53

7.4K 198 8
                                    

Hiiii~ Sorry sa superduper na late ud! Busy lang sa studies and chuchuness~ Hehehe >_ Salamat nga pala sa pagbabasa nito, lalo na sa pagvote at pag-add ninyo sa mga RL ninyo! Nakakatuwa na may nagbabasa nitong storyang ito kahit ang corny :3 Pati na rin pala sa followers~ Kaway kaway! ^~^

Btw, dedicated po to kay Ciella_pot. Thank you sa pagcomment kahit na alam kong silent reader ka lang ^_^

So ito na po ang Chappy 53

Someone's POV

"Saan ka galing?" tanong ko sa kakapasok pa lang na hari

"A-ah diyan diyan lang!" anyare sa lalaking toh?

Tinignan ko siya sa mata ng masinsinan at halatang halata na siya'y nagsisinungaling lamang. Kaya naman ay binigyan ko siya ng sasabihin-mo-ang-totoo-o-babarilin-kita look. Bumuntong hininga na lang siya at sinabi ang mga katagang nagpagulat sa akin.

"Nadakip na siya--sila.. Nahuli na ang DDG"

Hindi ko alam ang aking gagawin.. Tila nasa harap ko na si kamatayan na pinapapili ako kung susunduin niya na ako o susunduin niya na ako.

Hindi ko alam ang aking nadarama.. Bakit nawala ang kasiyahan? Hindi ba dapat ay tumatalon na ako sa tuwa ngayon?

Ngunit bakit?

Nanatili akong nakapako sa pagkakaupo at blanko ang isip at ekspresyon. Naguguluhan ako.

Bakit kung kailan hawak ko na sila ay parang...  wala lang.

Walang saya

Walang tuwa

Walang ngiting tagumpay

Wala..

Bakit? Bakit ganito?

"UY!" muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa pagiging epal niya sa pagiisip ko. "Kanino pa ako nagsasalita dito tapos di ka pala nakikinig"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

At muli ay napako ako sa aking kinauupuan.. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit.. Bakit kinakabahan ako? Bakit nakakaramdam ako ng pagsisisi? Bakit?

"Ang sabi ko, dapat ay magcelebrate na tayo dahil dinala na nila Jas ang DDG at ang masnakakatuwa pa ay bugbog sarado na sila kaya naman ay masmapapadali tayong patayin sila.."

Paulit ulit na nagple-play sa utak ko ang mga katagang iyan..

Hanggang sa nilamon na ako unti unti ng dilim at ang huling nakita ko ay si
Miles na sinisigaw ang pangalan ko.

***
DARE'S POV

Arggggh! Ang sakit ng katawan ko!

Minulat ko ang mga mata ko. Ginalaw ko ang katawan ko ngunit bumalot sa akin ang matinding sakit na tila mapuputol na ang katawan ko

"AAAAAHHHHH!!!!" ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng sakit na dahil ng pamumuo ng luha sa aking mga mata.

Inilibot ko na lamang ang aking paningin sa paligid. Nakita ko sila Nico at Remmy..

Isang tingin ko lang sa kanila ay alam ko na ang dinarama nilang sakit. Ngunit nananatili silang walang malay..

Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na ring mawalan ng malay muli.. ngunit may nagsasabi sa akin na dapat ay makatakas na kami ngayundin.

Pero masyadong masakit ang aking katawan.

Naalala ko tuloy ang mga pangyayari kanina...

FLASHBACK

Papunta na ako sa kinaroroonan nila Remmy ngunit hindi ko sila makita doon.

Nasaan sila?

Panic

Nakaramdam ako ng panic sa loob-looban ko. Hindi ko alam ang aking gagawin kung wala sila, mas malala, ay kung makita ko sila ulit na dinadakip ng kalaban.

Tumingin tingin ako sa paligid at nakakita ako ng isang pigura.

Siya...

Nagtiim ang aking bagang. Anong gianagawa niya rito? Siya ba ang may gawa nito?

Traydor...

Lumapit siya unti-unti at nakita ko na ang itsura ng kalaban.. At siya nga ito.

"Bakit?"

"Trabaho lang"

Ngumisi siya na kinainis ko. Tngna niya.

"Kanino?"

"DCG milady" sabay yuko ng pangaasar.

Death Cruise Gang..

Miyembro si Gino doon..
Ngunit patay na siya..
Pinatay ko siya..

Bakit parang nanlambot ang aking mga tuhod?

Bumabalik tuloy ang mga alaala na nakasama ko siya at ang kanyang kapatid..

Pareho ko silang pinatay..

Nandilim ang aking paningin sa di malamang dahilan at inatake ko siya.

Hindi ko na alam ang nangyari ngunit bigla na lang akong bumagsak sa sahig na punong puno ng dugo ang katawan at hinang hina.

Masakit..

At naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at inilagay sa isang van

FLASHBACK END

Paano kami makakatakas nito?

Tumingin tingin pa ako sa paligid at maslininawan ang aking mga mata.

Wala.. walang lusot para makatakas kami rito..
Ngunit nabigla na lang ako nang biglang bumukas ang isang pinto na hindi ko nakita kani-kanina lang; marahil dahil ay isa itong sikretong pinto..

Lumabas ang tatlong lalaki at dalawang babae.. Nangunguna ang isang babae na sa tingin ko ay masmatanda lang ng dalawang taon sa akin.

Ang kanyang tingin na ibinibigay sa akin ay galit at poot.. pero peke

Peke ang ibinibigay niya sa aking tingin tila may pumipilit lang sa kanya.. parang tanga lang -_- Tss

Nakikilala ko ang isang babae't lalaki ngunit labis akong nagulat nang aking makita ay ang lalaking naka-white t-shirt na para bang may halong dugo na rin, pantalon na kung saan sa mga bulsa nito ay ang kanyang mga kamay, at ang kanyang labi na nakasuot ng isang malaking ngisi..

Mapanakit..

Paano ka... nabuhay?

Dare Demon QueenWhere stories live. Discover now