September Night [5]

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang matapos siyang magbanyo, agad siyang lumabas para kumain. Pandesal at Hotdog lang ang almusal. Pagkatapos niyang kumain, nagbihis na siya at naisipang pumunta ulit ng Bayan. Naisip nga ulit niya na yayain si Kath dahil alam niyang wala itong masiyadong ginagawa.

"Pia, Saan ang punta mo?" Tanong ni Kath sa kanya.

"Pupunta ako ng bayan.. Sama ka ba?"

Umiling ito bilang sagot. "Hindi na muna. Medyo masama ang pakiramdam ko eh.. Ikaw na lang muna ah?"

"O sige, wala ka bang ipapabili?"

“Wala naman..."

Tumango-tango siya. "O siya, baka hapunin na ako sa pag-uwi ah? Saka, humingi ka na din ng gamot kay Tita kung masama ang pakiramdam mo Okay?"

"Okay..."

 Nagtungo na siya sa bayan. Sumabay siya sa kanyang Tita na papalabas na rin ng bahay. Mabuti na lang at kasabay nitong lumabas ang isa sa mga kaibigan niyang nagdedeliver ng tubig. Hindi na niya kailangang maglakad ng malayo hanggang sa paradahan.

Nang makarating sila ng plaza ay naghiwalay na sila ng kanyang Tita. Pupunta pa kasi ito sa post office upang maghulog ng sulat.

Tumingin-tingin na lang siya ng mga damit. Alas dos pa lang ng hapon no’n kaya walang masiyadong namimili. Medyo mainit na rin ang panahon at nakakaantok pa.

Hinawi niya ang isang damitan at biglang siyang nagulat sa kanyang nakita.

"Ahhh!"

Napasigaw siya sa sobrang takot. Agad siyang tumingin sa paligid at nakatingin na rin ang ilang tao sa kanya dahil sa pagsigaw.

Binalik naman niya agad ang tingin sa damitan ng hinawi. Wala na ang mukha.

Kanina lamang ay biglang may mukha ng babae ang sumulpot.

‘yong mukhang ‘yon, pamilyar siya – namumula yung mata, lumuluha ng dugo at nanlilisik na nakatingin sa kanya na parang gusto siyang kunin.

Siya...

..Siya ang babae sa panaginip ko.

Tumingin ulit siya sa mga taong nakatingin sa kanya.  "Ay.. S-Sorry po. Nal.. Nalaglag lang kasi yung damit eh.." Pagsisinungaling niya. Nagsibalikan naman ang lahat sa kani-kanilang mga gawain.

 Matapos makita ni Pia ang mukha nung babae do’n sa damitan ay naisipan na niyang umuwi. Hindi kasi siya mapalagay. Sino nga ba yung babaeng palagi na lang nagpapakita sa kanya? Wala naman siyang natatandaan na kung sino ang namatay kamakailan lang.

Umuwi na siya ng bahay. Mag a-alas kuwatro na rin ng hapon ng makarating siya sa kanila. Naghintay pa kasi siya ng tricycle na pwedeng maghatid hanggang sa kalagitnaan lang ng dulo. Kaso sa kasamaang palad ay wala rin siyang nahanap kaya nilakad na lang niya ito.

 "Oy Pia! Nandiyan ka na pala,” bungad sa kanya ni Kath pagkapasok na pagkapasok niya ng pintuan. Nadatnan pa nga nia itong kabababa lang ng telepono.

"Oh. sino yung tumawag?" tanong niya.

"Sayang. Hinahanap ka nga eh! Kabababa ko lang. Di ko naman alam na nariyan ka na pala."

"Sino yung tumawag?" Tanong niya ulit.

"Sophia ang pangalan niya. Pamilyar nga eh.. Parang narinig ko na."

Sophia?

Medyo nagitla si Pia sa kanyang narinig lalo na’t nung sinabi ni Kath na siya ang hinahanap nito sa telepono.  

"Talaga Kath?! A-Anong sabi?" natataranta pa niyang tanong.

"Hindi ka naman halatang excited no? Yung ngiti mo hanggang tainga!" biro naman sa kanya ni Kath.

"Kath! Anong sabi niya?"

"Sabi niya, natutuwa daw siya na nakabalik ka na. Alam mo weird nga eh.. Basta sabihin ko na lang daw sa’yo ‘yon!"

Hindi na mapawi ang ngiti sa mga labi ni Pia. Sinabi talaga ni Sophia ‘yon? Sambit pa ng kanyang utak.

Kung tumawag si Sophia sa kanila at hinahanap siya, malamang hindi na ito galit, ‘yon ang nasa isip ni Pia.

***

Nakaupo na naman si Josh sa may Terrace. Hawak hawak niya na naman yung kuwintas nilang tatlo. Hindi talaga maaalis sa isip niya yung nangyari sa kanila noong nakalipas na ilang taon.

Napatingin siya sa Parola at bigla siyang nagsalita.

"Hindi tayo magsasama-sama Sophia.. Hindi sa paraan na gusto mo..."

Si Josh ang kababata nila Sophia at Pia. Nakilala nila si Josh nang minsang nawala ito sa Sitio at napadpad sa may Parola. Naging mabuting magkakaibigan ang tatlo at hindi nagtagal, naging matalik na magkakaibigan sila..

Silang  tatlo ang magkakasama simula pagkabata. Naging saksi silang tatlo sa unti-unting pagbabago at pag-unlad ng kanilang Bayan. Sabay sabay silang nagkaisip at namulat sa mundong ibabaw.

At nang lumaki sila... Nagkaroon ng alitan ang tatlo, at ito ang naging dahilan kung bakit hanggang nagyon .. Iniiwasan ni Pia si Josh.

Sa Parola, tatlong taon na ang nakakaraan...

"Akala ko ba walang iwanan? Bakit aalis ka ngayon?" Galit na galit na sinabi ni Sophia kay Josh. "ganyan ba ang kaibigan? Nag-iiwanan?! Nang-iiwan sa ere?!"

"Hindi ko naman kayo iiwan dahil sa nangyari eh!" Sagot naman ni Josh.

"Eh bakit ka aalis ngayon?! Siguro sa pag-alis mo, Isasama mo si Pia noh?! Tapos iiwan niyo ako dito mag-isa!!" Pasigaw na sinabi ni Sophia sa kanilang dalawa. Nagtatalo silang tatlo. Mabuti na lamang at walang nakakarinig sa kanilang usapan. Sobra kasi sila kung magsigawan.

"Teka Sophia, bakit mo naman iniisip ang ganyang bagay?" pagtatakang tanong ni Josh.

"Alam ko naman na gusto mo si Pia, eh! ‘di ba Josh?! ‘di ba?"

Natigilan si Josh. Tumingin sa kanya si Pia at nagkatinginan silang dalawa. Wala ni isa ang nakapagsalita. Paanong nangyaring may magkakagustuhan sa kanilang tatlong magkakaibigan?

"Ano ka ba Sophia..." ang tanging nasabi na lang ni Josh. Nananahimik lang naman si Pia sa tabi at hindi makasagot.

"Totoo naman eh! Gusto mo si Pia! Mas gusto mo siyang kasama kesa sa akin di ba!!"

"Hindi totoo yan Sophia!" Biglang sabat ni Pia. Medyo naluluha na ito at nakayukom na rin ang kanyang kamao, pinipigilan ang kanyang sarili.

Bumalling si Sophia sa kaibigan. Natawa pa nga ito na parang nang-aasar. "Alam mo Pia, ang suwerte mo  nga eh! Lahat ng tao gusto ka!! Hindi pa ba sapat ‘yon?? Okay lang naman yung ganun eh! pero hindi ko matanggap, na pati ang lalaking gusto ko eh Ikaw ang GUSTO!! Na pati SIYA ay AAGAWIN mo!"

Mangiyak-ngiyak na s Pia sa kanyang narinig. "Hindi totoo ‘yan Sophia.. Alam mong hindi totoo ‘yan!"

"Galit ako sayo Pia!! Galit ako sa'yo!! Kasi lahat INAAGAW mo!" Sigaw ni Sophia.Hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili. Nagwawala na siya sa may Parola.

"Hindi totoo yan!.. Hindi sabi!!..." Sabay baba ni Pia ng Parola habang umiiyak.

Naiwan naman si Josh at Sophia na nakatayo ...

Napapikit si Josh, pinipilit na alisin ang mga ala-alang patuloy na nagsisipasok sa kanyang ispian. “Tama na, Josh.” Sabi niya sa kanyang sarili.

Tumayo siya at saka lumabas ng kuwarto.

Nagtungo siya sa dalampasigan at doon, nakita  niya si Pia na tumatakbo, nakangiti at mukhang masayang-masaya.

September Night [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon