H21

11.3K 335 11
                                    


Levi's poV

"Aries.." mahinang sambit ko ng makitang nakahiga lng sa ilalim ng puno ito.


Napamulat naman siya ng mga mata niya at tumingin sa akin.


"Oh..leo anung maiipag lingkod ko sayo?" nakangiting tanong nito sa akin. At gumalaw siya paupo at sumandal sa puno.



"Nandito siya diba?" tanong ko dito pero ngumiti lang ito ng mapang asar sa akin.


"Bakit? Anung gagawin mo sa kanya?" napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya.



"Papatayin mo din ba siya? Kahit na siya ang empress ng zodiacs? Na ikaw na siyang emperor ay papatayin siya?" rinig na rinig ko ang nakakatakot na tono na pananalita ni aries. Di ko siya masisisi si aries ang tanging nakakaalam ng tunay na opichus. Siya na isang matalik na kaibigan nito. Ang tanging nakaka alam ng tunay na nangyari.


"Aries.. " yan lang ang namutawi sa mga labi ko.


"Alam mo kahit ikaw pa ang emperor. Di ko parin sasabihin kung nasaan siya. Di ko siya ibibigay sa tulad niyong tanga at di nag.iisip!!" sigaw nito sa akin.

Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko at galit na galit.




"Kahit.. Iniisa isa na niya tayo? Alam mo bang nakuha na niya ang maskara ni libra.. Hihintayin mo pa bang maubos tayo?" sigaw ko din dito pero napangiti lng siya ng pang.uuyam sa akin.


"Di ko alam na wala palang magagawa ang tinaguriang emperor pagdating sa empress. Tsk tsk.. Nakaka dissapoint naman.. Isa pa', di niyo ata kilala ang tunay na opichus." pailing iling na sambit nito na may mapaglarong ngiti sa labi at tuluyan na akong iniwan.



Tunay na opichus? Anu bang pinagsasabi ni aries. Eh alam naman namin na ang opichus ba empress at opichus na kumakalaban sa amin ngayon ay iisa.




Oo nga pala.. Ako si leo, isa sa mga zodiacs at ang emperor ng UG.. Ako kasama si opichus ang namumuno sa UG. Kami din ang leader at namamahala sa zodiacs. Sa katunayan nga niyan. Si xenon sana ang leo, siya sana ang emperor pero pinagpalit niya ang maskara namin. Dahil sa isang babae.. Tama, ang rason ay isang babae lamang.


Kapag kasi naging emperor ka papakasalan mo ang empress. Nasa rule book iyan ng UG at zodiacs. Ayaw nun magpakasal ni xenon sa ibang babae dahil inlove na inlove siya sa iisang babae lamang na hanggang ngayon ay hinahanap niya parin at hinihintay. At ako na walang magawa sa sitwasyon ko ay umokay nalang. Isa pa, nahuhulog naman ako sa empress.

I se seal na sana ang kasalan pero nangyari nga ang hindi dapat mangyari.

Sa araw ng sealing namin, nagkaroon ng pagsalakay ng ilang rebeldeng gang groups sa venue. Ang ikinagulat naming lahat ay sa gitna ng labanan. Nakita namin nina xenon at virgo ang isang babaeng pinoprotektahan ng mga rebelde ..ang babaeng naka red gown, ang babaeng nakatalikod sa amin at tumatakas. Ang babaeng bitbit ang isang mask..

Ang mask ni opichus...

Nakomperma namin yun ng hinahabol namin siya at pilit na tutulungan.. Pero, imbis na tulungan niya kami at sumama sa amin. Pinababagsak niya pa ang underlings namin.


Ang sakit malamang nag traidor siya.. Ang tinagurian at piniling empress nag traidor sa amin..


--------------------------

How's this chappy?? May mga clue na po diyan at konting rebelasyon.. Hehehe.. Sana nagustuhan niyo!.

HELL'S ANGELS (complete)Where stories live. Discover now