Huwag kang papayag... Tahimik na dasal ni Althea.

"Okay if you insist," nakangiting sagot ni Kathleen.

"Good. Let's go pasok na tayo," nauna pang lumakad papasok si Jade at nilagpasan si Althea na naging invisible yata dahil hindi siya pinansin.

Sumunod naman si Kathleen. "Hey relax," tinapik nito si Althea bago tuluyang pumasok.

"So Chong mukha yatang maka-kakain ka ng maayos mamaya niyan ah, dalawang hot chicks ang kasama mo e," pang aalaska ni Batchi kay Althea.

"Tumahimik ka nga. Alam mo kasalanan mo to e. Kung di mo ako niyayang lumabas kahapon di to mangyayari," galit na sabi ni Althea.

"Teka lang naman Chong, ikaw kaya tong bigla nalang nawala kagabi. Saka magpakalunod ka ba naman sa alak," paliwanag ni Batchi.

"Teka lang, anong oras ba dumating si Jade?"

"Kaninang tanghali pa----" naputol si Batchi sa pagsasalita ng sumigaw si Jade mula sa loob.

"Althea!!"

Napalingon si Batchi at Althea sa bahay.

Tumawa si Batchi. "O paano Chong hinahanap ka na ni Lablab mo, pasukin muna at baka binabalatan na ng buhay si Kathleen,"

"Shh, tumahimik ka nga," saway ni Althea.

"Good luck Chong," tinapik ni Batchi balikat ni Althea saka nagpaalam na at umalis.


~~~~~

Tahimik na nagpasalamat si Althea dahil kahit na may tensyon sa pagitan nilang tatlo lalo na kay Jade at Kathleen ay naging maayos naman ang dinner na iyon. Actually kanina pa gustong paalisin ni Althea si Kathleen. Kanina pa niya gustong masolo si Jade. Namiss kaya niya ito ng sobra. Kaya ganon nalang ang saya niya ng magpaalam na ito. Inihatid pa ni Althea si Kathleen sa gate at hinintay muna na makaalis ito bago siya pumasok sa bahay. Wala si Jade sa sala kaya pumanhik na siya papunta sa kwarto nila. Saktong pagbukas niya ng pinto ng matamaan siya ng unan sa mukha. Binabato siya ng unan ni Jade.

"Lablab teka lang... ano ba!" Sigaw ni Althea sa pagitan ng pag iwas sa mga unan. "Lablab huwag iyan. Put it down. Masakit iyan," tarantang sigaw ni Althea ng makita niya na Ang picture frame na nasa side table ng kama ang sunod na dinampot nito. Tinitigan niya si Jade. "Huwag iyan lablab picture natin iyang dalawa oh,"

Inis na binalik ni Jade ang picture frame sa table saka hinarap si Althea. "Isang buwan lang akong nawala lumandi kana sa iba?"

"Anong lumandi? Lablab naman diba nga kinwento na ni Kathleen lahat sayo kanina na nalasing ako and she's there to help me, yun lang." Paliwanag ni Althea. At humakbang ito palapit kay Jade.

"Dyan ka lang," turo ni Jade kay Althea kung saan ito nakatayo.

Napahinto si Althea. "Lablab... huwag ka ng magalit.."

"Bakit ka nag punta sa Bar at bakit ka nag pakalasing?" --- Jade.

"Inaya ako ni Batchi kahapon. Dumating siya dito habang naghihintay ako na mag online ka. Pero lumipas ang isang oras wala ka parin. Kaya iyon she forced me to go with her," paliwanag ni Althea. Humakbang nanaman siya palapit.

"Sinabi ng dyan kalang e." Pigil ni Jade kay Althea.

"Jade naman, huwag mo na akong pahirapan please. Isang buwan kitang di nakasama tapos ngayong nandito kana ganito pa ba mangyayari?............ lablab miss na miss na kita. Kaya yun siguro dahilan kaya ako nag lasing kahapon. Kasi di ka sumunod sa schedule natin ng pag bi video call." Paglalambing ni Althea.

"Kahit na.. di ka dapat naglasing nag ganun lang," --- Jade.

"E bakit kasi di ka nakapag online kahapon? Iyon ang kauna unahan na sumira ka sa usapan natin,"

"Si Ahma kasi nagpasama sa pamamasyal. Di ko naman namalayan na empty batt na pala cellphone ko. Then nung nakabalik na kami tinawagan kita..... yun.. yung Kathleen na yun na ang sumagot sa cellphone mo," inis na sabi nito.

Tuluyan ng lumapit si Althea kay Jade. "Kaya ba umuwi ka agad dito sa Pilipinas?"

Tinitigan ni Jade si Althea. "May choice ba ako? E marinig ko lang kahapon yung harutan niyong dalawa sa cellphone, parang gusto ko ng liparin ang pilipinas,"

Hinawi ni Althea ang ilang hibla ng buhok ni Jade. Saka ngumiti. "So nagseselos ka pala."

"Ako?" Tinuro ni Jade ang sarili niya. "Nag seselos? Sa babaeng iyon? E di hamak naman na mas maganda ako dun e,"

"At mas sexy pa," dugtong ni Althea.

"Naman!"---Jade

"Kaya wag ka ng magselos okay?" Bulong ni Althea sa tenga ni Jade.

"Hindi nga ako nag seselos," sabi ni Jade.

"Ah okay. Umuwi ka lang naman agad agad dito sa Pilipinas ng marinig mo na iba ang sumagot sa cellphone ko. For sure nahirapan ka ding magpaalam sa Dada mo pero ginawa mo lahat para makauwi lang agad. Yeah..... di ka nga nag seselos." Sabi ni Althea saka ito lumakad papunta sa kama. At umupo sa gilid.

"Can you blame me?" Seryusong sabi ni Jade saka ito lumapit kay Althea. "Alam mo bang pinag sisihan ko kung bakit pa ako sumama sa kanila? I feel like I've wasted time dahil hindi ikaw ang kasama ko," yumuko ito at hinawakan ang magkabilang pisnge ni Althea.

Ngumiti si Althea at tiningala ito. At iniyakap ang mga kamay sa baywang ni Jade. "Sabi ko naman kasi sayong huwag ka ng umalis diba?"

"Hindi na talaga. Baka may iba nanamang umaligid sayo mahirap na," nakangiting sabi ni Jade. Saka nito dahan dahang inilapit ang mukha kay Althea. She kiss Althea's forehead.... ang magkabilang pisnge nito...... ang tungki ng ilong ni Althea.... and now, kaunting kaunti nalang at mag lalapat na ang mga labi nila...

Napapikit silang dalawa ng maglapat ng tuluyan ang mga labi nilang kanina ay nag sisigawan... sa pamamagitan ng halik nila pinatunayan kung gano nila na miss ang isat isa.

Althea and JadeWhere stories live. Discover now