Chapter Three

91 1 0
                                    

~~~Coryn's POV~~~

"Hoy Coryn! Tumayo ka diyan at pagbuksan mo ako ng pintuan!". Nagising ako dahil sa ingay ng kalabog sa pintuan ko.Tumayo ako at bumungad sa akin ang isang matandang babae na umuusok ang tenga sa galit.

"Aling Marta! Ang aga-aga naman ho ninyo akong sugurin dito sa kwarto ko?! Inaantok pa ho ako,aling Marta"

"Pwes,simula sa araw na ito hindi mo na ito kwarto! Mag-impake at lumayas ka na dito sa bahay ko!" Tatalikod na sana siya pero pinigilan ko siya at hinagkan ang braso niya.

"Po?! Pero aling Marta, Wala na po akong matutuluyan! Kayo na lang po ang makakatulong sa akin! Gagawin ko po ang lahat, wag ninyo lang akong paalisin dito sa bahay ninyo". Inalis niya ng mariin ang kamay ko na nakayakap sa braso niya

"Hindi kita kailangan dito Coryn! Kaya sa ayaw o sa gusto mo, aalis ka. Ngayon din!" Umalis na siya sa harapan ko.

Si aling Marta ang tanging kakilala ko dito sa Maynila. Lumuwas ako dito mula sa Davao upang maghanap-buhay,at si aling Marta lamang ang pwede kong tuluyan. Dati niyang trabahador ang mama ko. Nakipagsapalaran ako dito sa Maynila at tumigil sa pag-aaral ng kolehiyo dahil nagkasakit ang kapatid ko at kailangan namin ng pang gastos.

Maya-maya ay natapos na akong mag impake. Napadpad ako sa mall, nagbabakasakaling kailangan nila ng saleslady o kahera. Pero, bigo ako. Nung medyo napagod na ako ay umupo muna ako sa isang bench.

"Uwaaaahhh~ Uwaaaaah!" Napatingin ako sa katabi ko. Isang lalaking naka hood, naka shades at inaalog ang batang nasa stroller.

"Aish! Bakit ba ang ingay ingay mo? Ano ba'ng gusto mo? ha!? Sabihin moooo~!" Sigaw nung lalaki sa baby na umiiyak. Bigla siyang napatingin sa akin.

>.> AWKWARD~

Umiwas ako ng tingin. Hindi pa din tumitigil sa pag-iyak yung baby.

=___= Grabe naman, tatay ba talaga siya? Walang ka amor-amor sa bata.

"Aaaaahhhh! Tumigil ka na! Hoooy! Ano ba problema mo? Pag-usapan na lang natin yan kaysa iiyak mo!". =__=Hindi ba siya makaramdam na nagugutom na yung bata? Grabe! Kawawa yung baby, ang cute pa naman eh. Tsk.

"Uuuhhhm Sir, sa tingin ko po nagugutom na po yang anak ninyo". Hindi ko na napigilan at kinalabit ko na yung lalaki. Kawawa yung baby pag hindi pa tumigil yan.

"Aish! Oo nga pala!? Tsk, asaan na ba si Topher? Pinabili ko ng gatas yun,ah? Bakit hanggang ngayon wala pa?". Bulalas niya. Ako pa tinanong niya? =___= Sana talaga kilala ko yung Topher na yun diba?! Ibang klaseng nilalang 'to.

"Aayy Sir, kargahin po muna ninyo. Kasi po hindi po iyan titigil ng kakaiyak hangga't hindi ninyo inaaliw". Nakita ko na binuhat niya yung bata.

0___0 K-kinuha niya mula sa stroller, n-na parang manika lang. Inalog alog niya dahilan para mas lalo itong umiyak. Napapatingin na sa direksyon namin ang lahat ng tao. At lahat sila ang sama ng tingin SA AKIN. Oo, sa akin. Akala ba nila ako ang ina ng bata na yan at yung lalaki yung ama? =____=

"Haaaayyy! Akin na nga iyang baby! Tsk, may balak ka bang pilayan 'tong anak mo?!" Kinuha ko mula sa kanya yung bata. Hinele ko ito at maya maya lang ay nakatulog na.

=___= Ang malas ko naman. Balak ko lang maghanap ng trabaho, naging instant ina na ako.

~~~Topher's POV~~~

Promil?

Nido?

Alacta?

Ano ba dito? Alin dito? AISH! Ang dami nito! Hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko. Takte, iba-iba pa kulay. Paano ba ito? Namaaaaaaan oh! Ang hirap pala maging ina. Aish ano ba sinasabi ko? Hindi naman ako ina diba? Pero kahit na. Tsk, Loko kasing Finn yun. Ayaw niyang siya ang bumili, nakaka-bakla daw.

Nandito ako ngayon sa pinaka dulo ng mall, sa Infant station. Hindi ko na alam kung anong kukuhanin ko. May stages pa yung gatas. Takte, gatas pa rin naman lahat ito diba? Tsk, mababaliw na ako. Tapos, may bitbit pa akong diaper, feeding bottle at saka kung anu-ano pa.

"T-TOPHER?" Napalingon ako sa likuran ko.

"E-ELLE BABES?!" Napatingin siya sa mga hawak ko, at bumalik ang tingin sa akin.

>___< Uuuuh-oooowww

Tsk, parang alam ko na ang iniisip niya.

"Babe! Mali ang iniisip mo. Para ito kay". Aaaaahhhh! Hindi ko pwedeng sabihin

"Para kanino,Topher?" Nakapamewang siyang lumapit sa akin. Nakakatakot ang aura niya.

"AAAHHH! Hindi ko pwedeng sabihin sayo, Babes. Pero maniwala ka,hindi--" Hindi niya tinapos ang sasabihin ko at piningot ako.

"May anak ka ba? Ha?! Christopher Tuarez magsabi ka ng totoo!"

"ARAY-AAAHH! ARAY BABES WALA-AAAACCK! MAKINIG KA NGA MUNA!" Halaaa! Nasigawan ko si Elle babes. Tsk,ang tanga ko talaga.

Napabitaw siya sa tenga ko at napa-atras. Ito kasi ang unang pagkakataon na pinag taasan ko siya ng tinig. Nakita ko na may nangingilid na luha sa mga mata niya. Shit, ayoko na gawin 'to pero kailangan ko ng umalis.

"Babes, just trust me" Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. "I Love you,babes!" pahabol ko pa.

"Aaahh! Topher,hindi mo ako pwedeng takasan!" Ah sh.t, hinabol niya ako.

Tumakbo ako sa bench na pinag-iwanan ko kay Finn. Nagulat ako sa nadatnan ko

"TOPHER! BUMALIK KA DIT--" Pati si Elle ay napahinto at napanganga sa nadatnan.

May babae at buhat yung baby. Nakasandal siya sa chest ni Finn at naka yakap naman si Finn sa balikat nung babae. Magkasandal ang ulo nila at tulog silang tatlo.Bakit ganun? Para silang isang pamilya?

"OH MY GOD!" Gulat sa wika ni Elle sa nakikita.

Biglang napatayo si Finn dahilan para mapatayo din yung babae.

"Nasaan?! Nasaan yung sunog?" Nagpapanic na tanong ni Finn

"Sunog? Nasaan--WALA NAMAN EH! KAPAG NAGISING SI BABY SUSUNTUKIN KITA!" 0___0 sigaw nung babae kay Finn

"Kapag nagising si baby at umiyak, Oh de, patahanin mo! Ang laki ng problema mo babae!" May kung anong parang kidlat nung nagtama ang mga mata nila.

"Ehem *cough*" Napatingin naman silang dalawa sa amin at nanlaki pareho ang mata.

"Aaawww, babes. Sorry kung pinagbintangan kita na mayroong anak sa iba. Dapat sinabi mo na anak pala ni Finn at ni girl na ito ang binilhan mo ng gatas. I'm sorry". Sabi ni Elle sabay halik sa pisngi ko.

"A-ANAK? ANONG ANAK--"

"Ah oo Elle. Anak namin itong baby. Pasensya na kung nautusan ko yang boyfriend mo ah. Gusto namin humingi ng pasensya, diba honey?". Sabi ni Finn sabat akbay sa babae.

Tumingin ito ng wala sa sarili kay Finn at tumango.

"A-aahh oo, pasensya na". Wika ng babae.

HAAAY PROBLEMA 'TO

~~~

Hi guys, hope you enjoy this chapter. Thanks :)

By the way, Coryn/Sandara park on the right -->

PLEASE.VOTE.COMMENT.

~BeastSenyorita

Adopting WHAT? A BABY?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ