirapan ng ganito."

Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya "Malakas? Nahihirapan? Hindi ako nahihirapan. Kaya ko ito" Huminga lang ako ng malalim habang hinahalo yung beer ko.

Maya-maya'y anino ng babae ang nakita ko na papalapit kay Dale. Maputi..maganda pero Malandi. By the looks of it she's like a filthy slut. "Hello..handsome" Yumuko siya kaya medyo kita ang dapat na hindi makita, her cleavage is not worth to see.

Ngumisi lang si Dale.. 'Ano nanamang plano nito?' Hinapit niya ang bewang nung babae at sinimulan niyang halikan ang leeg nito.

Hahalikan sana ni Dale yung Babae pero ngumiti lang ng nakakaloko si Dale nilagpasan niya ang labi nung babae at dumiretso sa tenga nito. "Bitch" kinuha ni Dale yung beer niya at binuhos niya ito sa cleavage ng babae.

Napahalakhak lang ako that's kinda rude pero nakakatawa.

"Back off.. I don't want a whore and a bitch like you, so you better get out of my sight" Kalmadong bulong ni Dale. Halatang inis na inis yung Babae pero inirapan niya lang si Dale at padabog na umalis.

"Ganyan ka pala pre.. Hahaha" Ngumisi lang si Dale at uminom nanaman siya. "G*go ako pero nasa katinuan pa rin ako at saka nakakaumay yung mga 'ganong babae"

*Incoming call Dad..

Lumayo ako at sinagot ang tawag.

(Son?)

("Bakit po")

(Your mom needs you here.. I mean I need you here I have a problem with your mom its about your sister she's craving for something and now she's torturing me!)

Nilayo ko medyo yung cellphone ko sa tenga ko dahil sa sigaw ni Dad. My pity Dad hahaha.

("Okay I am coming home..Bye")

*toot-toot

Tumalikod ako para i-check si Dale.. Takte?! Nasaan na 'yon?

"Kuya, nasaan na yung kasama ko?"

"Hindi ko po napansin Sir" Napa-kamot ulo lang ako binayaran ko yung bartender at umalis na.

Ella's POV

"Huwag mong sabihin na hanggang ngayon mahal mo pa rin siya" Huminga lang akong malalim.

"Pren..alam mo na---"

"Oo..na komplikado? Na baka hindi niya na ako mahal at may mahal na siyang iba? Na Iba na ngayon, dalawang taon na ang nakalipas marami ng nagbago?' Yun ba ang gusto niyong sabihin? Na huwag akong umasa na mamahalin niya ako pabalik?" Yumuko sila at dahan-dahang tumango. I was wrong. Bakit ba kase bumitaw ako kaagad. Bakit ba kase tuwing nag-aaway kami tiwala yung laging wala?

"Sige girl, mauna na kami" Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila at niyakap sila. Umupo ako sa sofa at nanood muna ng T.V dahil na boring ako pinatay ko ito at pinikit muna ang mga mata ko.

Dapat hindi nalang siya bumalik rito pero masisisi ko ba siya malay mo namimiss niya yung mga kamag-anak. No, Ella he want a closure. Kase nga naka move on na siya tapos ikaw parang linta.

Napa sabunot na lang ako dahil sa mga iniisip ko.

*tok-tok

Tumayo ako at binuksan ko ang pinto bago pa ako makapag-react mabilis niya akong hinalikan.

Napahawak ako sa labi ko. Nahalikan ko siya nung nalasing ako pero iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag ikaw yung nasa katinuan.

He broke the kiss and he cupped my face and smiled at me.. He's drunk. "I...." Bago pa siya mahulog nasalo ko siya (wow. Catch me I am falling) "Buti pa ako nasalo ka" Bulong ko sa aking sarili. Bakit siya nandito at bakit niya ako hinalikan.

Bakit ba pag nalalasing may nangyayaring kababalaghan?

At paanong nakapunta siya rito?









My Heartthrob Ex-Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now