Tumingala ulit sya at sumalo ng mga dilaw na bulaklak na nalalaglag mula sa puno above us.

"Remember? Philippine cherry blossoms. This is it!"

Psh. That game pa din ang nasa isip nya.

She hold my hand and tried to pull me.

"Bilisan natin, baka maunahan pa tayo nina Eid, we have to win."

But instead of running with her, I pulled her back, wrap my arms around her waist and kissed her. I felt her arms wrapped around my neck and I guarantee you, nalimutan na nya ang tungkol sa game.

ZAC'S POV

Yawn! Kakagising ko lang. Napasarap yata ang tulog ko. Teka, nasan si Tin? The last time I remember, I was resting on her lap.

I found a note beside my hiking bag. It says, "Follow the flowers, it will lead you where I am."

There were yellow flowers on the ground, ang alam ko ito yung tinatawag nilang Philippine cherry blossoms.

Sinundan ko lang 'to the way Tin instructed hanggang sa palaki nang palaki ang nakikita kong liwanag at makalabas ako mula sa kweba. Napangiti ako nang makita ko ang malawak na dagat at biglang lumukso yata ang puso ko nang nilingon ako ni Tin. Patay na ba ako, nakakakita na ako ng anghel.

"Di ba sinabi kong wag ka masyadong maggagalaw." sermon ko habang palapit sa kanya.

"I can't help it, this place is so irresistable."

Tumabi ako sa kanya at napansin kong may hawak hawak syang mga bulaklak. Iniabot nya ang mga yun sa akin at tinakpan ang mga mata ko using her hands.

"Zac, can you do me a favor?"

"Pano ko naman gagawin ang pabor na hihingin mo kung tinatakpan mo ang mga mata ko?" natatawa ko pang sagot sa kanya.

"For the past 6 yrs, you've been living like this, You always put on a smile on your face so others won't worry about you. You want to show them that you're strong, but deep inside, there's this weak you."

Naririnig kong umiiyak si Tin, pinipilit kong alisin ang mga kamay nya sa mga mata ko. I succeeded pero hindi ko pa din sya nagawang harapin at sabihing okay lang ako dahil yumakap sya sakin mula sa likod ko. Wala akong nagawa kung hindi ipatong na lang ang mga kamay ko sa mga braso nyang nakayakap sakin.

"Zac can you please leave your dark past behind and move on with me? Sabay nating kalimutan ang lahat nang masasakit na pangyayari and start all over again. Together, we can do that naman di ba? Let's help each other. Please Zac, please."

Ewan ko, pero sa halip na maiyak, napangiti ako. Ang swerte ko talaga that I have her in my life, she knows how to make me feel better, feel good about life.

Sabay namin hinagis sa dagat ang mga bulaklak. Tanda daw ng pamamaalam sa nakaraan at panibagong simula. Pagkatapos ay nagyakap kami kasabay ng pagihip ng malamig na hangin.

Alam kong ikaw yan Appa Xavier, approve ka sa kanya noh? Hehe.

"Let's go?" yaya nya sakin.

Hinawakan ko ang kamay nya at sabay na kaming naglakad papunta sa rest house nila na malapit na pala sa kwebang kinahulugan namin.

REESH'S POV

"Babe, can you please sit down. Nahihilo na ako sayo." sabi ni Eid. Kanina pa kasi ako palakad lakad dito sa balcony ng rest house nna best. Kasi naman umaga na, hindi pa sila nakakauwi samantalang kami pati sina Stan ay kagabi pa nakarating dito.

"Don't worry Reesh, kapag may masamang nangyari kay Tin, kami mismo ang bubugbog kay bugoy." Stan.

Saktong paupo na ako sa tabi ni Eid nang may matanaw akong 2 familiar figures na naglalakad sa shore.

"They're here!" sigaw ko  at dali dali na akong sumalubong sa kanila.

"Guys, where have you been? We're so worried about you. And your leg, what happened with your leg?"

May nakatali kasing kahoy sa binti ni best, ang alam ko first aid yun sa sprain. Sprain? Pano si best nagkasprain? Hindi ko na napigilan ang sarili kong batukan si Zac.

"Aray!" reklamo nya. "Ano bang problema mo?"

"Anong ginawa mo kay best?"

"Hoy Eid, ilayo mo 'tong everything mo, baka kung ano magawa ko dito. Nakakarami na 'to." Zac.

"Subukan mo lang hawakan si Reesh, uupakan talaga kita." Eid.

"Guys stop it! I'm okay, minor accident lang 'to. Wag nga kayong OA."

Nagkatinginan na lang kami ng hawakan ni Tin ang kamay ni Zac at sabay silang pumasok sa rest house. Sila na ba?

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now