H17

12.5K 380 5
                                    


Leon's poV

"Dude.. Bat di maipinta yang mukha mo?" napalingon naman ako kay zavier ng tanungin niya si xenon. Nasa dorm namin kami at may hinahanap akong impormasyon sa laptop ko.


"Tsk!" at tumayo ito at walang sabi sabing lumabas ng dorm namin.


"Anung nangyari doon?" tanong ko kay zavier pero itong gago ngumiti.


"Selos!" at tumayo din ito at pumunta sa silid niya. Tsk.. Sabi na nga ba at natamaan yung si xenon kay axiel eh.. Ayaw pa aminin. Kitang- kita naman kanina nung matumba si axiel. Haha.. Naunahan lang siya ni levi.


Pindot..pindot.. Hanap impormasyon.. And boomm.. Nakita ko na. Tss.. Ang galing ko talaga.

Pinatay ko na ang laptop ko at humiga sa sofa.

--------------------------

3rd person's poV

"Lalala.. Lalala.." pakanta- kantang saad ng isang babae habang nagbibihis siya ng damit.


"Nice!" napaharap siya bigla sa kama niya ng may marinig siyang tinig. Nagulat siya ng makita kung sinong nilalang ang nakaupo sa kama niya.


"Opichus!" seryosong sabi niya at mabilis na kinuha ang golden ax niya.


"Hahaha.. Seriously libra?? Come on.. I just want your mask. Nothing more.." napahigpit ang paghawak nito sa ax niya.


"No.. That's my mask. And i'll protect it no matter what!" ngumiti lang ng mala demonyo si opichus kay libra.

"If you say so... " at mabilis niyang inatake si libra. Umiwas naman si libra at pilit niyang iwinawasiwas ang ax niya kay opichus. Pero umiilag lang ito. Aaminin niya masyadong mabilis at malakas si opichus sa kanila.


"Aarrgghh.." daing niya ng binalibag siya nito sa pader. Nagkabitak pa nga ang pader sa silid niya. Wala kasi ang dalawang kasama niya.

Mabilis siyang bumangon at tinapon ng malakas ang golden ax niya kay opichus. At nadaplisan ang balikat nito. Napunit ang hoodie nito at may tumulong dugo.


Iniinda lang ito ni opichus at mabilis na binigyan ni opichus ng isang malakas na roundhouse kick si libra. Natumba naman si libra at nawalan ng malay.


"Tsk.. Easy as a pie.. Now, your no more libra.. Sofi!" nakangiting sabi ni opichus at kinuha niya ang mask ni libra at umalis na sa lugar na yun. Di naman siya makikilala ni sofi dahil naka mask siya.


"One down.. 11 to go!" at tuluyan na siyang naglaho sa dilim.

--------------------------

Xenon's poV

Bwesit.. Bakit ba kasi ako nagkakaganito??

"Aarrggghhh.." at ginulo gulo ko ang buhok ko.

"(Chuckle).. Baliw!" napahinto ako sa pag gulo ng buhok ko ng makita ko ang isang anghel na nakatayo sa harap ko.

"Tulala kana jan??.. Aww.." napabalik lang ako sa sarili ko ng marinig siyang dumaing at hinawakan ang balikat niya. At dumudugo ito..

Agad ko siyang nilapitan at pilit na tinitingnan ang sugat niya. Malalim ito at mukhang malala.


"Anung nangyari jan?? San mo nakuha yan??" nag aalalang tanong ko sa kanya.


"Napalaban lang.. Hehehe.. Wag mu nang alalahanin to. Mababaw lang naman." at pinunit niya ang laylayan ng shirt niya. Mabuti lang at naka hoodie siya.


"Ako na.. " inagaw ko sa kanya ang tela at tinali ito sa balikat niya. Nakamasid lang siya sa mukha ko. At parang.. Di ako makatingin sa kanya.



"I know im handsome.. Just stop staring.." napa pout naman siya sa sinabi ko. Oh no.. Don't do that.. Her lips is tempting.. Oh tukso layuan mu ako... Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Hey.. Are you okay?? Namumula ka!!" oh shit.. Namumula ako?? Oh no.. So gay..


"Okay lang ako.. Mainit lang.. Naiinitan kasi ako!!" kinakabahan na ako dito hah.. 1st time kong kabahan dre.. Sa laban nga di ako kinakabahan.. Pero sa babaeng to kinakabahan ako..


"Aahh.. Geh balik na ako sa dorm. Baka hinahanap na ako doon eh!" akmang tatalikod na siya ng hawakan ko ang kamay niya.. Ang lambottt...

"Bakit?"

"Ahh.. Hatid na kita.." ngumiti lang siya at tumango.. Shiitt.. Parang anghel talaga siya. Naglakad na kami pabalik at may makakasalubong pala kami..


"H-hi.. " bati nito sa amin at tila nahihiya. Napatingin naman siya sa kamay namin ni axiel.. Oh sshhiitt.. Holding hands pala kaming dalawa. Kaya nabitawan ko yung kamay ni axiel.. Haist.. Ang lambot pa naman kahit medyo malamig.


"Ohh.. Ayesha right?? Anung nangyari sa balikat mo?" rinig kong tanong ni axiel kaya napatingin din ako kay ayesha..


"Aahh.. Ito?? Nadaplisan ng isang bagay di ko alam san nanggaling eh." kita ko ang pagtulo ng dugo sa balikat nito at napunit din pala ang hoodie nito.

"Aahh.. Sige mauna na kami. Sa sunod mag.ingat ka!" guni guni ko lang ba o talagang may mali sa pagkasabi ni axiel ng mag.ingat ka??. Paranoid lang siguro ako. Tumango lang naman si ayesha at lumampas na sa amin. Hinawakan naman ni axiel ang kamay ko. Kaya holding hands na naman kami. Sige ako na ang kinikilig..


Napalingon naman si axiel at biglang nag smirk. Kaya napalingon din ako ng humarap na si axiel. Pero wala namang tao sa likod namin.. Oh well.. Ilusyon ko lang siguro yun..

******************

Vote..

Comment..

Share...

Tnx..

HELL'S ANGELS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon