"You have to understand, Jeric. Iba si Gab, iba si Lorr. Gusto ko na magkaroon ka ng responsibilidad. I don't have anything against you dating a fan... Or even being in a relationship with one pero I'm not in favor."

You are unbelievable Mommy. Nothing against tapos biglang not in favor?

"Wag mo ng paikot-ikutin Mommy. Anong meron si Lorr na hindi mo makita kay Gab? I can tell you exactly kung bakit mas kampante ako kay Gab even if I knew Lorr for a long time already.

Gab never demands, Mommy. She never forced me to be someone I'm not."

"Exactly the reason why I want you to end up with somebody else. I don't want you to be with someone na mag-aadjust at babaguhin ang sarili nya para magtagpo yung mundo nyo... Ayoko na yung babae pa ang magkukusang loob dahil ganun ka nya kamahal. Yun yung pagkakakilala ko kay Gab, anak.

Hindi man kami laging nagkikita, alam ko na totoo yung pinapakita nya. Hindi sya nandyan para lang may mai-post sa Twitter at Instagram na yan. Kaya hindi ko kayang makita na mawala yung nakilala kong Gab dahil lang ikaw ang lagi nyang inuuna."

Napailing nalang ako eh. Anong klaseng logic ba meron kay Mommy? Bakit ba kailangang gawing complicated ang mga bagay-bagay?

"So hahayaan mong yung anak mo naman ang mag-iba?" I asked.

"Kung yun ang makakabuti para sayo, why not give it a try?" Mom said.

"Matulog ka na. Maaga pa practice mo bukas." Pahabol ni Mommy, gave my shoulder a pat and went out of my room.

Naguguluhan ako. Nalalabuan ako. Nabubwisit ako.

Ano ba akala ni Mommy? Kasing ok ni Gab si Lorr? E wala namang pinag-iba si Lorr sa mga naging ex ko eh. At kung ok sya, bakit sya hiniwalayan ni Kyle? Bakit tinropa nalang sya ng Kamigawa? Bakit di sya inilaban ni Kyle?

As if may makakasagot. Ako naman rin kasi yung naging MIA sa barkada before eh. And just when I decided to catch up, eto pinipilit kaming ipair up ni Lorr.

-GAB-

Di ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Siguro, kahit ayoko kasing iaadmit, nasasaktan ako kasi nilagyan ko ng meaning ang mga bagay, umasa ako at nangarap. Ayan tuloy, ang hirap talaga buuin ng mga bagay na di sinasadyang natatabig, nahuhulog at nabibiyak.

Kinuha ko yung kotse ko sa condo at di na dumaan sa unit.

Drive lang ako ng drive hanggang namalayan kong nasa Las Piñas na pala ako. I decided to drop by Gelo's new business. Wala akong maisip na pwedeng abalahin dahil hindi pa weekend - may trabaho pa ang karamihan sa mga friends ko, yung iba naman may pasok sa school plus may exam pa.

"Hindi mo talaga ako matitiis noh?" Gelo jokingly said and I just smiled. Wala akong mahirit sa kanya dahil naguguluhan ako.

"O ayan, ikain mo nalang yan kesa nag-eemote ka." Tapos nilapag ng sister nya sa table yung mga pagkain.

"Sabi ko kasi sa'yo Kuya, ireto mo na si Ate Gab sa ibang Bulldogs o kaya pormahan mo na." Nakakaloka talaga 'to si Watts eh.

Ah, oo. Kakilala ko rin yung kapatid ni Gelo. Sobrang close kasi nila kaya madalas nakakasama sya kapag minsan kakain sa labas. Parang sila Jeric lang.

Napabuntong hininga na lang ako nung naalala ko ulit.

Bakit kasi masyado akong feeling at isinapuso ko naman ata masyado ang mga sinusulat kong fan fic na kung tutuusin, parang 20% lang naman yung totoo?

"Tama na yang kakahinga mo ng malalim, Pelaez. Humihinga rin kami wag mong ubusin ang hangin." Gelo said cutting my train of thoughts.

"Nagkita ulit kami kanina." I told him.

Message SentWhere stories live. Discover now