8

21.1K 582 5
                                    

DARE'S POV

*Vroooooom*

Napatingin ako sa tabi ko. *O* Ferrari Enzo.
*Vroooooooom*

Ako naman yan.

*Wooosh*

Ako yan dahil sobrang bilis ko magmaneho. Naaabutan niya ako pero ako parin ang nangunguna.

Malapit na.

Lalo kong binilisan ang pagmaneho at nagdrift sa parking. Haha. I'm awesome. Natalo ko pa yung Ferrari na yun. Tss.
May lalaking lumabas sa Ferrari na nakangiwi. Natalo ko ba naman siya eh. Hindi pa ako lumalabas dahil inaayos ko pa yung uniform ko. Lumapit yung lalaki sa kotse ko at kumatok sa bintana. Tinignan ko lang siya. Siya pala yung sa garden at parking na sumusunod sakin. Di ko siya pinansin at marahas na binuksan yung pinto. Natamaan tuloy siya. Bwahahaha.
Lumabas na ako ng kotse. Hanggang dito pala ay madaming bubuyog.

Bakit kasama niya si King Gino?

Uh bitch

T@ngna, hot pare

Chicks

Hindi ko na pinansin yung bulungan nila, kung yun yung tawag dun. At binigyan sila lahat ng death glare. Nagiba na rin yung kulay ng mata ko.

"Dare?" tawag sakin nung stalker ko ata. Alam niya pangalan ko eh. Nakarecover na pala siya sa pagtatama ko sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" tinignan ko siya boredly. Di ko na siya pinansin. Kita naman niyang suot ko yung uniform ng BWU diba? Noob.
Nilagpasan ko na lang siya at pumasok. Habang naglalakad sa hallway ay di parin tumitigil yung bubuyog. Wala na akong ginawa kasi nakakatamad. Dumeretso ako sa canteen, napagaralan ko na yung map nito kahapon, at nagorder ng favorite ko, RED VELVET CUPCAKE! Since maaga pa ay madaming bakanteng upuan kaya pumunta na lang ako sa sulok. Tahimik at peaceful kasi. Kinain ko na yung cupcake ko ng may umupo sa tapat ko. Pangapat tong mesang inupuan ko. May umupo rin sa tabi ko at sa kanang harap ko. Tinignan ko sila at tinakpan agad yung bibig ko dahil baka maibuga ko yung pagkain ko. Tumawa naman sila.

"Lexi, Bea, Diether? Kayo ba talaga yan?" sinundot ko yung pisngi nila. OhmayGhad

"Kyaaah! Angel, MISS KA NA NAMIN!" lahat sila sabay hug sakin. Binulongan ko naman sila na miss ko rin sila.
Naghiwalay na kami.

"Bakit ka nawala?" mangiyak ngiyak na tanong ni Lexi. Napaseryoso naman ang mukha ko. Bumuntong hininga muna ako ng malalim. Haaaaaay

"Eh kasi may kai---" naputol yung sasabihin ko ng tumunog ang bell. Kasabay nun ay nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko yon at tinignan. 1 message recieved.

From: Nico

San ka na? Magstastart na yung first period natin! Room 304 pala roon natin. Ge. Bye. :)

"Next time na lang guys. Hinahanap na ko ni Nico eh." paalam ko at nagkiss sa cheeks nila't umalis.
Dumaan muna ako ng locker at kumuha ng ilang books. Then umakyat na.
Pagdating ko sa room ay biglang tumahimik. Anong meron? Nakita kong tagos yung tingin nila sa akin kaya tumingin ako sa likod ko. Si Mr.stalker lang pala. Tinignan ko naman yung tinignan niya at nakita ko si

.

.

.

.

.

Nico kasama si Gregory Baqwiof

Dare Demon QueenWhere stories live. Discover now