Akala nga ng mga members ay pack-up na dahil tapos na ang filming ng episode 300 at 301. Ngunit ipinatipon silang lahat ng PD para sa isang huling game.

Ang huling game ay hahanapin niyo ang salitang SAVED na nakatago dito sa Jungnang Camping Grounds. Pagkatapos noon kayong lahat ay makakauwi na sa inyo-inyong bahay. Pero ang game na ito ay against the clock. Every 15 minutes ay may mae-eliminate na isang member. Magsisimula nga sa number 9. –sabi ng PD

Naku ako yung number 9. –sabi ni Suk-jin

Kailangan bilisan mo ang paghahanap –sabi ni Jae-suk

Pero hindi lang basta mae-eliminate. Para bigay kayong halimbawa kung papaano kayo mae-eliminate. Heto ang mangyayari -sabi ng PD

Lumabas nga ang tatlong staff. Bigla nga silang nagbagong anyo, at naging mga halimaw. Halimaw na kamukha ng Alien sa pelikulang Aliens. May pakpak nga rin sila gaya ng sa tutubi. At ang buntot ay may mga talim. May mga mata sila na gaya ng sa gagamba. Ang mga staff nga ay dinaluhong ang mga VJ at kanilang kinuha. Sinaksak nga sila ng buntot ng mga ito na kaagad nilang ikinamatay.

At lumabas nga ang mas malaking kaunti na alien. Ito nga ang kanilang Queen Alien. Iba ang itsura niya sa mga naunang lumitaw. Wala siyang talim sa buntot at walang pakpak. Ang buntot niya ay ang parang buntot ni Cell sa Dragon Ball. Hinihigop niya nga ang ulo ng buo, at pinupugot sa katawan ay kinakain ng mga alien.

Nangilabot nga ang mga members lalong-lalo na si Suzy. Upang mapagaan ang loob ni Suzy sinabi nga ni Suk-jin.

Huwag kang mag-alala Suzy, ako ang number 9 diba. –sabi ni Suk-jin

Kung hindi niyo nga makikita ang salitang SAVED, isa-isa kayong magiging pagkain ng aliens. –sabi ng PD

Tinapos nga ng PD ang kaniyang talumpati ang isang masamang halakhak. Nag-umpisa nga kaagad maghanap si Suk-jin sinundan naman siya ni Jae-suk. Si Jong-kook nga ay nag-aalala dahil nawawala si Eun-hye. Sila Hyo-joo at Kwang-soo ay inaalalayan ang takot na takot na si Eun-hye. Samantalang sila Ji-hyo at Gary ay may plinaplano.

Gary tumakas na tayo. –sabi ni Ji-hyo.

Bakit? –sabi ni Gary

Sa tingin mo ba mabubuhay tayo kung mananatili tayo rito. –sabi ni Ji-hyo

Sa tingin mo rin ba makakatakas tayo sa kanila. Hindi. –sabi ni Gary

Natahimik nga si Ji-hyo napatingin nga sila kay HaHa na tumatawag sa kaniyang asawang si Byul.

Go-eun, Honey. –sabi ni HaHa

O Honey, bakit ka napatawag? –sabi ni Byul

Baka hindi muna makauwi ngayong gabi. –sabi ni HaHa

Ganoon ba, Sige ingat ka diyan. –sabi ni Byul

I love you –sabi ni HaHa

I love you too. –sabi ni Byul

Pinutol nga ni HaHa ang tawag. Matapos noon ay umiyak siyang mag-isa. Napaluha nga si Ji-hyo sa kaniyang nasaksihan. Magkasama ngang naghahanap sila Suk-jin at Jae-suk. Si Kim Jong-kook nga ay hinanap na rin si Eun-hye na hindi pa rin nakikita. Matapos namang umiyak si HaHa ay nag-umpisa na ring maghanap. Pero si Suzy ay patuloy pa ring natatakot, Nanatili sa kaniyang tabi si Kwang-soo at si Hyo-joo. Napapansin nga ni Kwang-soo na medyo nanginginig ang kamay ni Hyo-joo.

Nag-usap nga si Suk-jin at si Jae-suk.

Ang cool mo doon ha. –sabi ni Jae-suk

Totoo naman yun eh. Ako ang number 9, mas mauuna ako kaysa sa kaniya. –sabi ni Suk-jin

Hindi ka natatakot? –sabi ni Jae-suk

Siyempre natatakot ako. Pinalalakas ko lang ang loob ni Suzy, at saka ninyo. Dahil pag ako nakita niyong natakot. Baka hindi na kayo lumaban. Si Jong-kook lang kitang-kita na takot siya. –sabi ni Suk-jin

Oo takot siya, pero hindi gaya ng inaakala mo. Yun ay dahil nawawala si Eun-hye, mula nung lumitaw yung mga alien. –sabi ni Jae-suk

Kung pelikula lang to. Iisipin ko si Eun-hye yung halimaw. Nung nawala siya biglang lumitaw yung halimaw. –sabi ni Suk-jin

Masyado ka namang nag-iisip. Hindi naman siguro. –sabi ni Jae-suk

Nagpasya nga sila Jae-suk at Suk-jin na maghiwalay. Nang huling dalawang minuto na lang ay inanunsyo ito sa lahat. Nasa harapan na nga ni Suk-jin ang salitang SAVED nang biglang...

Ji Suk-jin Out, Ji Suk-jin Out. –sabi ng announcer

Nagulat nga sila dahil hindi pa lipas ang 15 minutes. May isang minuto pang natitira si Suk-jin. Sa di kalayuan nga ay nakita ni Jae-suk. Na pinag-aagawan ng mga alien na lumilipad ang hita ni Suk-jin. Nangilabot nga si Jae-suk at tumakbo palayo doon. Habang tumatakbo siya palayo ay nabangga niya si Jong-kook.

Jae-suk, anong nangyari. Si Suk-jin bakit siya out? –sabi ni Jong-kook.

Si Suk-jin. Pinatay nila si Suk-jin. –sabi ni Jae-suk

Nakikinig nga si HaHa sa kanila sa di kalayuan. At tumakbo pabalik kay Hyo-joo at Kwang-soo. Kung saan kasama nila si Suzy. Tinanong nga nila kung ano ang nangyari. Hindi nga makapagsalita si HaHa dahil kay Suzy. Ngunit hindi man nagsasalita ang kaniyang bibig. Ang kaniyang expression ay nababasa ni Suzy. Lalo ngang napaiyak si Suzy. Dahil alam niya na siya na ang kasunod.


STORY NO. 32 (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!