"Maganda ba ang sorpresa ko sayo?? hahahahaha.., Ang kawawang matanda, akala niya ay yayakapin ko siya ng mahigpit na mahigpit, oh?? niyakap ko pala siya ngunit kinuha ko ang puso niya., ang gandang panuorin habang dinudurog ko ang puso niya sa aking mga kamay. Anong pakiramdam na maabutang patay ang lolo mo axiel?? anu??" at dahil sa narinig ni axiel mula kay katalina ay humigpit na humigpit ang pagsasakal niya dito.


"papatayin kita!!" at malakas na binalibag ni axiel si katalina. Nag bagong anyo si axiel at tila na shock ang lahat dahil sa kanilang nakita at nanlalaki naman ang mga mata ni xenon.


"Ako ang papatay sayo axiel.., ako!!, Hindi kita kapatid at hinding- hindi ko pinangarap na maging kapatid ka, kaya ko pinatay ang matandang iyun dahil sa ikaw ang magmamana sa korona.., ako!! ako dapat iyun at hindi ikaw..," galit na sigaw ni katalina kay axiel at nagbagong anyo din ito. Mula sa puting buhok nito ay nagkaroon ito ng ilang itim na strands, nagkulay red orange din ang mga mata nito at humaba ang mga kuko niya. habang kay axiel naman ay nagsimula nang tumingkad ang kulay pulang buhok nito at nagsimula na ding maging sing kulay ng dugo ang kanyang mga mata na mag halong lila at humaba na din ang mga kuko nito.


"shit!!" bulong nina acer at amyr. Nagsilabasan na din ang ilang level E vampires na siyang dumagdag sa gulo.


"Zodiacs.., protektahan ang ilang estudyante., dana, alden gabayan sila patungo sa safe haven. Kami nang bahala dito. " mabilis na sabi ni acer at sumugod na din ito sa ibang mga level E vampires at ganon na din si amyr. Nagsipag kilos na din ang mga iba yung iba nilalabanan na din nila ang mga vampires. Kitang- kita din ng mga zodiacs ang pagpaslang ng mga mafioso sa mga vampires. Ibang- iba ang kanilang mga bilis na tila nasasabayan nila ang mga vampires.


Paliko na sana sina alden at dana ng harangan sila ng kakaibang ayumi. Mapupula na mga mata at mahahabang kuko na ayumi ang sumalubong sa kanila.


"akala niyo makakatakas kayo??" mapaglarong sabi nito at sumugod kina alden at dana pero bago pa ito makalapit sa dalawa ay dumating si danica at hinawakan sa leeg si ayumi na nagpupumiglas.


"umalis na kayo ate.., alis nah" sabi ni danica at tumango lamang sina dana. "mag- iingat ka danica, tandaan mo mahal na mahal ka ni ate.," at luhaang tumakbo na paalis sina dana at alden at ang ibang mga estudyante paalis sa lugar na iyun at di nila nakitang bumalik si xenon kung saan nagaganap ang laban nina katalina at axiel.


"Pakielamera!!"galit na sigaw ni ayumi kay danica at kinalmot ito sa pisngi. Nasugatan ang pisngi ni danica at tumulo ang dugo dito.


"pagkatapos ko sayo bata.., papatayin ko naman at iinumin ang dugo ng ate mo.." nakangiting saad naman ni ayumi kay danica. Nagpanting naman ang tainga ni danica kaya nabagong anyo din ito. humaba ang kanyang mga kuko at tumingkad ang mapupulang mga mata nito at nawala ang sugat sa mga pisngi nito. mabilis na sinugod ni danica si ayumi. tumalsik si ayumi sa isang pader ngunit tumayo din ito ng mabilis at sumugod din kay danica. Hinawakan ni danica ang buhok ni ayumi at malakas na iniuntog ito sa pader, umikot naman si ayumi kahit may tumulong dugo sa ulo nito at nawala ang sugat at pilit na sinasakal si danica. Ngunit tinadyakan ni danica si ayumi at mabilis na umikot at pinilipit ang leeg neto. Gamit ang natitirang lakas niya at hinigit niya ng buong pwersa ang ulo ni ayumi hanggag sa maghiwalay ito sa katawan niya.


Napaluhod naman sa pagod si danica at hinigit palapit sa kanya ang katawan ni ayumi at binunot niya ang puso nito. Tumayo siya at inapakan ang puso nito sa harapan ng putol na ulo ni ayumi na nakamulat pa ang mga mata.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ayan na ayan nah.. war na itoooooo!!! whooooo!!!...., hehehehe',.


aham aham.., gusto ko lang pong sabihin nah nalalapit na po ang pagtatapos ng storyang ito, at gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa, nag vo- vote at nagco- coment sa story',.


Sana ma enjoy niyo pa ang pagababasa neto kahit malapit ng mag goodbye ang mga bida dito.., huhuhuhu',. Hope you like this guys',. thankies.., :)




HELL'S ANGELS (complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora