Ipinaliwanag nga ng PD ang susunod na Game:

Ang next game natin ay Find The Meat. Sa mga tent nga ay may nakatagong limang meat packs na iihawin at kakainin. Sino mang makakapagdala ng mas maraming packs ng meat ay siyang magwawagi nito at siya lamang makakain nito. Ang matatalong team naman ay magluluto ng kanilang sariling ulam. Ang magiging leader nga ng mga team ay sila Suk-jin at Jae-suk.

Pumili nga si Jae-suk at pinili niya ang Clown-Concubine Couple. Pinili naman ni Suk-jin si HaHa at Suzy. Sa pangalawang pagpili nga ay si Hyo-joo ang pinapili ni Jae-suk. Ang pagpipilian nga ay sa pagitan ng Dangyunhaji Couple at Monday Couple. Mabilis nga ang naging pagpili ni Hyo-joo. Ang Monday Couple nga ang pinili niya. Natuwa nga si Suk-jin dahil mapupunta sa kaniyang team si Jong-kook. Tinanong nga ni Jae-suk kung bakit ang Monday Couple ang pinili niya at hindi sila Jong-kook.

Alam ko na mas malaki ang tsansa nating manalo, kung kasama natin si Jong-kook. Pinili ko ang Monday Couple, for one reason only. Ayaw ko kay Eun-hye -sabi ni Hyo-joo

Nagpalakpakan nga ang mga members.

Haha, Hindi niya pa rin talaga napapatawad si Eun-hye. -sabi ni Jae-suk

At nag-umpisa nga ang kanilang paghahanap. Si Hyo-joo nga ang unang nakakakita. Ngunit kailangan niya pa itong ihatid sa kinalalagyan ng PD. Bigla ngang lumitaw sa kaniyang harap si Eun-hye. Nagpasya ngang dumiretso si Hyo-joo. Tumabi nga si Eun-hye. Ipinaliwanag niya nga sa VJ kung bakit siya tumabi.

Tumabi ako dahil itutulak niya ako ulit. Hindi niya pa ako napapatawad dahil ibinunyag ko yung relasyon nila ni Seung-gi. -sabi ni Eun-hye

Sa team Jae-suk nga napunta ang unang puntos. Sumunod ngang nakakita ka ay si Jong-kook. Ngunit natunugan ito nila Jae-suk, Gary, Kwang-soo at Ji-hyo. Pinigilan nga nila si Jong-kook. Hindi nga tinulungan si Jong-kook ng mga kasama niya na naghahanap din ng meat. Sumama na nga sa pag-agaw si Hyo-joo. Nakita nga nila Suzy at Haha ang nangyayari kay Jong-kook.

Woah, pinagtutulungan ng team Jae-suk si Jong-kook -sabi ni HaHa

Bayaan mo sila. -sabi ni Suzy

Nakita nga sila ni Eun-hye at balak tulungan si Jong-kook, ngunit nang mga oras na iyon ay naagaw na ni Hyo-joo ang meat kay Jong-kook, at kumalas na ang buong team Jae-suk kay Jong-kook. Napunta nga ulit sa team Jae-suk ang pangalawang puntos. Ngunit pagkatapos lang noon ay nakita naman nila HaHa at Suk-jin ang dalawa pang nakatagong karne. Tumabla nga sila bigla sa Team Jae-suk. Matiyaga nga silang naghanap para sa ikalimang karne, na magde-determine kung sino ang team na makakakain ng lahat ng karne.

At nakita nga ni Hyo-joo ang karne. Ngunit nang pabalik na siya sa kinalalagyan ay nakita siya ni Eun-hye. Akala nga nito ay haharangin siya nito. Ngunit gaya ng dati ay pinalusot niya si Hyo-joo. Pero bigla niyang tinawag si HaHa. Inulit nga ni HaHa ang kaniyang ginawa noong episode 123. Inagaw nga ni Suzy ang karne at dinala si PD. Team Suk-jin nga ang nanalo at mapupunta sa kanila ang lahat ng karne. Hindi nga nahagip ng camera, pero nakita ng lahat na si Hyo-joo ay sumipa sa tent. Mainit nga ang ulo niya. At nagluto nga sila. Hindi nga nila masyadong pinagawa si Hyo-joo dahil sa init ng ulo nito. Dahil doon ay napapa-tingin na lang siya sa kabila habang iniihaw ang masarap na karne.

At nagsimula nga silang kumain. Magkatabi nga sila Eun-hye at Hyo-joo. Dahil nga nakikita ni Eun-hye na naiingit si Hyo-joo dahil sa karne. Ay sinubuan niya ito ng karne nagpasalamat nga si Hyo-joo. Ngunit nang malapit na ito ay biglang binawi at sinubo sa kaniyang sarili. Dahil doon ay napuno na si Hyo-joo at nag-walk-out sa kainan.

Natahimik ang lahat. Nararamdaman nila na tumitindi na ang tension sa pagitan nila Eun-hye at Hyo-joo. Sinabihan nga ng PD sila na kailangang maayos nila ang gusot na iyon. Bigla ngang na-guilty si Eun-hye. Lumapit nga si Eun-hye upang abutan sana ng tea si Hyo-joo, ngunit habang papalapit siya ay natapon ang tea kay Hyo-joo. Nagalit nga si Hyo-joo.

STORY NO. 32 (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!