2

10 1 0
                                    

CHAPTER 2

“CONGRATULATIONS Friend!!!!” sigaw ni Lira! Ang sakit sa tenga ng boses niya. Siya pa talaga itong kinikilig? Baliw talaga!!!

“Huh? Tigilan mo nga ako diyan! Alam mo bang hiyang hiya na ako ngayon tapos ganyan ka maka-react!?” sagot ko sa kanya. Ganyan talaga yan, pagdating talaga sa lovelife ko, siya pa itong affected na affected! Teka, nasabi ko bang lovelife???? Hahah nakakatawa! Wala naman kasi akong lovelife. Yeah, in my mere dreams.

“Ikaw naman kasi… sabihin mo nga sa akin, ilang years mo na yang tinatago huh? Buti nga nasabi mo na eh. I’m so happy for you BFF!!!” sabay yakap niya saken.

Tama siya, ilang years na ba akong parang tangang nagtatago ng feelings ko? Almost 15 years. Since, grade 5 pa ata ako hanggang ngayong nagwowork na ako…

Okay alam ko na ng iniisip nyo?! BALIW AKO?! Fine. Sabihin niyo na gusto niyong sabihin, ewan ko ba naman kasi puppy love lang yon eh, DATI. Pero nung nag-high school na kami, dun ko napatunayan na hindi lang basta puppy love yun… DOG LOVE pala.. (NAKOOO. Patawa si Author, hindi naman nakakatawa.. hahaha!)

“Hoy Sam! Ano na? Hoy!!!” bigla akong nagising sa pagbabalik tanaw ko eh. Istorbo talaga to si Lira.

“Anong ano na???” natanong ko na lang.

“Ano ng plano mo? Liligawan mo na siya?” tanong ni Lira. Buang talaga to. Ako talaga iyong manliligaw?

“Ano siya!!! Babae ako noh.. bakit ako manliligaw? Isa pa, hindi ko pa alam ano reaksyon niya sa sinabi ko, alam naman nating kaka-break lang nila ng girlfriend niya!”

Tama kayo nang pagbabasa, may ex-girlfriend si Marco. Halos one week palang silang break tapos ganito ang arte ko? Bigla akong maglaladlad? (Beking beki ang dating!?)

Hindi ko alam kung anong reaksyon niya diba? Ang unfair ko naman siguro sa kanya na nagmomove-on ngayon tapos gagamitin ko yung chance na to para landiin siya?! Hindi naman ako ganun. Wala sa vocabulary ko yun e. birhen pa nga e birhen. So, it is not in my plans.

“Oh siya, alam naman na natin yang tungkol sa kanila ni Bea at talagang malandi yung babaeng yun!!!” gigil na sabi ni Lira.

Yeah. Bea ang name ng ex ni Marco, actually ex din namen ni Lira. Ex-BFF. Paano ba naman kasi, alam na alam niya na gustong gusto ko yung tao pero Go pari siyang nakipag-flirt kay Marco then ayun na nga naging sila. Pero anong ginawa niya, niloko niya lang ito.. GRR, DUH? Buti na lang ngayon na wala na sila, hindi din sila nagtagal. Bwahahah. *evil laugh*

“Teka nga… si Marco pinag-uusapan natin ditto at yung about sa confession ko, wag na wag na nga natin isali yung panget na Bea na yun. She’s out of our story na!!!!” naiinis talaga ako everytime I hear her name.

“Sorry naman friend. Eh ano na ngayon plano mo huh?” tanong saken ni Lira. Sa totoo lang wala pa talaga akong alam, sabe ko nga, wala sa plano ko to. Okay na ako na parati ko siya kasama, katrabaho, ganun, simpleng silay lang ayos na saken.

“No idea” ginaya ko na ang position ni Ninoy sa P500 bill. Nalulumo na ako.

“Nu ka ba! Mamalasin ka lalo niyan e. smile naman!”eto talaga si Lira, paano ako makakasmile sa mga pinagagawa ko. Aber?

*door bells*

“Sam, andiyan na ata yung lunch natin. Wait, ako na…” pumunta na siya ng pinto para buksan yung nagdeliver. Nagugutom na nga ako dahil hindi rin kasi ako nakapag-almusal.

Pizza.

Nakaka-umay pero sige go, gutom na ako kaya hindi ko na lang pinansin ang kaumayan ko sa pizza. Eto ba naman kasi ang lagi naming kinakain ni Lira kapag naghahang-out kami. Yay!

Luckily In LoveWhere stories live. Discover now