First deal?!

115 2 1
                                    

~~~Coryn's PoV~~~

Tinulak ko siya ng malakas at napaatras siya.Ghad! Ang hirap ng ginawa ko,ah. Itulak si Finn Joshua De Vega?! Masisiraan ako ng bait. Si Finn yan,eh. Ang pinapantsya ng lahat ng mga babae at pusong babae.

"F-finn? Finn Joshua?!"

"Ako nga".

"A-AYOKO! AALIS NA AKO DITO!". Lumapit siya sa akin at muli ay kinulong ako sa pagitan niya.

"Talaga lang,ha? Sige tell me,saan ka pupunta? Wala kang tinutuluyan diba?" Uuuuhhh >.> may point siya dun. Pero ayoko pa din >_<

"Isa pa,alam mo ba kung sino yung babae na nakausap natin kanina? Elle Bueventura,isang kilala at sikat na journalist. Kaya niyang sabihin na ina ka ng batang ito.Masisira ang pangalan mo,kasabay ko. Kaya wala ka ng choice kung hindi ang pumayag,babae". Lumayo na siya sa akin at pumasok ng cr niya.

Haaaaayyyy, ano ba ang gagawin ko?! Totoo ang sinabi niya. Pag nakarating ito kila mama,baka isipin nila na ang anak nila ay lumandi lang sa Maynila.

~~~Finn's PoV~~~

Pumasok na ako sa loob ng banyo ko. Sana pumayag siya,ayoko pang bumagsak ang career ko. Marami pa akong pangarap.Gusto ko pang makilala sa buong mundo at makapunta sa Hollywood.

Napag-isipan ko na ito kanina pa. Itatago namin sa publiko ang bata at siya ang tatayong ina ng bata. Alam kong malalaman at malalaman ito ng media,kaya dapat maipeke ang kasal sa pagitan namin,para walang maging issue. Maari akong magpagawa sa attorney ko ng fake marriage contract at BOOM, solve ang kaso.

Lumabas ako ng kwarto ko at nagulat ako ng mapatingin ako sa pintuan. Wala na siya at nakalock na ang pinto.Haaaay,akala ko pa naman papayag siya. Tsk,ano ba ang gagawin ko?!

"UUUUWWAAAAHHHH~UWAAAAH~" Takte,umiiyak na naman yung bata na yun. Pumunta ako sa kwarto para tignan yung bata

"Heto na pooo~Nako baby,wag ka na umiyak,ha?Aalagaan kita,hindi kita papabayaan,baby". Nabato ako sa kinatatayuan ko ng nakita kong karga nung babae yung bata at nakatalikod sa akin.

0___0 D-diba umalis na siya?!

"Babae,akala ko ba umalis ka na?" Napatigil siya at unti-unting lumingon sa akin habang karga yung bata at may subong feeding bottle

"YAH! Ang gulo ng utak mo,lalake! Ano ba talaga gusto mo?! Aalis ako o hindi?!" Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Umuusok ang tenga sa inis. Nagkunwari na lang akong galit,ang sarap pikunin,eh. haha xD

"Bahala ka diyan!" At umalis na ako sa kwarto. Umupo ako sa sala at binuksan ang tv. Itinaas ko ang paa ko sa mesa habang kumakain ng popcorn

"Hahahaha! Muntanga si Mr.Bean! Hahaha!" Kahit hindi nagsasalita,eh nakakatawa pa din! Hahaha laughtrip.

"OY! UMALIS KA NGA DIYAN! ANG PANGIT NG VIEW!" Paano ba naman kasi humarang sa pinapanuod ko.

"Hinde! Mag-uusap tayo!" Sigaw niya sabay patay ng TV. Nakanang!Tsk. tumabi siya sa akin sa sofa habang naka-pamewang at nakatagilid paharap sa akin.

"Hoy! dahan-dahan! Mahal itong sofa ko,baka nga mas mahal pa ito sa cellphone mong bulok,eh". Tsk! 65,000 bili ko dito eh.

"Una sa lahat,wala akong cellphone. Pangalawa, mag-usap tayo ng masinsinan,okay?" Ano bang gusto niya? Nag-uusap naman kami,ah? Haaay,mga babae nga naman.

"Takte,nasasayang lang ang gintong oras--"

"Ayoko na madumi ang bahay katulad ngayon. Kung uuwi ka ng gabi sabi ka. Ibubudget natin lahat ng gagastusin. Atsaka,maggro-grocery tayo ng mga fresh na pagkain hindi yung puro instant ang mayroon.Naintindihan mo?!" HUWAAAT?!

"Ano kamo,babae?! Bakit ikaw? Ako ang lalaki dito kaya dapat ako ang masusunod-" Hinarang niya ang kamay niya sa harap ko

"Hep! Hep! Hep! Ikaw ang nagsabi na ako ang bahala sa lahat! Pwes,sundin mo ako kung hindi..."

"Kung hindi ano?! Ha?!" Aaaahhhh! Ano ba 'to!

"Kung hindi aalis ako dito! Mwahaha!" Umalis siya at tumungo sa kusina habang tumatawa ng nakakaloko.

AISH!!! UGH!

Adopting WHAT? A BABY?Where stories live. Discover now