The deal is a big deal

40 0 0
                                    

~Finn's~

"Oh, ano naman ang poblema dun?" tanong ni toper habang kumakain ng clover. Ugh! hindi ata ito nakikinig sakin,eh!

"Pwede ba toper? Hindi mo ba ko naiintindihan? Ayoko nga kase nang ganun. Para syang Mama ko TT__TT"  Oo tama, ganun din sakin si Mama dati eh T^T

"Finn pwede ba tumigil ka nga. Aish! Para kang ewan dyan! Bakit ba pinoproblema mo yung babae na yun? Eh diba nga kailangan mo ng mag-aalaga at tatayong ina dyan sa batang yan?" 

"Oo nga. Eh, pero kase--" 

"Hep!" pinutol niya ang sinasabi ko -__-

"Una sa lahat, wala nang pero pero dahil HINDI KA NAMAN SANAY MAG-ALAGA NG BATA! ugh! kahit na maaring maging balakid sa career mo si baby, hindi ko hahayaan na maranasan nyang muli ang kalupitan ng mundo sa mga kamay mo, kaya kailangan mo yung babae"

-_____-" pshh, ang drama. 

"Pangalawa! Bago mo problemahin yung magandang binibini na yun, ang dapat mong isipin ay kung kanino at saan nagmula si baby"  Hmm! may point siya.

Bigla kong binatukan si toper sa ulo na dahilan upang malaglag sya sa ibabaw ng puno na kinauupuan namin. Dito kami nag-uusap sa ibabaw ng puno sa likod ng pad ko para makapagtago mula dun sa baliw na babae na yun, mwahahahaa.

"UGH! Sira ka talaga Finn! Bakit mo ko tinulak?!"  Tumalon na rin ako pababa mula sa ibabaw ng puno. 

"Hehe. Sorry, pare. napalakas." sabi ko habang nagkakamot ng ulo at nakangiti sa nangangalit na si topher dahil nahulog sa lupa yung Clover nya. 

"AAAAHHHHH! palitan mo yung Clover ko!" sabi na nga ba eh -____-

"A-anong nangyare?!" napalingon kami sa dalawang babae na biglang sumulpot sa harapan namin. 

O___o 

Si Ella at yung baliw na babae magkasama. At pareho silang naghuhulas ang itsura mula sa pagtakbo papunta sa amin. 

Teka, bakit andito si Ella?

~Coryn's~

"When the oceans rise and thunders roar, I will soar with you above the stooooooorm~♡"

Woooohhh! Ayoko talaga ang paghuhugas ng pinggan -__-  Kaya pag naghuhugas ako ng mga plato kumakanta ako para malibang. Pang-aliw ba. TUUUUHRAY pang aliw daw oh. Mwahaha

"Umm. Hi? Maganda pala boses mo coryn"  Nagulat ako sa nagsalita. Tumalikod ako mula sa sink upang matanaw kung sino ang nagsalita. Si ella pala.

Haaaaay ang ganda talaga niya. Palagi ko lang siyang nakikita dati sa mga articles ng magazine. Ang slim nang pagkahubog ng katawan niya, ang payat ng hugis ng mukha. Haaaay.

"Oo ang ganda" nasabi ko na lang habang wala sa sariling katinuan.

"Ah. Hmm. Pasensya na ulit dun da nangyari nung nakaraan sa mall. Haha".

"Ayos lang yun Ella. Upo ka muna, oh." Umupo siya sa sofa at nagpunas muna ako ng kamay upang mag gayak ng makakain niya.

"About dun sa baby, ikaw ba talaga ang ina niya?"

O______O *gulp*

"H-Ha? *^__^* ah. Hehe"

"Paano kayo nagkakilala ni Finn? Bakit ka niya itinago sa publiko?"

"Hmm. Siguro para sa self-image niya?" Tama ba ang mga pinagsasabi ko T.T Lord help

"Ahhh. May tanong lang ako. Masarap ba na maging asawa ng isang Finn na sikat? Kuntento ka na ba? Ha?"

Sabi niya habang ang cold ng tingin sa akin. Teka. Ano ba ang ibig niyang sabihin.

"Ha? Oo naman. Hmm. Ibang iba siya pag kaming dalawa na lang, ang lambing niya. Palagi niya akong kinakantahan. Oh that voice♡" Tae may masabi na lang TT.TT

"Mahal mo ba talaga siya? Kung mahal mo siya, Handa ka ba na magparaya?"

Hindi ako nakapagsalita dahil parang out of the world na ang tanong ng babaeng 'to.

"Hahahaha. Joke lang. Well, I'm happy for the both of you" bigla niyang idinagdag. Ano ba ang nagaganap -___-

Di ko gets. Hmp. Ngumiti na lang ako sa kaniya nang biglang may narinig na ingay mula sa labasn

"Ano yun? Teka nasaan ba sila topher at Finn?"

"Bibili lang daw ng pagka--" napatigil kami nang biglang sigaw na ang narinig namin. Tumakbo kami sa labas sa may likuran at nakita namin sila Topher at Finn na nakatayo habang namumula ang mukha ni Topher sa inis.

"A-anong nangyare?!" Patanong na pagsigaw ni Ella.

Halaaaaaa. Kay Finn siya nakatingin, eh mukang yung boyfriend niya ang nasaktan.

Hindi na lamang ako nagsalita habang pinagmamasdan si Ella. May kakaiba kase sa kaniya, eh.

"Hon, bakit ka bumaba? Sino nag-aalaga kay baby?" Napalingon ako kay Finn na nagtatanong sa akin.

"Tulog naman siya eh."  Sagot ko. Lumapit sa akin si Finn at hinila ang kamay ko.

"Pasok na tayo sa loob ha" naglakad na nga kami, ngunit lumingon pa akong muli sa likod upang silipin ang magkasintahan. Nakatingin sa amin si Ella habang kinakausap siya ni Topher.

"Finn." Tawag ko sa kaniya habang papasok na kami sa loob.

"Ano?! Tsk -____-"

Ayy hot headed -,-"

"Magtatanong lang!"

"Ano nga!?"

"Parang may iba kay Ella. Hindi koa maintindihan. Galit ba siya sa'yo?" Napahinto si Finn at humarap sa akin.

"Si Ella? Wag mo na pansinin yun. Kinausap ka ba niya?" Nakatingin siya ng deretso sa mga mata ko.

"Hmm. Oo. At ang cold niya na parang nasasaktan na nagagalit" sagot ko.

"Paano mo naman nasabi?" Muli ay nakatingina siya sa mga mata ko na halatang uhaw sa kasagutan.

"Babae ako, Finn. At naiintindihan ko ang nararamdaman niya ayon sa pagkilos niya".

"Ah. Wag mo na pansinin yun. Ganun lang talaga siya, Coryn. Siguro dahil din sa trabaho niya kaya ganun siya magsalita".

Pumasok na siya sa loob at sinundan ko na lang siya.

Sa tatlong araw nang pamamalagi ko dito sa bahay niya, ngayon ko lang siya nakitang seryoso at kalmado.

~~~~~

Em.gee.

It was so hard to be back. Hmp.

VOTE but COMMENT is ♡

Xoxo~BS

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adopting WHAT? A BABY?Where stories live. Discover now