Chapter 11: I Like Feelings

Start from the beginning
                                    

Napalunok ako at napaiwas sa titig niyang malalim.

"Ah... magpapahangin sa labas," sagot ko.

Akmang tatalikod na muli ako nang bigla akong tinawag ni Soren, "Saki!"

Muli na naman akong lumingon, saktong nasa harapan ko na mismo si Soren.

Salubong ang mga kilay niya. Mahinay niya akong hinawakan sa pulso tapos ay iniangat niya ang kamay ko, bago niya ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Anong ginagawa mo?" takhang tanong ko.

"Sinong gumalaw sa 'yo?" mahinang tanong niya.

Ha?

Gulat akong napatingin sa mga mata niyang asul din ang kulay.

"Ano?" kunwari ay wala akong alam sa tinatanong niya.

Pasimple kong tiningnan si Grie na nakatitig pa rin sa akin. Tagos sa kaluluwa ko ang titig niya. May nakasalpak na sigarilyo si bibig niya at mukhang napapansin niyang may tinatanong sa akin si Soren.

"Ang sabi ko, sinong gumalaw sa 'yo? Hindi ka makalakad ng maayos, parang kinuha ka ng sapilitan." It wasn't a question. At ang ekspresyon niya, hindi ko mabasa.

Mukhang alam ni Soren... fuck.

Kinabahan ako ng makita ko ang galit sa maganda niyang mukha.

Tinalikuran niya ako at saka siya mabilis na lumakad patungo kay Grie na kasalukuyang bumubuga ng usok.

"Kailan ka pa naging rapist?!" sigaw ni Soren saka sinapak ng malakas sa mukha si Grie.

Natigilan ang lahat. Tumigil sa kaniya-kaniyang ginagawa. Parang dinaanan ng anghel ang magkakapatid dahil natahimik silang lahat.

"What the fuck is wrong with you?" iritableng tanong ni Grie sabay himas sa pisngi niyang sinapak ni Soren.

Napalingon siya sa akin at tinitigan ako ng madilim.

Gusto kong magsumbong sa kanila pero hindi ako makagalaw. Gusto kong mag-hysterical at magsisisigaw para kampihan nila ako—pero walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko.

Nakatayo lang ako, nakatitig pabalik kay Grie. Alam ko. Alam kong hindi nila kukunsintihin ang kapatid nila. Lahat sila ay sira-ulo pero alam kong kakampihan nila ako.

Hindi ko alam... pero nasasaktan ako.

"Kuya!" muling sigaw ni Soren. "Tangina ka!" Kinuwelyuhan niya si Grie at marahas na hinablot, nabalin ang atensiyon ni Grie sa kapatid niya. "Kailan ka pa natutong manggahasa ng babae?! Tangina ka talaga!"

"Bakit?" malamig na tanong ni Grie. "May sinabi ba siyang ginahasa ko siya?" madiin ang pagbitaw niya ng bawat salita.

"The way she walks and her bruises are fucking enough, you damn animal!"

Bruises?

Napatingin ako sa pulso ko. Kaya pala niya ako hinawakan sa pulso, dahil may bakat ng kamay ang balat ko na tila ba hinawakan ito ng napakahigpit.

"Totoo ba 'yun, Grie?" Ang kanina pang tahimik na si kuya River ay biglang nagsalita. "Papatayin kita kung totoo ang sinasabi ni Soren."

"What the fuck is happening?" Si kuya Caleb, nilingon niya ako. "Saki, ginahasa ka ba ni kuya?" Napailing siya. "Ano bang problema ng pamilyang 'to? Like, what the fuck?!" asar na naisambit niya.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik. At alam kong alam nila ang magiging sagot ko— iyon ay oo.

May nakatakas na luha sa mata ko, agad akong umiwas ng tingin sa kanila.

"Gusto ko nang umuwi," tanging nasabi ko.

Ngunit bago pa ako makapagsalita muli, ay bigla nalang lumitaw sa harapan ko si Grie, hinawakan niya ako sa kamay at agad na hinila paakyat, pabalik sa kuwarto niya.

"Grie, ano ba!" sigaw ko saka hinablot paalis sa pagkakahawak niya ang kamay ko.

Pabalbag niyang isinara ang pinto bago niya ako hinarap. Marahas ko siyang pinalo sa dibdib.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya. Bumigat ang paghinga ko dahil sa kakapigil kong umiyak. "I wanna go home! Gusto kong puntahan ang ate ko! Ano pa bang gusto mo?!"

And there, umiiyak na naman ako.

"Wala akong pagsasabihan... basta pauwiin mo na ako..." Napahikbi ako. "Ayaw mong maging masaya ako, 'di ba? H-Hihiwalayan ko na si Ginger para matahimik na ang kaluluwa mo..."

...Kung meron ka ba niyon.

Muli kong nahampas ang kaniyang dibdib. Mas lalo akong nagagalit at nasasaktan. Parang wala lang sa kaniya ang nangyayari. Nananatiling walang emosyon ang mukha niya.

"Peste ka, sumagot ka naman!" sigaw ko muli kahit na namamaos na ako. "Bakit mo ba ginagawa 'to sa 'kin?! Bakit kasi hindi mo nalang hayaan na sumaya ang sarili mo!"

He gripped my shoulders, gently. Doon, sa mga mata niya, nakita ko ang emosyon na hindi ko pa nakikita noon... noong mga panahong kami pa.

"Tangina, mahal pa rin kita," mariing sambit niya.

Natahimik ako at napatulala sa mukha niya.

Malalalim ang kaniyang bawat paghinga at nakapirmi sa akin ang mga titig niya.

"Sa tingin mo ba magiging masaya pa ako?" Bumaba ang distansiya ng mukha niya sa akin. Bahagyang tumatama ang kaniyang hininga sa tapat ng mga labi ko.

Then he whispers, "Hindi na ako magiging masaya, Saki."

Namalayan ko lamang na binitiwan niya na ako. Lumabas siya ng silid at iniwan akong nag-iisang binabalot ng katahimikan.

########

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now