Chapter 28 - Alexander (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ingat." I told Janet.

I turned on my heel once her car is out of sight. I'm been anxious the entire day dahil na rin hindi na ako makapaghintay na makausap uli ang taong ilang taon ko nang hindi nakikita, ang taong gusto kong makausap.


"Nandito na po tayo Congressman."

Napaangat ang ulo ko mula sa binabasa kong proposal para sa proyekto ng distritong hinahawakan ko at napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi ko namalayan na tumigil na pala ang kotse at nakaparada na ito sa harap ng isang mamahaling Italian restaurant.

"Are you not going to join us?" tanong ko kay Mike ng bumaba ako ng sasakyan.

"Hindi na ho Congressman. Siguradong marami kayong pag uusapan, may ibang araw pa naman."

Napatango ako habang sinusuot ang blazer, pagkatapos kinuha ko ang wallet na nasa likod ng bulsa ko at kumuha ng ilang pirasong tig-iisang libong papel at inabot kay Mike. "Take out some dinner for your men at baka matatagalan kami sa loob." utos ko dito. I glanced at the two SUVs parked behind us kung saan nakasakay ang ibang mga tauhan ko.

I sighed deeply.

I missed the old days when I used to go out anywhere without armed bodyguards trailing behind me. Pero kaakibat na talaga yata ng isang pagiging pulitiko ang mga banta sa buhay namin. Lalo na sa isang katulad ko na nakaipon ng maraming kaaway sa pulitika.

Enemies I accumulated from my thirst of justice.

"This way, sir." I followed the waiter as he guided me to the far corner of the restaurant.

Sumilay ang ngiti sa labi ko when I saw the person I'm going to meet was already there. Kaagad itong tumayo ng makita akong paparating at masayang sinalubong ako.

"Alex!" he shook my hand vigorously at payakap na pinatong nito ang isang kamay sa balikat ko.

"Attorney Galvez." sagot kong bati dito.

"How are you Attorney? It's been a long time since you left the country." tanong ko sa kanya ng makaupo na kami.

"Tatlong taon iho, three years na akong naninirahan sa America and so far, I'm adjusting to my pensioner's life. " at tumawa ito. "Although, paminsan-minsan hinahanap ko pa rin ang buhay sa korte. I missed the verbal fighting inside the court."

Pinagmamasdan ko ang kaharap ko habang masaya itong nagki-kwento ng buhay niya sa America, and I can't help but feel envious of his calm and cheerful aura. Far from his troubled appearance when he left the country after his wife died, after the madness of..

"The moment I sign the agreement to hand over my law firm to the new owner, lilipad na kaagad ako pabalik ng America iho, dahil nag aalala ako sa mga alaga kong mga halaman duon at baka wala na akong babalikang buhay sa hardin ko." at tumawa ito sa sariling biro.

Napahugot ako ng malalim na hininga.

Am I the only one left who has not moved on? na nanatiling nabubuhay sa kahapon. Umaasa?

"Kaarawan ni C-Cass sa makalawa Attorney, sana makapunta kayo sa selebrasyon na inihanda namin." may bumarang bikig sa lalamunan ko na napalunok ako.

After all these years.

Kahit maraming taon na ang lumipas. It's still hard for me to say her name loudly without getting emotional.

Natahimik ang kaharap ko at matamang nakatitig sa akin. Binalot ng katahimakan ang lamesa namin, parehong may malalim na iniisip, pero iisang tao lang ang parehong laman ng isip.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon