Nang makita nga ni Ji-hyo na wala nang panganib sa paligid niya ay lumabas siya upang hanapin ang mga members. Sinabi nga ni Ji-hyo sa sarili:

Patay na si Suk-jin, Suzy, Hyo-joo. Kailangan nilang malaman kung paano matatalo ang mga alien. –sabi ni Ji-hyo.

Na-realize nga ni Ji-hyo na siya na ang kasunod, pagkatapos ni Hyo-joo. Dahil si Gary ay nakatakas na. Nangibabaw nga ang takot sa kaniyang puso. Palihim nga ang kaniyang paglapit sa mga members, dahil sa takot na matuklasan siya ng mga aliens.

Ang akala naman ng mga alien ay tumakas na rin si Ji-hyo. Ang sunod nga na target nila ay si HaHa. Alam nga rin ito ni HaHa. Natatakot na siya. Ngunit nilalakasan niya ang loob niya. Gusto niyang mabuhay para sa kaniyang pamilya. Si Go-eun(Byul) at si Dream. Ngunit tila walang pag-asa na makita nila ang salitang SAVED. At kahit makita din naman nila, gaya ni Suk-jin ay hindi rin sila maliligtas kundi mapapabilis pa ang kanilang kamatayan.

Sinubukan nga ni HaHa na tumawag sa kaniyang pamilya sa huling pagkakataon. Ngunit sa malas niya ay low-bat ang CP niya. Nakita nga siya ni Kwang-soo, at ipinahiram sa kaniya ang kaniyang cellphone.

­Salamat Kwang-soo ha –sabi ni HaHa

Walang problema. Sige na tawagan muna sila –sabi ni Kwang-soo

At tumawag nga si HaHa kay Byul. Swerte naman niya at sinagot siya nito.

Oh Honey, gabi na ha, hindi pa ba kayo tapos diyan? -sabi ni Byul

Kamusta na si Dream? –sabi ni HaHa

Tulog na –sabi ni Byul

Ingatan mo siya, mag-ingat kayong dalawa. –sabi ni HaHa

Natunugan nga ni Byul na umiiyak ang asawa.

Bakit ka umiiyak?

Mahal na mahal ko kayong dalawa. –sabi ni HaHa

Honey –sabi ni Byul

Pinutol nga ni HaHa ang tawag at ibinalik kay Kwang-soo ang telepono. Nag-alala nga si Byul sa asawa niya. Lumalapit na nga ang oras ni HaHa. At ng dumating nga ito ay lumabas ang mga alien. Pinaligiran nga ng members si HaHa upang protektahan siya sa mga aliens. Sa pagtatanggol nga kay HaHa ay nasugatan si Jong-kook. Pero kapalit noon ay nakapatay siya ng isang alien. Nang makita nga ni HaHa na akmang sasaksakin si Jong-kook ng alien ng buntot ay sinanggalangan niya si Jong-kook at siya ang nasaksak. Natulala nga si Jong-kook, at sinabi ni HaHa.

Tumakas na kayo. –sabi ni HaHa

Hinila nga nila Jae-suk si Jong-kook palayo kay HaHa. Hindi nga kaagad namatay si HaHa. Pabiro niya ngang sinabi sa mga alien.

Will I be your last meal? –sabi ni HaHa

Pumanaw nga siya pagkatapos noon. Dumating nga ang queen alien at hinigop ang ulo ni HaHa.

Maya-maya pa ng malayo-layo na sila ay may tumawag sa cellphone ni Kwang-soo. Nang sagutin niya nga ito ay nalaman niyang ito ay si Byul. Ang agad na tanong ni Byul.

Kwang-soo asan si HaHa? Gusto ko siyang makausap. –sabi ni Byul

Hindi nga alam ni Kwang-soo ang sasabihin. Hindi siya makapagsalita. Ibinalibag niya nga ang cellphone niya sa inis, at iba-iba pang emosyong naghahalo sa kaniya. Sumigaw nga siya pagkatapos noon. Napatingin nga sila Jong-kook at Jae-suk.

Hindi pa rin nga nakikita si Eun-hye ng mga pagkakataong iyon. At si Ji-hyo naman ay hindi makalapit agad. Si Gary naman ay patuloy na binabagtas ang daan papunta sa pinakamalapit na miltary detachment. At nakarating nga siya.


STORY NO. 32 (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!