47

6.5K 202 7
                                    

Karl's POV

Pinaalis ko na yung underling ko at nanatili muna dito sa hardin. Bakit nangyayari to? Haaaay. Kailangan ko muna magpahangin.

Maya maya ay pumasok na ako sa loob. Narinig ko yung tatlo na nagsisigaw. Narindi ako kaya naman ay lumapit ako sa kanila at tinanong ang nangyayari

"Nawawala si DARE!!" h-huh? A-ano daw? Parang ayaw ata gumana ng utak ko. Joke ba to? Tatawa na ba ako? Ang demonyo ko. Asan na siya?

"Tinignan niyo na ba lahat ng pwede niyang puntahan?" tumango sila. Napahawak ako sa noo ko ng sumakit ito.

Isip isip. Saan siya pwede pumunta?

"Yung CCTV!" biglang sigaw ni Rare.

"Sira na yun!" tama si Nico

ISIP! San ka ba?

*+*+*+*+*+*

DARE'S POV

Siya.. si James. Ang nagiisa kong kaibigan noon nung nasa bahay pa ako nila Mama.. Ang nageffort palagi na umakyat sa bintana ko para lang makita ako. Ang nagpasaya sakin tuwing ako ay malungkot. Siya. Siya yun. Siya ngayon ang nasa harap ko na nakangiti ng malapad.

"Kamusta, Denice?" may mali.. Denice? Hindi siya si James! Hindi Denice ang tawag sakin ni James!

"Sino ka?" humakbang ako ng konti papalayo ng tumayo siya at ngumisi pero nakita ko ang lungkot at galit sa mata niya.

"Nakakadismaya ka naman, Denice. Alalahanin mo ko" ginawa ko ang sinabi niya. Pero wala akong maalala!

"Sino ka sabi!" lumapit siya sakin at agad na kinulong sa mga braso niya. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ano to?

"Di mo na ba talaga ako naaalala?" sabi niya at unti unting nilalapit ang mukha sa akin. Tinry kong kumawala pero ayaw niya magpatinag. Tumigil lang siya nang 1 inch lang ang layo ang mukha namin sa isa't isa. "Si James lang ba ang naaalala mo? Pano si Jared?"

Bigla na lang may lumabas sa isipan ko ng marinig iyon.

Si Jared.

Ang kakambal ni James.

Sinikmuraan ko siya at agad na lumayo.

Tinignan niya ako ng masama pero nawala rin yon.

"Bakit ako nandito?!" ngumiti siya

"Ikaw ang reyna ko."

"Tigilan mo na ako! Hanggang ngayon ba naman ba?!" sumigaw siya sa galit niya

"Oo hanggang ngayon! Bakit?! Dahil gusto ko akin ka lang! Akin lang! Naiintindihan mo?!"

"Kailanman ay hindi ako naging sayo! Ano ba ang di mo maintindihan?! Sabi ko sayo dati na wag na wag kang magpakita diba?! Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!"

"Matagal na akong nagsisisi.. Araw araw ay nagdurusa ako sa ginawa ko. Hindi ko sinasadya ang ginawa ko." pakiramdam ko ay naging pula ang mga mata ko.

"Hindi mo sinasadya?! Tinulak mo siya!" nagiging garagal ang boses ko. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Patawad. Naging makasarili ako. Masyado akong nalamon ng selos ko.. Nagseselos ako noon dahil siya lang ang pinapansin mo. Lagi mo akong nilalayuan. Mahal kita pero nilalayuan mo lang ako." at napaiyak na ako't niyakal siya pabalik.

Di ko akalain na mahal niya rin ako.

Dare Demon QueenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin