"Hello mom?" inaantok na bati niya sa ina na nasa kabilang linya.

"Good job Ashton." Nagising siya sa sigla ng boses ng mommy niya.

"For what mom?"

"For bringing the perfect model here, this woman is beautiful, innocent and sexy she suits perfectly with my line. Where did you find Georgette?"

"Sino?"

"Georgette." Tumawa ito sa kabilang linya. "Inaayusan na siya ngayon and after twenty five minutes ay magsoshoot na kami."

"No mommy, huwag mo siyang gamiting model dahil hindi siya pangmodel." Mabilis niyang hinila ang isang shirt na nakita niya sa kung saan at iyon ay agad niyang sinuot at kinuha ang susi ng kotse niya. "Wait for me mommy kukunin ko siya diyan."

Halos liparin na niya ang distansya ng bahay niya at ang office building ng kanyang ina, halos lumampas na siya ng kalahating minuto bago makarating sa harap ng building. Tumakbo na rin siya papasok at inagaw ang elevator sa mga nag-aabang na makasakay at agad iyong sinara. Kapag nagpasakay pa siiya baka mas lalong matagalan at halos gibain na niya ang pintuan ng set.

"What the!" he cursed profusely when he saw Georgette sitting above the couch. Biglang nag-init ang ulo niya ng makitang halos hubo't hubad na ito na yakap-yakap ang sarili nito. Ilang ulit siyang napamura sa isip niya dahil hindi man lang ba nakita ng mga tao dito na takot na takot si Georgette, how dare them? Nagtama ang kanilang mga mata pero agad din itong nag-iwas. Lumapit siya sa kanyang ina na mukhang hindi naman nagulat ng makita siya doon.

"What the hell mom, I told you to wait." Hindi nagsalita ang mommy niya bagkos ay ngumisi lang ito, sa gilid ng kayang mga mata ay napansin niya ang tripod ng camera na sine-set up and before they could take pictures of her ay tinabig niya iyon. "Don't you dare take her some pictures." Kinuha niya ang isang roba sa isang tabi at agad na pinuntahan si Georgette at binalot dito ang bathrobe.

"Mr. Villaraga-." Garalgal na ang boses nito.

"Ssshhh... isuot mo ito, ilalayo kita dito."

Naramdaman niya ang pagpigil nito sa kanya. "I am doing this for you para hindi na kita maabala pa Ashton para hindi ka gumastos pa sa pagpapadala mo ng mga flowers at kung anu-ano. I don't want to jeopardize your relationship with your girlfriend." Mabilis niyang pinunassan ang mga luhang sunod-sunod na nagsituluan sa mga mata nito. He is hurting her, ginagawa nito ito dahil akala nito ay ito ang gusto niya. Noong una ito talaga ang pakay niya pero kalaunan ay narealized niyang mali na pilitin ito sa gusto nito. At ayaw din niyang makita ng ibang tao ang katawan nito.

"Wala akong ibang gustong gawing girlfriend kundi ikaw Georgette and I am not courting you for this, I am courting you because I damn like you." Pagak siyang tumawa. "The hell mahal na mahal na nga kita." Napaamin tuloy siya ng wala sa oras, ayaw sana niyang umamin ngayon dahil gusto niyang sa mas espesyal na lugar niya aaminin ang nararamdaman niya pero kusa nalang iyong lumabas sa kanyang mga labi.

Pagkatapos nitong isuot ang robe ay mabilis niya itong binuhat at lalabas na sana sa set ng sumigaw ang mommy niya. "Ashton ibalik mo ang model namin."

Kalmadong hinarap niya ang mommy niya, alam niya maiintindihan siya nito. "No mom! Akin lang ang babaeng ito she will never be someone's model dahil akin lang si Georgette and sorry hindi ako nagshe-share. Maghahanap ako ng iba pero hindi pwedeng si Georgette magiging anak niyo pa ito. Now, kukunin ko siya mula sa inyo because she doesn't deserves to be here mas bagay siya sa bahay ko bilang asawa ko."

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now